20/05/2026
PLEASE JOIN THE 3:20pm PRAYER BREAKTHROUGH..🙏🙏🙏
This is our DAILY PRAYER GUIDE..
Let us revive Prayer Breakthrough 3:20
Every 3:20 in the afternoon we all pray.
Heto po updated prayer format at prayer lists:
Updated prayer target 🙏
BREAKTHROUGH 3:20
1. Ipahayag una sa lahat ang EFESO 3:20 “Ngayon, sa DIYOS na may kapangyarihang gumawa ng higit na masagana kaysa sa lahat ng ating hinihingi o naiisip, ayon sa kapangyarihang kumikilos sa loob natin”
2. Ipanalangin na pagpalain ng Diyos ang ating Bansang Pilipinas ng kasaganaan, pagalingin ang ating lupain, patawarin ang ating mga kasalanan at pakinggan ang ating mga panalangin.
3. Ipanalangin na pagpalain ng Diyos ang lahat ng mga namumuno ng Kaligtasan, Takot sa Diyos, Katuwiran at Karunungan; mula sa ating Pres. Bongbong Marcos, Bise Pres. Sarah Duterte, mga Senador, ang inyong mga Congressmen, ang ating Gobernador Lilia Pineda, Bise Go@ Dennis Pineda, ang inyong mga Board Members, Mayors, Bise Mayors, mga Konsehal at mga Kapitan at mga brgy konsehal.
4. Ipanalangin natin ang Kapayapaan para sa Bansang Pilipinas at Lalawigang Pampanga, kalayaan mula sa mga bagay na umaalipin sa ating Bansa at Probinsiya; kagaya ng Korupsiyon, Kahirapan, Kaguluhan at Kawalan ng Katarungan.
5. Ipanalangin natin ang Transformation ng Pilipinas at Pampanga. Hayaan maghari ang katuwiran, katarungan at kahabagan.
6. Ipanalangin ang Great Revival sa Church at sa Buong Katawan ni Cristo sa Pilipinas at Pampanga. Nawa ay ibuhos ng Diyos ang Kanyang Banal na Espiritu sa lahat ng mga tao sa ating Bansa at sa ating lalawigan.
7. Ipanalangin na mabilis na kumalat ang apoy ng Ebanghelismo para sa Misyon na "Humayo at Gumawa ng mga alagad". Nawa ay buksan ng Diyos ang iba't-ibang mga pintuan ng Pampanga para sa pagdadala ng Mabuting Balita.
8. Ipanalangin natin na ang Pampanga ay maging modelo ng pagkaka-isa at katuwiran sa pagdadala sa Pampanga kay Jesus para sa pagbabago ng komunidad. Ipanalangin ang pagkaka-isa, pagmamahalan at paggagalangan ng iba't-ibang bahagi ng Katawan ni Cristo kahit pa sa kabila ng mga magkaka-ibang paniniwala at paninindigan sa larangan ng pulitika.
9. At sa lahat ng usapin patungkol sa mga korupsiyon, kagaya ng Flood Control, ipanalangin natin ang AMOS 5:24, “Nawa ay hayaang dumaloy ang katarungan na parang rumaragasang tubig, at ang katuwiran ay parang batis na hindi natutuyo.”
10. Ipanalangin na maranasan mo, ng pamilya mo, ng lokal na Iglesya mo at ng komunidad mo ang iba't-ibang uri ng pisikal, materyal, pinansiyal, emosyonal at espirituwal na BREAKTHROUGH.