BAGAC Friends of Divine Mercy

BAGAC Friends of Divine Mercy Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BAGAC Friends of Divine Mercy, Religious organisation, Bagac Bataan, Bagac.

❤️   June 27, 2026
28/06/2026

❤️


June 27, 2026

28/06/2026

Fr. Ramon Mariano birthday celebration with Friends of the Divine Mercy
❤️



Solemnity of Our Lady of Perpetual Help JUNE 27, 2026Diocesan Shrine and Parish of St. Catherine of Alexandria With Fr. ...
27/06/2026

Solemnity of Our Lady of Perpetual Help
JUNE 27, 2026
Diocesan Shrine and Parish of St. Catherine of Alexandria
With Fr. Norman De Leon

Panalangin sa Ina ng Laging Saklolo

O Ina ng Laging Saklolo,
ikaw ang ipinagkaloob sa amin ng Diyos bilang aming Ina at mapagkalingang tagapagtanggol. Lumalapit kami sa iyo na may buong pagtitiwala. Tulungan mo kaming mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos at manatiling tapat sa Kanyang pag-ibig.

Ina, ipanalangin mo kami sa iyong Anak na si Hesus. Sa aming mga pangangailangan, kalungkutan, pangamba, at pagsubok, kami'y iyong alalayan. Pagkalooban mo kami ng lakas ng loob, kapayapaan ng puso, at biyayang kailangan upang magpatuloy sa aming paglalakbay sa buhay.

Ina ng Laging Saklolo, ikaw ang kanlungan ng mga makasalanan, kaginhawahan ng mga nagdurusa, at pag-asa ng mga nangangailangan. Huwag mo kaming pabayaan. Akayin mo kami palagi kay Hesus, upang sa pagsunod sa Kanya ay maranasan namin ang Kanyang awa at pag-ibig.

MASINATAHING INA, TULUNGAN MO KAMI. 🙏

Amen.





𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐩𝐨, 𝐅𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐍𝐨𝐫𝐦𝐚𝐧!Dalangin namin ang patuloy na pagpapala, kalusugan, at kagalakan mula sa Panginoon...
25/06/2026

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐩𝐨, 𝐅𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐍𝐨𝐫𝐦𝐚𝐧!

Dalangin namin ang patuloy na pagpapala, kalusugan, at kagalakan mula sa Panginoon sa inyong buhay. Nawa’y patuloy kayong maging instrumento ng Kanyang pag-ibig at gabay. ❤🙏



17/06/2026

Happy Presbyteral Anniversary, Father Norman! 🙏

Sa araw na ito, taos-puso kaming nagpapasalamat sa iyong tapat na paglilingkod at pagpapastol sa amin bilang aming pari. Maraming salamat sa walang sawang paggabay, suporta, at paglalaan ng oras at panahon para sa aming community sa Friends of the Divine Mercy.

Salamat sa mga sakripisyong madalas ay hindi nakikita ng iba, sa mga taimtim na dasal para sa iyong kawan, at sa pagiging handang maglingkod nang may pusong mapagkumbaba at mapagbigay. Ang iyong pagiging selfless at matatag sa gitna ng mga hamon ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa aming lahat.

Higit sa lahat, maraming salamat sa iyong pananatili at tapat na paglilingkod sa Parokya ni Apo Ina. Nawa'y patuloy kang pagkalooban ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at masaganang biyaya upang maipagpatuloy ang iyong misyon.

Ang iyong buhay at bokasyon ay biyaya sa aming community at sa pamayanan ng Bagac. Maraming salamat sa iyong pagmamahal at paglilingkod. 🙏⛪





https://www.facebook.com/share/p/1CwhZyc6ri/
12/05/2026

https://www.facebook.com/share/p/1CwhZyc6ri/

𝑯𝑨𝑷𝑷𝒀 𝑩𝑰𝑹𝑻𝑯𝑫𝑨𝒀!

May 12, 2026

Sis. 𝙈𝘼𝙍𝙄𝘾𝙀𝙇 𝙋𝘼𝙎𝘾𝙐𝘼𝙇
Cluster Head
FRIENDS Bagac

May God bless you and grant you long life, prosperity, and happiness for all your days! May the love of God fill your life and warm your heart on your birthday. 🙏🏻

Believers' Fellowship"WISDOM"speaker: Bro. Allan Tigue
06/05/2026

Believers' Fellowship

"WISDOM"
speaker: Bro. Allan Tigue




𝐃𝐈𝐕𝐈𝐍𝐄 𝐌𝐄𝐑𝐂𝐘 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘April 12, 2026-Ikatlo ng Hapon, sa oras ng Dakilang Awa, taimtim na nanalangin ng Divine Mercy Chaple...
13/04/2026

𝐃𝐈𝐕𝐈𝐍𝐄 𝐌𝐄𝐑𝐂𝐘 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘

April 12, 2026-Ikatlo ng Hapon, sa oras ng Dakilang Awa, taimtim na nanalangin ng Divine Mercy Chaplet ang community ng Friends of the Divine Mercy Bagac. Sa banal sa sandaling ito, sabay-sabay na inialay ang ating mga panalangin, pagtitiwala, at pag-asa sa walang hanggang awa ng Diyos.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa prusisyon. Ang inyong debosyon, sakripisyo, at sama-samang pananampalataya ay tunay na nagbigay-liwanag at inspirasyon sa bawat isa.

Lubos din po ang aming pasasalamat kay Padre Norman De Leon sa kanyang mapagkalingang pamumuno at walang sawang paglilingkod. Salamat po, Padre, sa inyong paggabay sa aming komunidad, sa pagbabahagi ng makabuluhang mensahe ng Divine Mercy, at sa patuloy ninyong pagpapalalim ng aming pananampalataya. Ang inyong dedikasyon at malasakit ay nagsisilbing ilaw at inspirasyon sa amin upang lalo pang mapalapit sa Panginoon.

Nawa’y magpatuloy tayong maging daluyan ng awa, pag-ibig, at kapatawaran sa ating kapwa.

“Jesus, We trust in You.” ❤️

𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒Ngayong Linggo ng Banal na Awa, inaanyayahan tayong lahat na magbalik-loob at magtiwa...
11/04/2026

𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒

Ngayong Linggo ng Banal na Awa, inaanyayahan tayong lahat na magbalik-loob at magtiwala sa walang hanggang awa ng Diyos.

Sa ikatlo ng hapon (3:00 PM) — oras ng kamatayan ng ating Panginoon — maglaan tayo ng sandali upang manalangin ng Divine Mercy Chaplet. Ito ang oras ng dakilang biyaya at awa.

Lumapit tayo sa Kanya nang may kababaang-loob, dalhin ang ating mga sugat, kasalanan, at mga pinagdaraanan. Hingin natin ang Kanyang awa para sa ating sarili, sa ating pamilya, at sa buong mundo.

“Jesus, I trust in You.” ❤️

Address

Bagac Bataan
Bagac
2107

Telephone

+639176369034

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BAGAC Friends of Divine Mercy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share