21/08/2026
ARAW-ARAW KANG PUPURIHIN, O DIYOS! 🙌❤️🔥
“Ang nananahan sa kublihan ng Kataas-taasan ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan.” — Awit 91:1
Sa bawat araw, sa bawat season, at sa bawat sitwasyon, pipiliin naming magpuri, mananatili sa Iyong lilim, at sasambahin Ka sa dakong lihim.🙏
Sa dakong lihim, doon namin natututunang makinig sa Iyong tinig, magtiwala sa Iyong kalooban, at mas kilalanin Ka. Sa Iyong presensya, may kapayapaan sa gitna ng kaguluhan, may lakas sa gitna ng panghihina, at may pag-asa sa bawat bagong araw.
Panginoon, ang aming buhay ay magiging awit ng pagsamba. Mananatili kami sa Iyong lilim, lalapit sa Iyong presensya, at ibibigay sa Iyo ang lahat ng papuri at kaluwalhatian. 👑🙌❤️🔥