St. Michael the Archangel Parish - Bacoor

Call Directions Contact the place of worship

St. Michael the Archangel Parish - Bacoor Official Page of the Parish of St. Michael, the Archangel in the City of Bacoor, Cavite Iglesia Catolica Apostolica Romana
Parish of St. Fr.

Michael the Archangel

[email protected]

Parish Priest: Rev. Calixto Lumandas
Parochial Vicar: Rev. Anishmon Joseph

Mass and Novena Schedule:

Sunday
6:00 AM - Mass
7:30 AM - Mass
9:00 AM - Mass
10:30 AM - Baptism
4:00 PM - Mass
5:30 PM - Mass

Monday:
6 AM - Mass

Tuesday:
6 AM - Mass

Wednesday:
6 AM - Mass
5 PM - Novena of the Our Lady of Perpetual Help
5:30 PM - Mass

Thursday:
6 AM - Mass

Friday:
5 AM - Mass (1st Friday of the Month)
6 AM - Mass

Saturday:
6 AM - Mass
5:30 PM - Vigil Mass of Sunday (Misa Anticipada)

07/10/2026

Live | Prusisyon para sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santisimo Rosario De Bacoor

VIVA LA VIRGEN!

OKTUBRE 7 | DAKILANG KAPISTAHAN NG NUESTRA SEÑORA DEL SANTISIMO ROSARIO DE BACOOR Ang kapistahan ngayong ika-7 ng Oktubr...
07/10/2026

OKTUBRE 7 | DAKILANG KAPISTAHAN NG NUESTRA
SEÑORA DEL SANTISIMO ROSARIO DE BACOOR

Ang kapistahan ngayong ika-7 ng Oktubre ay dedikasyon sa Reyna at Segunda Patrona ng Lungsod ng Bacoor — Ang Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo. Ito rin ay itinatag ni Papa Pio V upang gunitain ang dakilang tagumpay ng hukbong Kristiyano laban sa mga Turko sa Labanan ng Lepanto noong 1571. Sa ilalim ng pagkakandili ng Mahal na Birhen at sa walang patid na pagdarasal ng santo rosaryo, ito'y inialay ni Papa Pio V at pinangalanan bilang Pista ng Ina ng Tagumpay (Our Lady of Victory), na ipagdiriwang tuwing ika-7 ng Oktubre. Noong 1573, pinalitan ni Papa Gregorio XIII ang titulo at ginawang Pista ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario.

Buong galak po naming binabati ang lahat ng deboto ng Mahal na Birhen sa dakilang pagdiriwang ng Kanyang Kapistahan.

Inaanyayahan po ang bawat isa na makiisa sa Banal na Misa ngayong 5:30 ng hapon at sa Banal na Prusisyon sa ganap na 6:30 ng gabi bilang pagpapakita ng ating pagmamahal at debosyon sa ating Mahal na Ina.

VIVA LA VIRGEN!
VIVA LA REINA DEL SANTISIMO ROSARIO DE BACOOR!

Sa darating na Miyerkules, Oktubre 7, 2026, halina’t ating ipagdiwang ang kapistahan ng Segunda Patrona ng bayan ng Baco...
06/10/2026

Sa darating na Miyerkules, Oktubre 7, 2026, halina’t ating ipagdiwang ang kapistahan ng Segunda Patrona ng bayan ng Bacoor, Mahal na Birhen ng Santisimo Rosario de Bacoor.

Maki-isa sa banal na misa na gaganapin ng 6:00 N.U. at 5:30 N.H. na susundan naman ng Banal na Prusisyon ng 6:30 N.G.

VIVA LA VIRGEN MARIA!
VIVA LA VIRGEN SANTISIMO ROSARIO!

04/10/2026

“God wants to you to be good stewards ng mga pagpapala at biyaya na ipinagkaloob niya sa atin. Gamitin natin ito upang lalo tayong makapaglingkod sa Diyos at sa ating kapwa. Amen”

Ang araw-araw na ipinagkaloob sa atin ng Diyos ay bagong biyaya ng pagkakataon. Pagkakataon ng bagong simula, pagkakataong makapaglingkod sa Diyos at kapwa. At ang biyayang ito ay dapat nating pahalagahan, dapat nating gamitin sa kabutihan at pagmamahal.

