SOC Cavite Youth Cluster

SOC Cavite Youth Cluster Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SOC Cavite Youth Cluster, Religious organisation, Bacoor.

Cavite Youth Cluster is one of the Soldiers of Christ Ministry, that leads and inspire young generation to serve God through their Time, Talent and Treasure for the greater glory of Christ Jesus.

16/05/2026
14/05/2026

‎Kapistahan ni Apostol San Matias

‎Mga Gawa 1:15-17. 20-26
‎Salmo 112:1-2. 3-4. 5-6. 7-8

‎Hinirang ng D’yos ay dinangal
‎sa piling ng mga banal.

‎MABUTING BALITA
‎Juan 15:9-17

‎Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

‎Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayun din naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako’y nananatili sa kanyang pag-ibig.

‎“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati kayo sa kagalakan ko at malubos ang inyong kagalakan. Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo’y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaaring alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. Hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo’y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga. Sa gayun, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob sa inyo. Ito ang inuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo.”

‎Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

‎God is great and greatly to be praised!
‎~ Psalm 96:4



07/05/2026

‎Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

‎Mga Gawa 15:7-21
‎Salmo 95:1-2a. 2b-3. 10

‎Sa lahat ay pinahayag
‎gawa ng Poong nagligtas.

‎MABUTING BALITA
‎Juan 15:9-11

‎Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

‎Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayun din naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako’y nananatili sa kanyang pag-ibig.

‎“Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati kayo sa kagalakan ko at malubos ang inyong kagalakan.”

‎Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

‎God is great and greatly to be praised!
‎~ Psalm 96:4



28/04/2026

‎Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
‎o kaya Paggunita kay San Pedro Chanel, pari at martir
‎o kaya Paggunita kay San Luis Maria ng Montfort

‎Mga Gawa 11:19-26
‎Salmo 86:1-3. 4-5. 6-7

‎Purihin ng tanang bansa
‎ang Panginoong Dakila.

‎MABUTING BALITA
‎Juan 10:22-30

‎Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

‎Taglamig na noon. Kasalukuyang ipinagdiriwang sa Jerusalem ang Pista ng Pagtatalaga ng templo. Naglalakad si Hesus sa templo, sa Portiko ni Solomon. Pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya, “Hanggang kailan mo kami pag-aalinlanganin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo na nang tiyakan.” Sumagot si Hesus, “Sinabi ko na sa inyo, ngunit ayaw ninyong maniwala. Ang mga ginagawa ko sa ngalan ng aking Ama ay nagpapatotoo tungkol sa akin. Ngunit ayaw ninyong maniwala, sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanma’y di sila mapapahamak; hindi sila maaagaw sa akin ninuman. Ang aking Ama, na nagbigay sa kanila sa akin, ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. Ako at ang Ama ay iisa.”

‎Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

‎God is great and greatly to be praised!
‎~ Psalm 96:4


‎ |FullOfHopeApril

27/04/2026

‎Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (II)

‎Mga Gawa 11:1-18
‎Salmo 41:2. 3; Salmo 42, 3. 4.

‎Aking kinasasabikan
‎ang Diyos na nabubuhay.

‎MABUTING BALITA
‎Juan 10:11-18

‎Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

‎Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus: “Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa. Ang upahan ay tumatakas, kapag nakikitang dumarating ang asong-gubat. Iniiwan niya ang mga tupa, palibhasa’y hindi siya pastol at hindi kanya ang mga tupa. Kaya’t sinisila ng asong-gubat ang mga ito, at pinangangalat. Tumatakas siya palibhasa’y upahan lamang at walang malasakit sa mga tupa. Ako ang mabuting pastol. Kung paanong nakikilala ako ng Ama at siya’y nakikilala ko, gayon din naman, nakikilala ko ang aking mga tupa at ako nama’y nakikilala nila. At iniaalay ko ang aking buhay para sa mga tupa. Mayroon akong ibang tupa na wala sa kulungang ito. Kinakailangang sila’y alagaan ko rin; pakikinggan nila ang aking tinig. Sa gayo’y magiging isa ang kawan at isa ang pastol.

