Banal na Krus ng Maliksi

Banal na Krus ng Maliksi Ang Opisyal na pahina ng Banal na Krus ng Barangay Maliksi na itinatag noong Mayo 1919

AGOSTO 18 - KAPISTAHAN NI SANTA ELENA EMPERATRIZ SI SANTA ELENA AT ANG BANAL NA KRUS.Si Santa Elena ng Konstantinopla ay...
17/08/2026

AGOSTO 18 - KAPISTAHAN NI SANTA ELENA EMPERATRIZ

SI SANTA ELENA AT ANG BANAL NA KRUS.

Si Santa Elena ng Konstantinopla ay isang emperatris at ina ni Emperador Constantino I (306–337). Kilala bilang tawag sa atin na "Reyna Elena" tuwing Santacruzan, lingid sa kaalaman ng karamihan sya'y itinuturing na isang Santo o Banal ng Simbahang Katolika. Sa kanyang kapanahunan, nagwakas ang pag-uusig sa mga Kristiyano sa Imperyong Romano. Sa edad na 63, buong puso siyang yumakap sa pananampalatayang Kristiyano.

Dahil sa debosyon ni Emperador Constantino sa Banal na Krus, ipinadala nya ang kanyang Ina na si Santa Elena sa Jerusalen upang hanapin ang Krus na pinagpakuan sa ating Panginoong Hesus.

Nang sila ay sumapit sa Bundok ng Golgota kung saan ipinako ang ating Panginoong Hesukrusto, sinira nila ang Templo ng Venus ang kinikilalang diyos - diyusan ng mga judio na itinayo sa ibabaw ng bundok. Matapos ang paghuhukay natagpuan nila ang tatlong krus, upang malaman kung alin dito ang Tunay na Krus ni Hesus, ipinatong nila ang bawat isa sa babaeng nag-aagaw buhay, natukoy nila ang Krus ni Hesus dahil mahimalang gumaling ang babae.

Sa lugar na ito, kung saan natagpuan ang Tunay na Krus ni Hesus, ipinatayo ni Constantino ang Basilika ng Banal na Libangan (Church of the Holy Sepulchre) na hanggang ngayon ay dinarayo ng mga peregrino.

Ang pagkakadiskubre nito ni Santa Elena ay nagbunga upang ipagdiwang ng Simbahan sa buong mundo ang tinatawag na "Pagtatampok sa Banal na Krus" (Exaltatiom of the Holy Cross) na ginugunita tuwing Setyembre 14.


SI EMPERADOR CONSTANTINO I AT ANG BANAL NA KRUS.Si Emperador Constantino I (Kilala bilang Constantine the Great) ay Empe...
14/07/2026

SI EMPERADOR CONSTANTINO I AT ANG BANAL NA KRUS.

Si Emperador Constantino I (Kilala bilang Constantine the Great) ay Emperador ng Roma noong 306 - 337 A.D., isang Romanong Pagano na sumasamba sa mga diyos - diyusan at umuusig sa mga Kristyano.

Kung gayon paano naging Kristyano si Constantino I?

Ito ay dahil sa kanyang pangitain (Vision) bago ang labanan sa Tulay ng Milvio noong Oktubre 28, 312 A.D., ang pangitain na naging gabay ng Romanong Emperador na nagpabago sa takbo ng kasaysayan ng Kristyanismo sa buong mundo.

Oktubre 27, 312 A.D. isang araw bago ang madugong digmaan, habang naghahanda si Constantino laban sa kanyang karibal na si Maxentius, nakakita sya ng isang pangitain:

"Isang makapangyarihang Krus na nagliliwanag sa kalangitan, kasama ang mga salitang "IN HOC SIGNO VINCES" na may kahulugan na - "Sa Pamamagitan ng Simbolong ito, Magtatagumpay Ka". Dahil si Constantino ay isang pagano hindi nya lubos naunawaan ang kanyang nakita, kinagabihan habang sya'y natutulog nagpakita sa kanya ang ating Panginoong Hesukristo sa panaginip at inutusan siyang ipinta ang mga sagradong simbolo sa mga kalasag ng kanyang mga kawal. Ang mga pangyayaring ito ay naitala sa libro ng Kasaysayan ni Obispo Eusebius ng Nicomedia.

Sa halip na ang tradisyonal na agila ng Roma, ipinag-utos ni Constantino na ilagay ang Chi- Rho (monogram ng unang dalawang letra ng pangalan ni Hesukristo sa wikang Griyego, ang letrang X (Chi) at letrang P (Rho) sa kanilang mga watawat at sandata.

