Chosen Young Generation

Chosen Young Generation A Chosen Young Generation called to live like Jesus and to lead people to Jesus.
(1)

10/01/2026

Been waiting for a sign? This is it. We’re starting a new chapter of Chosen Young Generation—come through and be part of a generation worshipping JESUS with all we’ve got. Come as you are!

PITIK, KA-CHOSEN 📸 | Some photos during our youth sunday service, check them out!Hindi lang tuwing Linggo ang pagsamba.H...
19/12/2025

PITIK, KA-CHOSEN 📸 | Some photos during our youth sunday service, check them out!

Hindi lang tuwing Linggo ang pagsamba.
Hindi lang ito pagbihis ng maayos, pagkanta, pakikinig habang nakaupo, at fellowship pagkatapos o vibes—ito ay puso at buhay.

Kapag pinipili mong sumunod kahit mahirap, kahit hindi mo agad ma-gets, that's still a decision for your faith. Ang altar ay hindi lang lugar sa simbahan, kundi araw-araw, na ilagay ang Diyos sa unahan ng iyong buhay.

Kaya taus-puso kaming nagpapasalamat sa mga Ka-Chosen, sa pagsama sa amin nitong linggo, sa huling topic ng "Tarry" series! Sa maraming paraan niyo sana ipinagbunyi ang araw ng linggo, ngunit nagbigay kayo ng oras sa gawain.

No matter the season, jolly or not, eyes on Jesus! 🙌🔥


NOTE, KA-CHOSEN 💌 | May panahon sa buhay na kahit makarinig tayo ng mga salita ng pag-asa, parang hindi ito tumatagos sa...
19/12/2025

NOTE, KA-CHOSEN 💌 | May panahon sa buhay na kahit makarinig tayo ng mga salita ng pag-asa, parang hindi ito tumatagos sa puso.

Naranasan mo na ba ito? Nakabasa ka na ng talata, nakapakinig ng worship, ngunit nananatiling mabigat ang pakiramdam.

Tulad ng mga Israelita, lubog ang balat sa ilalim ng iyong mga mata; gawa ng pagod at maging ang puso mo, tuyo ang utak mo, sugatan ang iyong espiritu—dahil tao ka lamang.

Maraming taon ng paghihirap ang sumira sa mga Israelita, sa kanilang lakas at pag-asa. Ang sakit ang mas lumutang kaysa sa pangako ng kalayaan.

Stress sa pag-aaral, pressure sa pamilya, pagkabigo, heartbreak, o takot sa hinaharap. Kapag may pinagdaanan, we become cruel, anguished, and soulless; Gayon din ang mga Israelita.

Ngunit narito ang katotohanang nagbibigay-lakas: Hindi tumigil ang Diyos sa pagkilos, kahit hindi tumitimo ang mga pahayag sa pamamagitan ni Moises. Sa kalagitnaan ng pagkaalipin sa pagsubok, ang kahinaan ng tao ay hindi hadlang sa Diyos.

Kung pakiramdam mo ikaw ay nakagapos, natigil, o nawalan ng lakas, alalahanin mo na nakikita ng Diyos ang higit pa sa iyong kasalukuyang sakit. Ang tila pagkaantala ay pahiwatig. Ang tila katahimikan ay hindi kawalan ng Presensya ng Panginoon.

Ngayon, dalhin mo ang iyong kahinaan kay Kristo. Hayaan mong Siya ang magbuhat ng hindi mo na kaya. Mapagtatanto mo—kahit sa pinakamababang sandali ng buhay mo, si Yahweh ang nagsusulat na ng kwento ng kalayaan, kagalingan, at paglago.



Kumusta, Ka-Chosen? 👋🏻Inaanyayahan namin kayo sa linggo, sa oras ng pagsamba at pagninilay; Para sa huling paksa na kuku...
12/12/2025

Kumusta, Ka-Chosen? 👋🏻

Inaanyayahan namin kayo sa linggo, sa oras ng pagsamba at pagninilay; Para sa huling paksa na kukumpleto ng aming series na "Tarry"! ✨

Mas matalas.
Mas malalim.
Mas malapit sa Diyos.

Sama-sama nating damhin ang Panginoon. Itong Disyembre, lumalamig na ang panahon, let's claim na ito ang ating jolly ngunit "tarrying" season din. 💥

Kaya tara na, mag church na tayo!


