24/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo
Amen.
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐๐ง ๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐ช:
Ina ng pagtitiwala. Sa buong buhay mo, walang sawa kang nagtitiwala sa Diyos. Ang pagtitiwala mo sa Diyos ang nagbibigay sa iyo ng sigla at pag-asa upang harapin ang anumang mga hamon sa buhay, at sa iyong bokasyon at misyon bilang Ina ng Manunubos. Batid mo na di ka pababayaan ng Diyos kahit saglit.
Kami rin ay may mga kani-kanyang buhay, bokasyon at mga hinaharap na balakid sa buhay. Ngunit mas madalas kaming umaasa sa sariling kakayahan, sa mga bagay at sa mga taong nakapalibot sa amin. May napakaliit lamang na pagtitiwala sa Diyos. Kayaโt kadalasan, palaging may pagdududa ang aming pagtingin sa mga kabutihang ipinagkakaloob ng Diyos.
Ipanalangin mo kami, O Inang Maria, upang palaging magtiwala sa Diyos. Tanggapin nawa namin ang katotohanan na mahalaga ang Diyos sa buhay. Na sa kabila ng mga panganib, suliranin, at ibaโt ibang mga alalahanin, ipaalala mo sa amin O Mahal na Ina, na manalangin at kumapit sa Diyos. Amin nawa Siyang pagkatiwalaan na gitna ng mga unos ng buhay, Kanya kaming itatawid sa payapang kalagayan. Amen.
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Alalahanin mo
Mahal na Ina ng Banal na Puso ni Hesus,
ang mga dakilang bagay na ginawa ng
Panginoon para sa iyo.
Hinirang kang maging Kanyang Ina.
Ninais Niyang malapit ka sa Kanyang Krus.
Dinirinig Niya ang iyong panalangin.
Sa Kanyaโy ialay ang aming papuriโt pasasalamat
Sa Kanyaโy isangguni ang aming kahilingan.
Na tulad moโy mamuhay kaming lagi
sa pagmamahal ng iyong Anak
upang ang Kanyang Kahariaโy patuloy na
maisakatuparan. Samahan kaming lagi sa
bukal ng buhay na nagmumula sa Kanyang
Puso. Nang lumaganap sa sanlibutan
ang pag-asaโt kaligtasan
ang katarungaโt kapayapaan.
Pagmasdan mo kami sa iyoโy nagtitiwala;
pakinggan mo kaming sa iyoโy nagsusumamo
Maranasan nawa naming lagi ang maka-inang
pagkalinga mo. Amen.
L: ๐๐๐๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฃ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐ช๐จ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐ช๐จ, ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐-๐๐จ๐
B: Ipanalangin mo kami
L: ๐๐๐๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฃ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐ช๐จ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐ช๐จ, ๐๐๐-๐๐จ๐ ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ฌ๐๐ฌ๐๐ก๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐-๐๐จ๐
B: Ipanalangin mo kami
L: ๐๐๐๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฃ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐ช๐จ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐ช๐จ, ๐ ๐๐ก๐๐ ๐๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐ช๐๐๐ฎ
B: Ipanalangin mo kami
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo
Amen.