Ang 40,000 libong sundalo ni Constantino ay nagtagumpay sa digmaan laban sa 100,000 libong sundalo ni Maxentius, ang tagumpay na ito ni Constantino ay naging daan upang sya'y hirangin bilang punong Emperador ng buong Imperio ng Roma at ang kanyang pagka-panalo sa labanan ay dahil sa kanyang pangitain. Dahil dito ay pinag-utos nya sa bisa ng "Edict of Milan" na itigil ang pag-uusig ng mga Kristyano at bigyan ng kalayaan ng magtatag ng mga Kristyanismong pamayanan sa mga rehiyon na sakop ng Imperiong Romano.

Si Constantino ang kauna-unahang Emperador ng Roma na yumakap sa pananampalatayang Kristyanismo.

IN HOC SIGNO VINCES!
AVE CRUX SPES UNICA!


Ngayong araw Hunyo 28, nagkaroon ng isang salo salo at Post Evaluation Meeting ang Comite de Maliksi Santacruzan 1919.Ti...
28/06/2026

Ngayong araw Hunyo 28, nagkaroon ng isang salo salo at Post Evaluation Meeting ang Comite de Maliksi Santacruzan 1919.

Tinalakay sa pag pupulong ang mga naging kaganapan noong nakaraang kapistahan ng Banal na Krus, layunin ng pag pupulong ay upang lalong maging maayos at makabuluhan ang pagdiriwang ng "Pistang Maliksi" sa susunod na taon. Inilahad ng ibat ibang Comite ang kanilang mga ulat, panukala at suhestiyon.

Sa puntong ito, sa kapasiyahan ng lahat sila ay sumang- ayon sa panukala ni G. Zandro Val R. Medina (Pangulo) na magtalaga ng bagong Opisyal ng Comite na makakatuwang para sa pagdiriwang.

Ganap na itinalaga ni G. Zandro Val R. Medina - Pangulo ng Comite de Maliksi Santacruzan sina G. Justine Ugalde bilang Pangalawang Pangulong Panglabas (Vice President - External), Bb. Jenica Bodestyne bilang Katuwang na Kalihim (Asst. Secretary) at G. Emmanuel Dolot bilang bagong Chairman ng Karakol Committee

Muling hinihiling ng buong Pamunuan at Kasapi ng Comite ang pakikiisa ng lahat para sa muling pagdiriwang ng Kapistahan ng Banal na Krus sa susunod na taon.

HUNYO 26 – KAPISTAHAN NI SAN JOSEMARIA ESCRIVASI SAN JOSEMARIA ESCRIVA AT ANG BANAL NA KRUSSi San Josemaría Escrivá ay i...
26/06/2026

HUNYO 26 – KAPISTAHAN NI SAN JOSEMARIA ESCRIVA

SI SAN JOSEMARIA ESCRIVA AT ANG BANAL NA KRUS

Si San Josemaría Escrivá ay isang pari mula sa Espanya na kilala bilang "santo ng pang-araw-araw na buhay" at tagapagtatag ng Opus Dei - isang prelatura ng Simbahang Katoliko na nagtuturo na ang bawat tao ay tinawag na maging banal at makatagpo ang Diyos sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ang kanyang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing Hunyo 26.

Narito ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa kanyang buhay:

• Pangunahing Turo: Ipinangaral niya na ang ordinaryong gawain, trabaho, at pamilya ay maaaring maging daan patungo sa kabanalan.

• Kasaysayan: Ipinanganak siya noong Enero 9, 1902 sa Barbastro, Espanya, at pumanaw noong Hunyo 26, 1975 sa Roma. Siya ay idineklarang santo ni Pope John Paul II noong 2002.

• Mensahe sa mga Pilipino: Ayon sa mga lokal na homiliya tulad ng kay Archbishop Soc Villegas, ang pinakamagandang simbahan para sa santo ay ang mga tao mismo na nagpapabanal sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Si San Josemaria Escriva ay naging malalim na deboto ng Banal na Krus dahil nakita niya ito bilang simbolo ng tagumpay, pag-asa, at sukdulang pag-ibig ng Diyos. Para sa kanya, ang krus ay hindi tanda ng kalungkutan, kundi ang pinagmulan ng tunay na kagalakan ng isang Kristiyano.

Ang kanyang debosyon ay nakaugat sa mga sumusunod na mahahalagang paniniwala:

• Pagpapabanal sa Pang-araw-araw na Buhay: Bilang tagapagtatag ng Opus Dei, itinuro niya na ang bawat Kristiyano ay tinatawag na ialay ang kanilang mga ordinaryong gawain, sakripisyo, at paghihirap. Ang pagtanggap sa mga "pang-araw-araw na krus" ay paraan ng pakikipag-isa sa sakripisyo ni Kristo.