"Ikaw ay Pari Magpakailanman" Mula sa sambayanan at parokya ng San Miguel Arkanghel, Maligayang ika-51 na taong anibersa...
04/10/2026

"Ikaw ay Pari Magpakailanman"

Mula sa sambayanan at parokya ng San Miguel Arkanghel, Maligayang ika-51 na taong anibersayo sa pagkapari sa ating minamahal na Kura Paroko, Reb. Padre Calixto Lumandas.

30/09/2026

PISTANG SAN MIGUEL 2026

Sa pagtatapos ng Pistang San Miguel 2026, ating pagnilayan at balikan ang mga makabuluhang sandaling nagbuklod sa atin sa pananampalataya, pagkakaisa, at pasasalamat.

✦ ✦ ✦

SAN MIGUEL ARKANGHEL: Nakikinig upang Makaniig

G. ARTHUR BERNARDO CASTOR
Hermano de San Miguel 2026

VIVA EL GLORIOSO SAN MIGUEL ARKANGHEL!



PISTANG SAN MIGUEL 2026Ang kapistahan ay naihandog na! Matapos ang ilang linggo ng masusing paghahanda at sama-samang pa...
30/09/2026

PISTANG SAN MIGUEL 2026

Ang kapistahan ay naihandog na! Matapos ang ilang linggo ng masusing paghahanda at sama-samang paglilingkod, pormal nang naipasa ni G. Arthur Bernardo Castor kay Daryll de Angelo Chang ang bara alta na sumasagisag sa pagpapatuloy ng pananagutan at paghahanda para sa susunod na pagdiriwang ng kapistahan.

Kasabay nito, ipinakilala rin ang susunod na hanay ng mga maglilingkod at mangunguna sa mga darating na taon, simbolo ng pagpapatuloy sa tradisyon, debosyon, at pagkakaisang nagbubuklod sa ating sambayanan sa ilalim ng pagkalinga ni San Miguel Arkanghel at ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario.

✦ ✦ ✦

SAN MIGUEL ARKANGHEL: Nakikinig upang Makaniig

G. ARTHUR BERNARDO CASTOR
Hermano de San Miguel 2026

VIVA EL GLORIOSO SAN MIGUEL ARKANGHEL!



PISTANG SAN MIGUEL 2026Luwa Alay kay San Miguel Arkanghel at sa Mahal na Birhen ng Santo Rosario na isang natatanging ga...
30/09/2026

PISTANG SAN MIGUEL 2026

Luwa Alay kay San Miguel Arkanghel at sa Mahal na Birhen ng Santo Rosario na isang natatanging gawi ng pagpupugay kung saan ang dalawang patron ay inihaharap sa Daang Bukid bilang pagpaparangal at pagbibigay-galang.

Ayon sa ating kasaysayan, ang tradisyong ito ay sumasagisag sa taos-pusong pasasalamat at taimtim na pagsusumamo ng sambayanan para sa masaganang ani ng palay sa pamamagitan ng pananalangin kay San Miguel Arkanghel, at mabuting huli ng isda at asin sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario. Sa pagkalinga ng dalawang patron, sama-samang dumudulog ang bayan sa Diyos na may pananampalataya at pag-asa.

Higit pa rito, ang Luwa ay nagsisilbing mapagnilay na paggunita sa unang tahanan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario, na ayon sa salaysay ay mahimalang natagpuan sa isang kamalig ng asin. Sa sandaling ito, wari bang muling dumudungaw ang ating Mahal na Ina mula sa kanyang pinagmulan upang ipaalala ang kanyang patuloy na pagkalinga at paggabay sa pamayanan, kasama ni San Miguel Arkanghel bilang mga tagapagtanggol at tagapagbantay ng bayan.

✦ ✦ ✦

SAN MIGUEL ARKANGHEL: Nakikinig upang Makaniig

G. ARTHUR BERNARDO CASTOR
Hermano de San Miguel 2026

VIVA EL GLORIOSO SAN MIGUEL ARKANGHEL!



Address

Gen. Evangelista Street , Poblacion
Bacoor
4102

Opening Hours

Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 12pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 6pm
Saturday 9am - 12pm
Sunday 9am - 12pm
2pm - 6pm

Telephone

+63464360456

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Michael the Archangel Parish - Bacoor posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. Michael the Archangel Parish - Bacoor:

Shortcuts

Share

Category