27/01/2025
PROTIPS - January 27, 2025
Be True to Your Word
by Maloi Malibiran-Salumbides
Ano ang mararamdaman mo kung pinangakuan ka ng isang bagay, lumipas ang mahabang panahon at ang pangako ay wala pa ring katuparan? Nakaka-disappoint di ba? Nakakasira ng tiwala. Ang bawat pangakong ating binibitiwan dapat lang na ating pinangangatawanan. Words are powerful and promises are precious. Kapag mayroon tayong ipinangako sa ating customer o kliyente, tiyakin natin na ito'y ating tutuparin dahil ang pagtupad sa pangako ay mahalagang puhunan upang makuha natin ang tiwala ng pangmatagalang mga kliyente.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Maraming paalala ang Bibliya tungkol sa kahalagahan ng pagtupad sa mga binibitiwan nating pangako. Ang sabi sa Proverbs 11:3, "The integrity of the upright guides them, but the crookedness of the treacherous destroys them." Ang iyong integridad ay nasusukat sa pagiging tapat mo sa iyong mga salita. Sa Proverbs 20:25 ay ganito naman ang sinasabi, " It is a trap to dedicate something rashly and only later to consider oneβs vows." If you want people to trust you and value your words, be true to your promises.
Anu-ano nga ba ang pwede nating gawin para ang pangakong binitiwan ay ating mapangatawanan?
1) Know what you can and can't deliver. Iwasan mong mangako ng isang bagay na di mo naman pala kayang gawin. Don't guarantee something that you cannot fulfill. Hindi naman pala sakop ng iyong authority, pagkatapos ay mangangako ka sa customer na ibibigay ninyo ang hinihiling niya. Paano kung hindi ito maaprubahan? Hindi lamang ikaw ang masisira kundi pati na rin ang integridad ng inyong company. Do not over commit then under deliver.
2) Say that you'll do the best you can and do it. Sa halip na mangako at paasahin ang iyong client sa isang bagay na hindi mo naman talaga kayang ibigay, sabihin mo sa kanya na susubukan mo ang best mo para maibigay sa kanya ang pinakamagandang deal. Then do it. Kapag ito'y nagawa mo, tiyak na maa-appreciate ng iyong customer ang extra-mile service mo.
3) Silence is better than a broken promise. Mas mabuting manahimik ka na lamang kaysa magpresenta at mag-commit sa isang bagay na hindi mo naman pala magagawa. Your "no" will be much appreciated than an empty "yes". Kung ayaw mong masisi sa bandang huli, maging totoo sa iyong salita at tuparin ang iyong mga pangako.
Integrity is good not just for business it is good for your heart and peace of mind. When there is a divide between our words and our actions apektado ang ating credibility. Maging totoo sa iyong salita.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!