28/08/2026
🌹 PAANYAYA SA LAHAT 🌹
KAPISTAHAN NG PAGSILANG NG BIRHENG MARIA
Inaanyayahan po namin ang lahat ng deboto, pamilya, kaibigan, at mga kapitbahay na makiisa sa pagdiriwang ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria. 💙🙏
📅 Agosto 29, 2026 – Sabado, Ika-5 ng hapon
🏠 Pagsisimula ng Pagdalaw ng Mahal na Birhen
Ang Mahal na Birhen ay ihahatid sa tahanan ng unang sponsor upang simulan ang pagdalaw at pananalangin kasama ang pamilya.
📅 Agosto 30, 2026 – Linggo
🙏 Pagsisimula ng Novena
⏰ 3:00 n.h. – Novena at Banal na Misa
PAALALA: Ang Novena - Misa ay magsisimula ng ika-5 ng hapon sa lahat ng araw, maliban tuwing Linggo na magsisimula ng ika-3 ng hapon.
Sa mga susunod na araw, sama-sama nating samahan ang Mahal na Birhen sa panalangin bilang paghahanda sa kanyang kapistahan sa Setyembre 8 – Nativity of the Blessed Virgin Mary.
Nawa’y maging pagkakataon ito upang tayo ay magkaisa bilang pamayanan, manalangin bilang isang pamilya, at higit na mapalalim ang ating debosyon sa Mahal na Birheng Maria. 🌹
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at dumalo.
Ang inyong presensya at panalangin ay isang mahalagang handog sa ating Mahal na Ina. 💙
🙏 Viva Maria!
🌹 Mabuhay ang Mahal na Birheng Maria! 🌹
📍 Kapilya ng Muling Pagkabuhay
Piñahan, Mabolo, Bacoor, Cavite