Our Lady of Fatima SHIV Molino Bacoor - Parish Youth Ministry

Our Lady of Fatima SHIV Molino Bacoor - Parish Youth Ministry Official Youth Ministry of the Parish comprises of 6 Organizations: KOA, YCU, PYMM (Choir), YFC, Youth of; Lovedflock and El Shaddai.

02/07/2019
16/11/2018

REMINDER. Bukas na ang General Assembly ng lahat ng youth! Please bring papel at panulat para makapag notes kayo. Paguusapan natin mga activities na ieexpect nyo for the whole year of the youth. See you all tomorrow! 😊
*re-posted the details below.

ANNOUNCEMENT:

what: YOUTH GENERAL ASSEMBLY
when: NOV. 17, 2018, SATURDAY 3:00PM (TOMORROW)
where: OLF PARISH
who: ALL YOUTH UNDER OLF PARISH (MAS, YCU, PYMM, Youth from all chapels under our Parish, YFC, SFC, LOVEDFLOCK, EL SHADDAI, SK)
agenda: YEAR OF THE YOUTH ACTIVITIES

Kindly attend. Para di nyo ma-miss out ang mga activities sa darating na Year of the Youth at para updated kayo sa mga magaganap.

Thanks. See you all and God bless! 😇
- Wendy Salazar

23/10/2017

Nalalapit na ang All Saints' Day, Todos los Santos, Araw ng mga Banal ngunit nasaan na ang totoong diwa ng araw na ito? Bakit nagpapatuloy ang pagtatakutan at kinalilimutan ang dalanginan?

Halina at ating ipamansag ang tunay na diwa ng napakaganda't dakilang araw na ito! Aming inaanyayahan ang lahat ng kabataan sa gaganaping Parade of Saints sa darating na Linggo, Oktubre 29 sa ganap na ika-4:00 ng hapon. Gumayak lamang ng tulad ng inyong paborito o kaya ay espesyal na santong inyong pinipintakasi.

Kaugnay ng nasabing gawain, kami ay kumakatok sa lahat, sa inyong mabubuting kalooban upang makalikom ng mga kendi (candies) na ipamimigay ng mga nakagayak pangsanto sa mga kabataang madadaanan ng parada. Ang inyong maiaambag ay aming pahahalagahan. Maraming salamat po at pagpalain po nawa kayo ng ating Panginoong Hesukristo, sa tulong ng mga panalangin ng ating Mahal na Ina at lahat ng mga Banal sa kalangitan.

17/10/2017
18/09/2017

TECHNICAL & LOGISTIC COMMITTEE
Chairman:Jeanette M. Peralta
Vice Chairman:Vince Perez
1. Abella,Ethan
2. Albino,Precious Anne Jessela
3. Alvino Princess Gerald
4. Andrada,Jobelle
5. Bacay,Glory
6. Bacudo,Jaymark
7. Becera,Alea may
8. Beltran,Jan Rei
9. Bernal ,Rae Zandro
10. Bernardo,Mark john
11. Bicaos,Joel
12. Branzuela,Joe
13. Cabuay,Shaina
14. Dacanay,Andrew Victor
15. Dacanay,Angelo Vincent
16. Dayaganon,Daniel
17. Figura,Grace
18. Flores,Dannaya
19. Lapitan,John Benidict
20. Liwag,Rudolf
21. Montanez,Ren
22. Montemayor,Charie
23. Moreno,Christian Paul
24. Nuevo,abby
25. Oghayon Brayan
26. Pascual,Joseph Manuel
27. Samson,Naya
28. Samson,Thalia
29. Sanchez, Dylan
30. Santiago,Sean Francis
31. Santos,Rusell Luther
32. Tomelden,Matt

PYM - Block Rosary, July 2, 2017Lingguhang Activity ng Parish Youth Ministry, ang Block Rosary. Bilang mga deboto ng Mah...
05/07/2017

PYM - Block Rosary, July 2, 2017

Lingguhang Activity ng Parish Youth Ministry, ang Block Rosary. Bilang mga deboto ng Mahal ng Birhen ng Fatima, ang PYM ay may sariling imahen ng Mahal na Birhen ng Fatima. Kada Linggo ay ibang pamilya ang nag-aalaga nito. Nagrorosaryo at nagbabahaginan ng kaalaman/karanasan tungkol sa mabuting balita ng Panginoon pagkatapos ay inililipat sa ibang bahay ang imahen sa pamamagitan ng prusisyon.

