03/10/2026
Inaalagaan tayo ng Diyos sa mga paraang hindi natin laging nakikita. Ang ating Guardian Angel ay isang magandang paalala na hindi tayo nag-iisa sa ating paglalakbay sa buhay.
Nawa’y lalo tayong matutong magtiwala, sa katiyakang laging malapit ang Diyos at binibigyan Niya tayo ng mga anghel na gumagabay at nag-iingat sa atin. Nawa’y matuto rin tayong makinig sa Kanyang banayad na paggabay araw-araw. 🙏👼