24/01/2026
| Day 4
ECUMENICAL WORSHIP & PRAYER FOR CHRISTIAN UNITY
Southern Tagalog Regional Ecumenical Affairs Movement (STREAM) & Cavite Ecumenical Movement (CEM)
"There is One Body and One Spirit just as you are called to the One Hope of your calling"
(Ephesians 4:4)
ANG LIWANAG NI KRISTO PARA SA LAHAY
Mga kapatid, kapag naririnig natin ang salitang PAG-AAYUNO, madalas pumapasok sa isip ay โwalang kaninโ, โwalang kapeโ o โtiis muna sa tsokolateโ! Para bang ang LAHAT ng tungkol sa Pag-aayuno ay nauuwi lamang sa โDIETโ.
Ngunit, ayon kay Propeta Isaias, parang sinasabi sa atin ngayon ng Diyos: โHINDI DIET ANG HINIHINGI KO SA INYO.โ. Ang TUNAY na PAG-AAYUNO, ayon kay Propeta Isaias ay ang PAGPAPALAYA SA MGA INAAPI, PAGTULONG SA MGA NANGANGAILANGAN at PAGBABAHAGI NG TINAPAY SA MGA NAGUGUTOM. Ibig sabihin, hindi lamang ang tiyan ang dapat magutomโ pati ang PUSO ay dapat na GUMALAW at KUMILOS. Sa ating buhay sa ngayon, malinaw na malinaw, ramdam na ramdam natin ang pangangailangan sa TUNAY na DIWA at PAGSASABUHAY ng PAG-AAYUNO.
Sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso, pinaaalalahanan naman tayo na IISA ANG KATAWAN, IISA ANG ESPIRITU at IISA ANG PANGINOON. โECUMENICALโ ang ating pagtitipon ngayon , at napakaganda nito, dahil kahit iba-iba ang ating TRADISYON, DENOMINASYON at ESTILO NG PANALANGINโ may tahimik, may maingay, may nakapikit, may nakadilatโ iisa ang tawag sa atin: MAMUHAY NANG MAY KABABAANG-LOOB, PAG-IBIG AT PAGKAKAISA. Para itong ORKESTRA: hindi lahat violin, hindi lahat drums โ kapag nagkanya-kanya INGAY ang resulta. Pero kapag nagkaisa, MUSIKA naman ang bunga. Tinatawag tayo ngayon na BALIKAN at PAHALAGAHAN ang ating pagiging MAGKAKATULAD: tayong LAHAT ay mga KRISTIYANO, tayong LAHAT ay TINAWAG upang SUMUNOD at IBAHAGI lagi si KRISTO!
Panghuli, sa ating Ebanghelyo ayon kay Apostol San Juan, sinabi ni HESUS: โAKO ANG ILAW NG SANLIBUTAN.โ. HIndi niya sinabing SPOTLIGHTโ na IISA lang ang BIDAโ kundi ILAW na GUMAGABAY sa LAHAT. At mayroon Siyang malinaw na BABALA: โLUMAKAD KAYO HABANG MAY ILAW PA.โ. Sa madaling salita, dapat na HUWAG NATING IPAGPALIBAN ANG PAGGAWA NG KABUTIHAN!โ. Huwag nating hintayin na maging โPERFECTโ ang mundo, ang pamilya, ang Simbahan, ang bayan bago tayo MAGMAHAL. NGAYON na ang panahon para tayo ay MAGMAHAL at maging ILAW sa madilim nating MUNDO.
Kaya marahil ang PAANYAYA sa atin ngayong araw na ito ay ang sumusunod:
MAG-AYUNO tayo โ hindi lang sa PAGKAINโ kundi sa GALIT, PAGMAMATAAS at PAGKAKANYA-KANYA.
MAGPAKABUSOG tayo โ sa AWA, HABAG, PAGKAKAISA at LIWANAG NI KRISTO.
At kung magagawa natin ito, mangyayari ang PANGAKO ng DIYOS na binitiwan kay Propeta Isaias: โANG LIWANAG MOโY SISIKAT NA PARANG BUKANG-LIWAYWAYโ. At sa panahong tila ba laganap ang DILIM sa ating mundo, ang kaunting LIWANAG na may PAG-IBIG na galing kay KRISTO ay tiyak na magiging MALAKI na ang EPEKTO sa buhay nating mga TAO.
MABUHAY si HESUS!
MABUHAY tayong lahat na mga mananampalatayang KRISTIYANO!
HOMILIYA NI REV. FR. ANTONIO P. PEREZ, JR.
Parish Priest
Our Lady Queen of Peace Parish
Queen's Row West, City of Bacoor, Cavite
January 22, 2026