BCFi-Meadows

BCFi-Meadows kingdom of God

18/05/2023

Kaya't gamitin ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makakatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating ng araw na sumalakay ang masama, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo.
Mga Taga-Efeso 6:13 MBBTAG12

Tiyak n makakatagal tayo kapag tayo nakasuot sa kasuotang pandigma at nagtitwala sa kalakasan n nagmumula sa Diyos.

Pagkatapos ng atake ng kaaway matatag parin tayong nakatayo

17/05/2023

Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.
Mga Taga-Efeso 6:12 MBBTAG12

Ang kalaban natin ay hindi tao, kundi si satanas at mga demonyo.

Kaya matutong magpatawad at maging mahinahon,

Ipanalangin ang mga nanakit sayo at pagpalain.

Ang Diyos ang maghihiganti!

Tayo ay talunan kapag ang akala natin sa buhay sa mundo ay tayo lng mga TAO at Diyos. Hindi natin iniisip na may Kalaban si satanas.

16/05/2023

Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo.
Mga Taga-Efeso 6:11 MBBTAG12

Nasa Digmaan po tayo habang nandito sa mundo. Ang kalaban natin ay si satanas at mga demonyo na mga angel na nagkasala. Kaya pinapasuot sa atin ang kasuotang pandigma.

Kakampi natin ang Diyos , kaya gawin natin ang pinapagawa Nya para tayo ay laging panalo.

Ang KATOTOHANAN ay di magkalaban ang Diyos at si satanas. Dahil walang kalabanlaban si satanas sa kapangyarihan ng Diyos kailanman. Ang kinakalaban nya ay ang tao at sisirain nya ang magandang plano ng Diyos sa tao.

15/05/2023

Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan.
Mga Taga-Efeso 6:10

Kailangan natin ng Kalakasan na nanggagaling sa Kanya, upang magamit Nya tayo at sa mga pagsubok n hinaharap natin araw araw

17/04/2023

Noon natauhan si Pedro, kaya't sinabi niya, “Ngayon ko natiyak na totoo pala ang lahat! Isinugo ng Panginoon ang kanyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa inaasahan ng mga Judio na mangyari sa akin.”
Mga Gawa 12:11

Naway ipadala ni Lord ang kanyang mga angel upang tayo ay ma proteksyonan sa araw n ito pati na ang ating mga mahal sa buhay. SHALOM!

07/03/2023

Alam nating ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat iniingatan sila ng Anak ng Diyos, at hindi sila maaaring galawin ng diyablo. Alam nating tayo'y sa Diyos, kahit na ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng diyablo. At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan. Mga anak, lumayo kayo sa mga diyus-diyosan.
1 Juan 5:18‭-‬21 MBBTAG12

02/03/2023

Hindi ganyan ang natutunan ninyo tungkol kay Cristo. Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
Mga Taga-Efeso 4:20‭-‬24

20/02/2023

Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo'y luminis. Aalisin ko rin ang naging mantsa ninyo dahil sa inyong mga diyus-diyosan. Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin. Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos.
Ezekiel 36:25‭-‬27 MBBTAG12

Makakasunod tayo sa utos at tuntunin ng Diyos dahil nakatira sa atin ang Banal na Espiritu.

Ganun din Mahihirapan tayong gumawa ng masama at ano mang kasalanan kung tayo ay tunay na mananampalataya.

Hilingin natin ang kanyang presensya ,pagmamahal, paggabay at kapangyarihan sa araw na ito sa pangalan ni Jesus amen.

Address

Bacoor
4102

Telephone

+639229544868

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BCFi-Meadows posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to BCFi-Meadows:

Share