05/04/2023
"Worry version 2"
Yung alam mong hindi ka naman dapat nagwo-worry pero nangyayari pa rin.
I was literally worrying minutes before ko ginawa tong artwork. I don't know, somehow, dahil sa pinagdadaanan parang yung worry hindi maiwasan.
Nakahiga, nakatakip yung mata ng unan, paralyzed. Dami kong iniisip, mga bagay na alam ko namang lie na ng enemy, pero somehow napapakinggan ko pa rin. Ayoko ng ganitong feeling pero yun yung nangyayari na..
Then, si Ate Jai niyo, tinapik ako sa tiyan.
Sabay tanong "Nagwoworry ka?"
Di na ko nakapag sinungaling, tumango na lang ako.
Then pumasok sa isip ko, bakit nga ba ako nagwoworry?
Since di na rin ako makatulog, ba't di ko na lang idrawing?
So i got up and channeled all that feeling worry and my hope in Jesus.
Then to finish the art , napunta ako sa Psalms 55:22.
That says,
Psalm 55:22 ERV
Give your worries to the LORD, and he will care for you. He will never let those who are good be defeated.
Paalala na di natin kailangan mag-alala. Pero kung di maiiiwasan, sana ipaalala sayo ng Holy Spirit yung Word ni God na inaaral mo. Dahil sa totoo lang, OUR HELP COMES FROM THE LORD.
Yes, possible na di maiwasan ang magworry pag may great need ka at parang cornered ka na, pero bilang Kristyano meron kang Diyos na masasandalan.
Kung naabutan ka ng paalalang to Bes, samahan mo kong magpray at humingi ng tawad sa Diyos dahil nagworry tayo. And ask for Help sa kung ano man ang kailangan natin. THEN LASTLY, TRUST AND BELIEVE.
----
For more paalalas, Read your Bible.
---
P.S thank you sa asawa ko, na sa tapik mo, paalala mo na sakin yun na di ako dapat mag-alala. Thank you mahaal! ✨❤️