Ka-Chosen, para sa iyo ito..."Kapag na-grieve mo na si Lord, hindi mo na mababalik yung apoy ng nakaraan. Mararanasan mo...
12/12/2025

Ka-Chosen, para sa iyo ito...

"Kapag na-grieve mo na si Lord, hindi mo na mababalik yung apoy ng nakaraan. Mararanasan mo yung panlalamig, mapapatanong ka ng; "Lord, nakalimutan mo na ba ako?""—Tarry With Purpose, Power, Promise: His Grief and Our Surrender: What Grieves the Holy Spirit and Surrendering, Speaker: Ate Fella

Tayo ang nakakasakit sa Holy Spirit, not the other way around. Tayo ang biniyayaan ng sariling pagpapasiya, kung pipiliin natin ang ating laman o Siya.

Subalit, sa bawa't pagkakataon ng ating buhay na humihirap, sumasakit, bumibigat; "Kasalanan ng Diyos", "God, bakit?"

But let's observe our own actions. What are the things we do, that we think are okay?
▪️ Continual rejection of God's command (Isaiah 63:10) — Grieves the Holy Spirit ❌
▪️ Making a vow to the Lord but neglecting to honor it (Acts 5:1-4) — Grieves the Holy spirit ❌
▪️ Resist the guidance of His appointed servant (Acts 7:51) — Grieves the Holy Spirit ❌
▪️ Turn away from God instead of drawing near
(Heb. 3:7-8) — Grieves the Holy Spirit ❌

We have to take responsibility of our own actions.

Supposedly, sa lahat ng sitwasyon ay kasama natin ang Panginoon. Ngunit, sa sandaling piliin natin ang katwirang alam natin hindi Niya payo — mag-isa na tayo.

Kung nagagawa nga natin ang mali, ipilit ito nang buo ang loob. Tayo lang din ang makakapagbalik ng relasyon na mayroon tayo kay Yahweh, if we are truly willing.

We must repent, even when uncomfortable. We must tarry for Christ, huwag lumakad ng paurong. We must learn to prioritize obedience, even when we can sacrifice.

"Attend na lang ako ng prayer meeting, kasi nagkasala ako kagabi."

Ka-Chosen, ang mali ay hindi basta mababawi sa gawa kung madumi ang intensyon. It is clear, no amount of sacrifice can compare. The greatest sacrifice is to follow Jesus.

We are so blessed to hear the testimonies of our youth leaders, so we learn in advance.

Ka-Chosen, while we are still young, mag-surrender na tayo sa kagustuhan ni Lord sa buhay natin. Hindi tayo habambuhay mananatiling bata, wala na tayong masisisi na iba.

Are you strong, passionate, persevering? Then surrender. If not, do you want to be better? Still, surrender. If you have the grit for God, only He can take you to places you should be in, where you deserve.

Want more? Join us next sunday 🔜


PITIK, KA-CHOSEN 📸 | Mga litrato sa aming naganap na gawain. Basahin natin ang mga nanaig na palaisipan ng pangyayari—Bi...
11/12/2025

PITIK, KA-CHOSEN 📸 | Mga litrato sa aming naganap na gawain. Basahin natin ang mga nanaig na palaisipan ng pangyayari—

Bilang bahagi ng aming series na "Tarry", ang naging pangangaral ay pinamagatang: "His Grief, Our Surrender: What Grieves the Holy Spirit and Surrendering".

Araw-araw, may tahimik na laban na nagaganap sa loob puso natin. "Sundin ko na lang sarili kong diskarte", nang hindi hinihingi ang payo ng Diyos. Subalit, walang kasiguraduhan ang sarili.

Ang katotohanan ay simple: Hindi ang sarili mong kalooban, hindi ang gusto mo para sa sarili. Higit ang kaalaman ng Panginoon kung ano ang mas mabuti para sa iyo.

Ka-Chosen, hindi tayo "Kristiyano" dahil lang tinatawag natin ang ating sarili nito. Tayo ay Kristiyano kung nilalakaran natin ang mga kautusan ni Kristo. Susi ito na nagdudulot sa tiyak na mabungahing buhay.

Salamat sa buhay ni Ate Fella, ang aming butihing tagapagturo noong linggo. Ginamit ng Diyos bilang sisidlan ng Salita, kung kaya natutunan namin ang ibig sabihin ng salitang "surrender".

