15/08/2026
๐๐ผ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐น๐น๐ฒ๐ฑ ๐ฏ๐ ๐๐ต๐ฒ ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต: ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ธ-๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐น
AGOSTO 9, 2026 | ๐๐๐-19 ๐๐๐ก๐๐๐ข ๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐ช๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ข๐ก (๐)
MABUTING BALITA: โMateo 14: 22-33
Noong panahong iyon, matapos pakainin ang mga tao, agad pinakasakay ni Hesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi. Samantala, nasa laot na noon ang bangka at sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat sa hangin. At nang madaling araw naโy sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. โMulto!โ sigaw nila. Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, โHuwag kayong matakot; si Hesus ito!โ At nagsalita si Pedro, โPanginoon, kung talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig.โ Sumagot siya, โHalika.โ Kayaโt lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig, palapit kay Hesus. Ngunit nang mapansin niya ang hangin, siyaโy natakot at nagsimulang lumubog. โSagipin ninyo ako, Panginoon!โ sigaw niya. Agad siyang inabot ni Hesus. โNapakaliit ng iyong pananalig!โ sabi niya kay Pedro. โBakit ka nag-alinlangan?โ Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin. At sinamba siya ng mga nasa bangka. โTunay na kayo ang Anak ng Diyos!โ sabi nila.
โ-----------------------------------------------------------
โ
๐ฃ๐๐๐ก๐๐ก๐๐๐๐ฌ
โ
Sa panahon ngayon, napakaraming problema ang humahampas sa bawat isa sa atin. Mga problemang sinusubukan ang ating pananalig at pananampalataya sa Panginoon. May pagkakataong nakakalimutan nating humawak nang mahigpit sa Kaniya.
Tandaan lamang natin, na Siya ay palaging nakikinig sa ating mga hinaing. Hindi Niya tayo pababayaan, sapagkat hahawakan niya nang mahigpit ang ating mga kamay at sasagipin tayo sa tiyak na pagkalunod.
Tibayan ang pananampalataya sa lahat ng oras dahil ang Panginoon natin ang siyang mag-aahon sa ating pagkalunod.
---------------------------------------------------------