Samahan ni San Jose - Bacoor, Cavite

Samahan ni San Jose - Bacoor, Cavite Samahan ni San Jose - Parokya ni San Miguel Arkanghel Bacoor, Cavite

WEDNESDAY DEVOTION TO ST. JOSEPH🤍💚MATEO 1:20Samantalang iniisip niya ang mga bagay na ito, narito, isang anghel ng Pangi...
18/08/2026

WEDNESDAY DEVOTION TO ST. JOSEPH
🤍💚

MATEO 1:20

Samantalang iniisip niya ang mga bagay na ito, narito, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kaniya sa isang panaginip. Sinabi ng anghel: JOSE, ikaw na nagmula sa angkan ni David, huwag kang mangambang tanggapin si Maria na iyong asawa. Ito ay dahil ang dinadala niya sa kaniyang sinapupunan ay sa Banal na Espiritu.

PANALANGIN KAY SAN JOSE

Sa iyo, O pinagpalang San Jose, kami ngayo'y lumalapit sa aming paghihinagpis, at sa aming pagsusumamo sa iyong banal na Kabiyak, lakas-loob din kaming nananawagan para sa iyong paglingap.

Sa pamamagitan ng pag-ibig na nag-ugnay sa iyo sa Kalinis-linisang Birheng Ina ng Diyos at sa pamamagitan ng pagmamahal ng isang amang yumakap sa Batang Hesus, buong pagkukumbaba kaming sumasamo sa iyo pakundangan sa pamanang natamo ni Hesukristo sa pamamagitan ng Kanyang Mahal na Dugo, at sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan at lakas ay tulungan kami sa aming mga pangangailangan.

O mapagmatyag na tagapangalaga ng Banal na Pamilya, ipagsanggalang mo ang mga hinirang na anak ni Hesukristo, O mapagmahal na ama, ilayo mo kami sa mga nakahahawang pagkakasala at tiwaling impluwensiya. O pinakamatatag naming tagapagtanggol, kaawaan mo kami at mula sa langit ay tulungan kami sa aming pakikipagtunggali sa puwersa ng kadiliman.

Minsan mong iniligtas ang Niño Hesus mula sa nakamamatay na panganib, kaya't ngayo'y ipagtanggol mo ang Simbahang Katolika mula sa bitag ng kasamaan at sa lahat ng pagsubok; ipagsanggalang mo ang bawat isa sa amin sa pamamagitan ng iyong walang-maliw na pagtatangol, upang sa pamamagitan ng iyong gabay at tulong, ay makapamuhay kami nang banal at mamatay nang banal, at nang aming makamit ang walang-hanggang kaligayahan sa langit.
AMEN.

(Papa Leo XIII)

BE LIKE ST. JOSEPH!Let us be reminded to BE LIKE ST. JOSEPH.Because true strength is found in HUMILITY and TRUST IN GOD....
15/08/2026

BE LIKE ST. JOSEPH!

Let us be reminded to BE LIKE ST. JOSEPH.

Because true strength is found in HUMILITY and TRUST IN GOD.

Even St. Joseph himself trusted and believed in what God said without saying a single word (Matthew 1:20–21).

So, this Sunday, we should be quiet but courageous, humble but strong, and faithful even when no one sees us.

HAVE A BLESSED SUNDAY!🤍💚

📷: PC Creatives

WEDNESDAY DEVOTION TO ST. JOSEPH💚🤍To you, O blessed Joseph, do we come in our tribulation, and having implored the help ...
12/08/2026

WEDNESDAY DEVOTION TO ST. JOSEPH
💚🤍

To you, O blessed Joseph, do we come in our tribulation, and having implored the help of your most holy Spouse, we confidently invoke your patronage also.
Through that charity which bound you to the Immaculate Virgin Mother of God and through the paternal love with which you embraced the Child Jesus, we humbly beg you graciously to regard the inheritance which Jesus Christ has purchased by his Blood, and with your power and strength to aid us in our necessities.
O most watchful guardian of the Holy Family, defend the chosen children of Jesus Christ; O most loving father, ward off from us
every contagion of error and corrupting influence; O our most mighty protector, be kind to us and from heaven assist us in our struggle with the power of darkness.
As once you rescued the Child Jesus from deadly peril, so now protect God’s Holy Church from the snares of the enemy and from all adversity; shield, too, each one of us by your constant protection, so that, supported by your example and your aid, we may be able to live piously, to die in holiness, and to obtain eternal happiness in heaven.
Amen.

(Pope Leo XIII)

22/03/2026
Marso 21, 2026 | Dakilang Kapistahan ni San JosePamparokyang pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni San Jose, Esposo ng M...
22/03/2026

Marso 21, 2026 | Dakilang Kapistahan ni San Jose

Pamparokyang pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni San Jose, Esposo ng Mahal na Birheng Maria at Patron ng Pandaigdigang Simbahan.

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng religious organizations, mga lingkod simbahan, mga kasapi ng samahan, choir Bro. Rafael Marvin, banda 96 Band - City of Bacoor, Cavite, photo and documentation Sis. Margaret Castor, sakristan Bro. Arthur Miguel Castor, Novena Leaders Sis. Josephine Esteban at sa bawat indibidwal na naglaan ng oras, lakas, at talento upang maging maayos at makabuluhan ang pagdiriwang na ito…

Ang aming lubos na pasasalamat din kina Father Tem Calixto Lumandas at Bro. Arthur Castor sa kanilang walang sawang suporta taun-taon sa amin, Ang kanilang patuloy na paggabay at pagtulong ay naging malaking bahagi ng tagumpay ng ating pagdiriwang..

Ang atin pong’ pagkakaisa, dedikasyon, at malasakit ay tunay na nagbigay-buhay sa ating selebrasyon. Nawa’y patuloy tayong gabayan at pagpalain ng Poong Maykapal sa ating sama-samang paglilingkod.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat! 🙏🏻
Samahan ni San Jose - Bacoor, Cavite

📸 St. Michael the Archangel Parish - Bacoor Documentation Team

Taos-puso po tayong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong, nagbigay ng oras at suporta upang maging matagumpay ang ating g...
15/03/2026

Taos-puso po tayong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong, nagbigay ng oras at suporta upang maging matagumpay ang ating gawain ng pamamahagi ng lugaw at p**o para sa nalalapit na Kapistahan ni San Jose..

Sa mga miyembro ng samahan at sa lahat ng nakiisa at tumulong sa anumang paraan, maraming maraming salamat po.

Nawa’y patuloy tayong pagpalain at magkaisa sa mga susunod pang mga gawain nitong linggo na ito hanggang sa kapistahan ni San Jose..

Patuloy pa rin po ang ating Nobenario tuwing ika 5:30 ng umaga, at kita kita po tayo sa Sabado para sa Prusisyon sa Kapistahan ni San Jose!

Maraming salamat po sa inyong lahat 💛💚

Samahan ni San Jose - Bacoor, Cavite

Address

Poblacion
Bacoor
4102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahan ni San Jose - Bacoor, Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category