Kahit sa kalagitnaan na ng ating buhay, kung kailan pa lamang natin napagtanto: Tayo ay nagkamali. Maaayos ni Yahweh ang ating kwento, sa kung ano dapat ang unang lagda nito. Basta matuto sayo "sumuko".

Kapayapaan sa damdamin ang aming nakamit nitong linggo, Ka-Chosen. Ikaw, kumusta ang linggo mo? Nais mo ba sa amin ay dumalo? 🔜




(Spot the puzzle! 🧩)

NOTE, KA-CHOSEN 💌 | Kapag tayo ay mga bata, ang isip natin ay sulitin ang kasalukuyang panahon hangga't maaari. Kahit ba...
10/12/2025

NOTE, KA-CHOSEN 💌 | Kapag tayo ay mga bata, ang isip natin ay sulitin ang kasalukuyang panahon hangga't maaari. Kahit ba masuway natin ang mga hindi dapat gawin, sapagkat ito ay "minsan lang", "ngayon lang naman", panandalian lamang.

Sa tingin natin ay kaya naman nating komprontahin ang magiging resulta ng mga pangyayari. Ngunit hindi natin naiintindihan ang posible maging bunga ng sarili nating mga desisyon.

Subalit kapag tayo ay nag-mature sa kaisipan, saka mas nagiging angkop ang paggawa ng tama at mabuti sa lalong madaling panahon. Kaysa ang hindi, kaysa ang magsisi kung kailan na huli, at hindi na maaaring maayos pa ang mga bagay-bagay.

Kapag ikaw ay tunay na humingi ng tawad, ito ay magmumula sa puso, hindi sa anyo ng mababangong salita - hindi ba? Sa mata ng Diyos, ang mga engrandeng kilos ay hindi maihahambing sa isang dalisay na puso.

Malinaw ang mensahe, "obedience is better than sacrifice". Kahit nananatili pa rin tayo sa ating kabataan, masarap maging mausisa sa kung ano ang mas mabuti para sa atin. Makikita rin natin ang bunga ng lahat ng ito sa bandang huli.



See you at the tent, Ka-Chosen! ✨
06/12/2025

See you at the tent, Ka-Chosen! ✨

PITIK, KA-CHOSEN 📸 | Itong linggo, napakalakas ng paalala sa amin ng mga talatang ito: Lahat tayo ay iniimbitahan ng Diy...
05/12/2025

PITIK, KA-CHOSEN 📸 | Itong linggo, napakalakas ng paalala sa amin ng mga talatang ito: Lahat tayo ay iniimbitahan ng Diyos sa Kaniyang Banal na Presensiya.

Sa pamamagitan ng ating butihing tagapagturo na si Ate Mariby, ay natalakay sa Chosen Young Generation ang totoong pagkilala sa Holy Spirit.

Ang journey ng pananampalataya ay hindi walang problema. Tulad ng pakikipagrelasyon, dadaan tayo sa mga pagsubok—pero ang mga ito ang magpapalakas sa atin, magpapalago ng ating pananampalataya, at maglalapit sa atin sa Diyos.

Sa relasyon natin sa Panginoon, Siya ang nagmamahal sa atin ng walang humpay, ang nagbibigay sa atin ng hindi lang materyal—kundi espiritwal; kapayapaan, karunungan, kalakasan, at kagalakan. Ang mga bagay na panghabambuhay.

Tapat pa rin Siya.

Nawa'y tayo ay matutong magsisi, manalangin at magtiwala kay Lord, lumago sa paraan ng pagkakaroon ng puso upang makilala Siya—mahalin Siya. Maraming salamat at papuri kay Yahweh sa naranasan naming youth sunday service!

Ikaw, Ka-Chosen, kumusta linggo mo? Ano gusto mo mangyari sa paparating na bagong linggo? 🔜




(Spot the puzzle! 🧩)

"Jeep ka ba? Kapag sinabi ng barker na "isa na lang, lalarga na", si LORD pa talaga huling pasahero mo." — Tarry With Pu...
04/12/2025

"Jeep ka ba? Kapag sinabi ng barker na "isa na lang, lalarga na", si LORD pa talaga huling pasahero mo." — Tarry With Purpose, Power, Promise: Knowing the Holy Spirit, Speaker: Ate Mariby

Tarry or tarrying means to stay, and in faith we are meant to tarry, not to be "tired". Yet this is what happens. Madali tayo mawalan ng interes, tamarin, at iwan ang Presensya ng Diyos.

Mahal mo ba talaga ang taong ayaw mo naman bigyan ng oras makasama?

