03/08/2026
๐๐๐๐๐๐
Hindi lahat ng himala ay tungkol sa pagdami ng tinapay. Minsan, ang pinakamalaking himala ay kapag ang isang taong nangangailangan ay naging daan ng tulong para sa iba.
Ito ang mensahe ni Fr. Romnick S. Civico: "๐ผ๐๐๐ค ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ค ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ ๐๐ ๐ก๐ข๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐ผ๐๐๐ค ๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐ข๐ก๐๐, ๐๐๐๐ค ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐ข๐ก๐๐."
Madalas nating hinihingi sa Diyos ang isang himala para sa ating sarili. Ngunit paano kung ang plano Niya ay hindi lamang ibigay ang himala sa atin kundi gawin tayong instrumento ng Kanyang himala?
Tulad ng limang tinapay at dalawang isda, maaaring pakiramdam natin ay kulang ang ating kakayahan, lakas, o mga biyaya. Ngunit kapag isinuko natin ang lahat sa Diyos, ang ating kakarampot ay nagiging sapat para sa marami.
Hinati ni Kristo ang tinapay upang mabusog ang karamihan. Ganito rin ang paraan ng Diyos sa ating buhay. Sa ating pagkabasag, pagsasakripisyo, at pagbibigay ng sarili, nagiging daan tayo ng pag-asa, pagmamahal, at kagalingan para sa iba.
๐๐ฎ๐ฐ๐๐ ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ก๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐ข ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ฆ๐๐ฅ๐. ๐๐๐ฒ๐๐๐ง ๐ฆ๐จ๐ง๐ ๐ ๐๐ฐ๐ข๐ง ๐ค๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ฆ๐๐ฅ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ฉ๐ฐ๐.