• Daan patungo sa Kaligtasan: Ayon sa kanyang mga pagninilay, tulad sa The Way of the Cross, ang krus ang daan upang marating ang Diyos. Itinuro niya na ang pag-akyat sa Krus ay nangangailangan ng pusong malaya sa mga makamundong bagay.

• Pagmamahal sa Dugo ni Kristo: Nakikita niya sa kahoy ng Krus ang Dugo ng Manunubos na ibinuhos para sa sangkatauhan, kaya't ito ay dapat sambahin at pasalamatan.

San Josemaria Escriva, Ipanalangin mo kami.


Sa mga susunod na araw ay ating kikilalanin ang mga Santo o Banal na nagkaroon ng malalim na debosyon sa Banal na Krus.N...
18/06/2026

Sa mga susunod na araw ay ating kikilalanin ang mga Santo o Banal na nagkaroon ng malalim na debosyon sa Banal na Krus.

Nawa sa pamamagitan nila, tayo'y mabigyan ng inspirasyon, gabayan sa ating mga pamumuhay, pandayin ang ating pananampalataya at magakaroon ng malalim na ugnayan sa Diyos at Kapwa. Maging daan nawa sila upang atin pang mapalalim ang pagdedebosyon sa Banal na Krus.


HUNYO 12 - MALIGAYANG ARAW NG KALAYAANSa araw na ito nais natin kilalanin at magbigay pugay sa ating mga ninuno at sa mg...
11/06/2026

HUNYO 12 - MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN

Sa araw na ito nais natin kilalanin at magbigay pugay sa ating mga ninuno at sa mga tao na naging bahagi sa pag gagawa ng makukulay at masisining na "KUBOL" ng ating Banal na Krus ng Maliksi. Mula noon hanggang ngayon ang kubol ay naging bahagi na ng ating mayamang tradisyon ng Santacruzan sa Brgy. Maliksi.

Matapos ang karakol ng sabado ng hapon magtitipon-tipon ang mga komiti para sa magdamagang pag-gagawa ng kubol. Ang kubol ay isang lugar kung saan namamalagi ang Mahal na Poong Sta. Krus sa buong maghapon ng araw ng linggo bago ilabas ang prusisyon ng Santacruzan.

Ito'y yari sa mga saha ng saging, tiniban at mga sari-saring gulay at prutas, tradisyonal sapagkat pinananatili ang mga estilo sa paggawa nito. Masusing pinag-aaralan ang bawat detalye at lalong pinagbubuti ang mga desenyo.

Sa ngayon ay nasa ika-tatlong henerasyon na ang mga taong gumagawa nito buhat ng ito'y dinala sa ating barangay mula sa Paombong Bulacan at tanging sa Brgy. Maliksi lamang ang ganitong klase ng kubol tuwing sasapit ang Santacruzan sa buong bayan ng Bacoor (O marahil sa buong Probinsya ng Cavite).

Sa puntong ito ang buong Brgy. Maliksi ay kinikilala at nililinang ang kahusayan ng mga tao sa likod ng pag-gawa ng ating tradisyunal na kubol sa kasalukuyan. Maraming maraming salamat po sa KUBOL COMMITTEE kay G.
Garry Louie Giron bilang tagapamuno sa pag-gawa ng ating Kubol, ganun din s kanyang mga kasama na sina G. Ernesto Alejandro, G. Norman Balmores, Gng. Rose Balmores, G. Reynaldo Castillo, G. Rey Villegas, Gng. Tess Villegas at sa mga kasapi ng Comite ng Maliksi Santacruzan.


MALIKSING KAALAMAN:Bakit nga ba nagsasabit ng mga sampaguita ang Familia Angeles sa ating Banal na Krus?Ito'y bunsod sa ...
03/06/2026

MALIKSING KAALAMAN:

Bakit nga ba nagsasabit ng mga sampaguita ang Familia Angeles sa ating Banal na Krus?

Ito'y bunsod sa malalim na debosyon at mahabang pakikipag-ugnayan ng Familia Angeles sa ating Banal na Krus.

