06/04/2026
“𝗡𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚𝗣𝗢”
Sa kauna-unahan at makasaysayang pagkakataon kahapon (Viernes Santo) sa pagsasagawa ng solemneng prusisyon ng paglilibing sa Panginoon, ipinakita ng dalawang Pastol ng 𝑰𝒈𝒍𝒆𝒔𝒊𝒂 𝑨𝒑𝒐𝒔𝒕𝒐𝒍𝒊𝒄𝒂 𝑪𝒂𝒕𝒐𝒍𝒊𝒄𝒂 𝑹𝒐𝒎𝒂𝒏𝒂 at 𝑰𝒈𝒍𝒆𝒔𝒊𝒂 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂 𝑰𝒏𝒅𝒆𝒑𝒆𝒏𝒅𝒊𝒆𝒏𝒕𝒆 sa katauhan nina 𝙍𝙙𝙤. 𝙋𝙙. 𝙍𝙚𝙮𝙢𝙖𝙧 𝘼𝙧𝙘𝙖 (𝙋𝙖𝙧𝙤𝙠𝙮𝙖 𝙣𝙞 𝙎𝙖𝙣 𝙇𝙤𝙧𝙚𝙣𝙯𝙤 𝙍𝙪𝙞𝙯) at 𝙍𝙙𝙤. 𝙋𝙙. 𝙉𝙖𝙩𝙝𝙖𝙣𝙞𝙚𝙡 𝘼𝙣𝙙𝙧𝙚𝙬 𝙑𝙞𝙯𝙘𝙖𝙧𝙧𝙖 (𝙈𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙤 𝙉𝙞ñ𝙤 𝙙𝙚 𝙇𝙞𝙜𝙖𝙨) ang paggalang sa isa’t-isa at kapakumbabaan sa pagsasalubong ng prusisyon ng dalawang simbahang kinikilala sa pamayanan ng Ligas, Bacoor City, Cavite.
Tunay na naipapakita ang pagsasabuhay ng mga huling aral ni Kristo bago siya lumisan: “MAG-IBIGAN KAYO TULAD NG PAG-IBIG KO SA INYO.”
Patuloy tayong manalangin para sa ikapapayapa at ikapagkakasundo ng lahat ng Simbahang tunay na nag-aakay sa mga mananampalataya sa higit na pagkakaisa, paggalang sa pananampalataya at paniniwala ng iba sa kabila ng pagkakaiba.
Ipanalangin din natin ang tanang kaparian na nawa’y manatiling tapat sa kanilang bokasyon.