Layunin ng acitvity na ito na ipalaganap ang pagmamahal ng Mahal na Birhen, pagkaisahin ang mga miyembro ng pamilya, maging ang kanilang komunidad, at higit sa lahat ay ipalaganap ang mensahe ng Mahal na Birhen na madasal ng rosaryo araw-araw para sa kapayapaan at gabay.

Pakikiisa ng mga Kabataan ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima sa Dawn Procession ngayong unang sabado ng buwan ng Hu...
05/07/2017

Pakikiisa ng mga Kabataan ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima sa Dawn Procession ngayong unang sabado ng buwan ng Hulyo.

Ang Dawn Procession ay isinasagawa tuwing unang sabado ng buwan sa ganap na ika-4 ng madaling araw bilang pagpapalaganap ng mensahe ng Mahal na Birhen ng Fatima na magdasal ng rosaryo sa araw-araw.

PYM General Assembly sa Taon ng Parokya, 2017: KUMUSTAHAN TUNGO SA KAISAHANKamakailan lamang ay idinaos ng Parish Youth ...
04/07/2017

PYM General Assembly sa Taon ng Parokya, 2017:
KUMUSTAHAN TUNGO SA KAISAHAN

Kamakailan lamang ay idinaos ng Parish Youth Ministry (PYM) ang Pangkalahatang Pagtitipon o General Assembly ng lahat ng Katolikong youth group na naglilingkod sa mga dakong nasasakupan ng ating parokya. Layon nito, sa diwa ng temang "Communion of Communities", na mapagbuklod ang lahat ng mga nasabing youth group at mapagtibay pa ang kanilang ugnayan at pakikisangkot sa mga gawain at ministri ng ating parokya. Ginanap ang nasabing pagtitipon noong hapon ng ika-26 ng Hunyo, 2017 sa ating simbahan. Lumahok sa General Assembly ang mga kabataan mula sa mga charismatic community ng:
- El Shaddai
- Loved Flock
- Youth For Christ

kasama ang mga pangkat na kabilang na sa PYM:
- Lingkod ng Dambana/Knights of the Altar
- Youth Collectors and Usherettes
- Parish Youth Music Ministry (PYMM/PYM Choir)

Bago sinimulan ang talakayan ay nagkaroon ng maikling kumustahan at kilalanan. Sa pangunguna ni Ate Wendy Salazar, mula sa PYMM, ay tinalakay kung paano nagsimula ang PYM, kung ano ang mga komite na napapailalim dito, mga gawain na ginagampanan na ng mga kabataang parokya at mga aktibidad na nakalinya para sa mga susunod na buwan, tulad ng pagtatayo ng mga Basic Ecclesial Community (BEC) o Munting Sambahayang Kristiyano.

Nawa ay umabot ito sa lahat ng Kabataang nasasakupan ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima at magsilbing inspirasyon tungo sa pagkakaisa at sama-samang paglilingkod sa Panginoon.

Dokumentaryo ni:
Dominic Emmanuel Ibita

Mga litratista:
Elijah del Castillo
Jeanette Peralta
James Nirza
Jennifer Rimorin

30/06/2017
29/06/2017

Official Page of PYM of the Parish of Our Lady of Fatima.

WYD Schedule of Activities in Krakow, Poland
26/07/2016

WYD Schedule of Activities in Krakow, Poland

Ito ang programa para sa World Youth Day. Tandaan na ang oras na nasa larawan ay ang oras sa Polonia.

Address

Mt. Parker Street Phase 1, Soldier's Hills 4, Molino 6
Bacoor
4102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of Fatima SHIV Molino Bacoor - Parish Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share