Ang Patriarka ng Familia Angeles na si Paulino Jimenez asawa ni Rosa Jiminez ng silangang bahagi ng barangay ay mayroong himala na naganap sa kanilang pamilya, buwan ng mayo at sasapit noon ang kapistahan ng Banal na Krus, hiniling ng mga lupon na ngangasiwa sa Banal na Krus na ang kanilang pamilya ang magiging Hermana Mayor noong taong iyon, subalit sa kadahilanan na ito’y isang biglaang abiso sila’y tumanggi dito, sa mga sumunod na araw ang kanyang mga supling ay nagkaroon ng mataas na trangkaso halos anupa’t ito’y umabot sa kumbulsyon, dali daling pumunta ang Paulino Jimenez sa kubol ng Banal na Krus at lumakad sya ng paluhod sa harapan nito at habang sya’y naninikluhod, umiiyak habang nagpapatirapa agad hiniling ang kagalingan ng kanyang mga anak at isang pangako ang binitiwan na sa oras gumaling ang kanyang mga anak at maligtas ito sa tiyak na kamatayan, sa susunod na taon ay kanyang kukunin ang pagiging Hermana Mayor para sa kapistahan ng Banal na Krus. Pagdating nya sa kanilang tahanan agad ibinalita ng kanyang asawa na si Rosa Jimenez na humupa ang trangkaso ng kanilang mga anak at tuluyang gumaling.

Kung kaya't hanggang sa kasalukuyan ang bagong henerasyon ng Familia Angeles partikular sa pamilya nina Isko at Puleng Angeles ang masigasig na nagpapatuloy ng pag-aalay ng sampaguita, tanda ng kanilang pasasalamat. Debosyon na pinamamana ng mag-asawang Paulino at Rosa, tradisyon na nililinang ng kanilang angkan.

MABUHAY ANG BANAL NA KRUS - Ang bukluran ng nagkakaisang sambayanan ng Brgy. Maliksi!

30/05/2026

Halina't ating balikan ang mga naging kaganapan nitong nakaraang KAPISTAHAN NG BANAL NA KRUS - Ang Banal na Misa at Prusisyon ng Santacruzan.

Iisang pagdiriwang na pinagbuklod, iisang sambayanang dumudulog, iisang sayaw ng pananampalataya, iisang debosyong pinagtibay, iisang kasaysayan at tradisyon.

KAPISTAHAN NG BANAL NA KRUS NG MALIKSI

* Maraming salamat kay Bro. Jan Vic Bodestyne - Kasapi ng Comite de Maliksi Santacruzan sa kanyang masining na paggawa ng video clips. *


26/05/2026

Halina't ating balikan ang mga naging kaganapan nitong nakaraang KARAKOL 2026.

Iisang pagdiriwang na pinagbuklod, iisang sambayanang dumudulog, iisang sayaw ng pananampalataya, iisang debosyong pinagtibay, iisang kasaysayan at tradisyon.

KAPISTAHAN NG BANAL NA KRUS NG MALIKSI

* Maraming salamat kay Bro. Jan Vic Bodestyne - Kasapi ng Comite de Maliksi Santacruzan sa kanyang masining na paggawa ng video clips. *


KARAKOL 2026MAYO 23 Gng. Russel Pangan at pamilyaHermana de KarakolSa ganap na ika 2:00 N.H. sa saliw ng tugtog ng Banda...
26/05/2026

KARAKOL 2026
MAYO 23
Gng. Russel Pangan at pamilya
Hermana de Karakol

Sa ganap na ika 2:00 N.H. sa saliw ng tugtog ng Banda Maliksi Uno 44 kasama pamunuan at mga kasapi ng Maliksi Sta. Cruzan Committee ay sinimulan ang KARAKOL sa pamamagitan ng pagsusundo ng Milagrosong Krus mula sa tahanan ng Familia Pangan.

Kasabay sa paglaki ng tubig ng karagatan, inihatid ang Banal na Krus sa daungan upang isagawa ang Karakol sa dagat, isinasagawa ang ganitong mga tagpo upang alalahanin ang pagkakakuha sa Banal na Krus taong 1895 sa Baclad ng Familia Jarcia.

Ito'y patuloy na ginagawa upang magkaroon ng masagang huli ng isda ang mga mamamalakaya at upang basbasan na din ang mga irasan na kanyang dinaraanan sa Barangay ng Maliksi. ayon sa mga matatanda tuwing inililigid ang Banal na Krus sa dagat ay sumasagana ang huli ng isda sa buong taon.

Matapos dumaong sa dalampasigan ng Dagat ay gagawin naman ang Karakol sa lupa, mula kanluran ng Maliksi II patungo Silangan ng Maliksi I. Sa paglabas ng Banal na krus buong pananabik namang naghihintay ang libo libong mga deboto upang Siya'y kanilang maisayaw at mahawakan man lamang, hindi alintana ang siksikan at init ng panahon upang makibahagi sa pagdiriwang. Bata't matanda ay umiindak sa iisang tugtog ng pasasalamat na mayroong kalakip na dasal sa kanilang mga PUSO.





Address

Brgy. Maliksi
Bacoor
4102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Banal na Krus ng Maliksi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share