‎“Dahil dito’y minamahal ako ng Ama, sapagkat iniaalay ko ang aking buhay, upang ito’y kunin kong muli. Walang makakukuha nito sa akin; kusa ko itong ibinibigay. Mayroon akong kapangyarihang ibigay ito at kunin uli. Ito ang utos na tinanggap ko sa aking Ama.”

‎Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

‎God is great and greatly to be praised!
‎~ Psalm 96:4


‎ |FullOfHopeApril

25/04/2026

‎Kapistahan ni San Marcos,
‎Manunulat ng Mabuting Balita

‎1 Pedro 5:5b-14
‎Salmo 88:2-3. 6-7. 16-17

‎Pag-ibig mong walang maliw
‎ay lagi kong sasambitin.

‎MABUTING BALITA
‎Marcos 16:15-20

‎Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

‎Noong panahong iyon: Nagpakita si Hesus sa Labing-isa at sinabi sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumasampalataya at mabinyagan ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan. Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang kamay.”

‎Pagkatapos magsalita sa kanila, ang Panginoong Hesus ay iniakyat sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. Humayo nga ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng Panginoon sa gawaing ito. Pinatotohanan niya ang Salitang kanilang ipinangangaral sa pamamagitan ng kapangyarihang gumawa ng himala, na ipinagkaloob niya sa kanila.

‎Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

‎God is great and greatly to be praised!
‎~ Psalm 96:4


‎ |FullOfHopeApril

Happy Sunday mga Ka-Kristo! 💚💛❤️
18/04/2026

Happy Sunday mga Ka-Kristo! 💚💛❤️

‎Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)

‎Mga Gawa 2:14. 22-23
‎Salmo 15:1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11

‎Ituro mo ang landasin
‎ng buhay kong hahantungin.

‎MABUTING BALITA
‎Lucas 24:13-35

‎Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

‎Nang Linggo ding iyon, ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa isang nayong tinatawag na Emaus, may labing-isang kilometro ang layo sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari. Samantalang nag-uusap sila at nagtatanungan, lumapit si Hesus at nakisabay sa kanila. Siya’y nakita nila, ngunit hindi nakilala agad. Tinanong sila ni Hesus, “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?” At tumigil silang nalulumbay. Sinabi ng isa na ang ngala’y Cleopas, “Kayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa lamang nangyari roon.” “Anong mga bagay?” tanong niya. At sumagot sila, “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa harapan ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal siya ng aming mga punong saserdote at mga pinuno upang mahatulang mamatay, at siya ay ipinako sa krus. Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel. Hindi lamang iyan. Ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ito; nabigla kami sa ibinalita ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang-maaga raw silang nagpunta sa libingan, at di nila natagpuan ang kanyang bangkay. Nagbalik sila at ang sabi’y nakakita raw sila ng isang pangitain – mga anghel na nagsabing buhay si Hesus. Pumunta rin sa libingan ang ilan sa mga kasama namin at gayon nga ang natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita si Hesus.”

‎Sinabi sa kanila ni Hesus, “Kay hahangal ninyo! Ano’t hindi ninyo mapaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta? Hindi ba’t ang Mesiyas ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang kanyang marangal na katayuan?” At ipinaliwanag sa kanila ni Hesus ang lahat ng nasasaad sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa sinulat ng mga propeta.

‎Malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan, at si Hesus ay waring magpapatuloy pa ng lakad. Ngunit siya’y pinakapigil-pigil nila, “Tumuloy na po kayo rito sa amin,” anila, “sapagkat palubog na ang araw at dumidilim na.” Kaya’t sumama nga siya sa kanila. Nang siya’y kasalo na nila sa hapag, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at ibinigay sa kanila. Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Hesus, subalit ito’y biglang nawala. At nawika nila, “Kaya pala gayon ang pakiramdam natin habang tayo’y kinakausap sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan!”

‎Noon di’y tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang nagkakatipon ang Labing-isa at ang ibang mga kasama nila na nag-uusap-usap, “Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Napakita kay Simon!” At isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan, at kung paano nila siyang nakilala nang paghati-hatiin niya ang tinapay.

‎Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

‎God is great and greatly to be praised!
‎~ Psalm 96:4


‎ |FullOfHopeApril

Address

Bacoor

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SOC Cavite Youth Cluster posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share