We were baptized with the Holy Spirit as a gift, He is unlimited, He is 24/7, He is our companion. We cannot tarry in faith without Him. Kinailangan na si Hesus pa ang magpakilala sa atin ng Banal na Espiritu.

"Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa Pangalan Ko, ang Siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi Ko sa inyo."—Juan 14:26

But to know the Holy Spirit is found in how we treat Him. He is just like a person, one who we often hurt the most. Why is it so easy for us to treat Him like nothing, use Him then discard Him, and most importantly forget Him?

We want the comfort, the revival, the blessing, but not the relationship it takes—not Him.

Kapag tayo ang nasaktan ng ibang tao, halos bumaliktad na ang mundo. Ngunit paano kapag Panginoon na ang nasasaktan natin? Mananatili pa ba tayong komportable na Siya ay mahabagin at mapagmahal?

Anong magiging pagkakaiba natin sa isang "toxic" na nobyo? Kung gayon, ano ba talaga ang alam natin sa pagmamahal o pakikipagrelasyon?

Ka-Chosen, huwag na natin paglaruan ang pag-ibig ni Lord. Mapalad tayo sapagkat tayo ay minamahal, at ito ay ating nararanasan sapat upang mapakita rin sa ibang tao. Si Yahweh ang puno't dulo ng pagmamahal, kahit hindi nauubos ay dapat lubos na pahalagahan.

Itong linggo, naabot ng pangangaral ni Ate Mariby ang puso ng Holy Spirit. Nabigyang diin ang kahalagahan ng "tarrying", na ang pananatili ay hindi lamang basta ginagawa; Kundi patunay pala ng kagustuhan natin makipagrelasyon sa Holy Spirit.

Ka-Chosen, the Lord loves you. But the Lord also asks if you love Him.

Quality time is a love language, do you desire to spend more time with the Lord? 🔜


"Hindi na tayo baby, kung hindi lang din tayo makikinig mabuti nang 'wag manatili at umalis." — Tarry With Purpose, Powe...
03/12/2025

"Hindi na tayo baby, kung hindi lang din tayo makikinig mabuti nang 'wag manatili at umalis." — Tarry With Purpose, Power, Promise: Exposing, Speaker: Ate Angel

"No matter the sin, we are all sinners". Sin is real, legal o ilegal, mali ay mali. At kung kaya nagiging sistema ang pagkakasala, ay dahil kahit kailan hindi ito magiging sapat. Sa ngayon napapakain nito ang ating katawang panlupa, subalit nasa huli ang pagsisisi, ika nga.

Hayag ang katotohanan sa mata ng Panginoon, alam na Niya ang lahat. Kung kaya walang rason upang magtago sa kadalihanan ng hiya, kung hindi ito unang naramdaman bago pa magkasala. Ang halaga ng "exposing" ay hindi para gawing laman ng usapan ang mga nagawang mali, kundi pagkakataon upang magpakatotoo ang nakagawa ng mali.

Buong akala ng iba, ang higit na kasalanan ni Hudas ay pagtataksil laban kay Hesus para sa salapi o pagpinsala sa sarili. Ang higit na kasalanan ni Hudas ay hindi paghingi ng tawad at manumbalik kay Hesus. Ang kamatayan ni Hesus ay sakripisyo para sa atin, ang pagtanggi na maligtas ay parang pagpapatiwakal ng sarili.

While Jesus could not stop Judas' own decision to betray Him, He knew Peter would also betray him but for Peter—Jesus interceded. If you are struggling, Jesus prays for you, we are praying for you too Ka-Chosen.

God listens to a repentant heart. Chosen Young Generation is only a church, if it is a repentant church. Huwag tumigil magbago, huwag tumigil lumapit kay Lord. Palitan ang kaisipang, "hindi ko mapigilang magkasala", sa "hindi ko mapigilang hindi manumbalik sa piling ni Lord".

Grabe ang naranasan namin noong nakaraang huling linggo, Ka-Chosen. Iba ang pangungusap ng Banal na Espiritu sa aming mga puso. Maraming tuhod ang lumuhod, maraming luha ang tumulo sa lapag, ngunit marami pa rin kami na Kaniyang niyakap at pinatawad.

Nais mo pa ba ng mga ganitong klaseng gawain? 🔜


Address

B1 L4 Conrado Miranda Street Villa Maria Subd. Molino 3
Bacoor
4102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Chosen Young Generation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share