26/08/2026
Habang nakikinig ako sa homily ni Cardinal Advincula, sobrang tumatak sa akin yung illustration niya tungkol sa crane. Kahit gaano kabigat ang kayang buhatin ng isang crane, kailangan pa rin nito ng matibay na counterweight o anchor sa base nito. Kung wala iyon, hindi nito kakayanin ang bigat at puwedeng bumagsak.
Napaisip ako: ganito rin pala tayo sa buhay at sa paglilingkod. Marami tayong gustong buhatin—responsibilities, expectations, concerns ng ibang tao, at maging yung sarili nating struggles. Pero kung hindi tayo naka-angkla sa Diyos, darating talaga yung point na mapapagod tayo at baka tuluyang bumagsak.
Habang ipinapaliwanag ni Cardinal ang pagiging perfectly anchored ni Mama Mary sa Diyos, narealize ko na ito rin pala ang invitation sa atin. Hindi lang sapat na marami tayong ginagawa para sa Church. Hindi rin nasusukat ang pagiging mabuting servant sa dami ng activities, ministries, meetings, o responsibilities na kaya nating gawin. Ang mahalaga ay kung saan nanggagaling ang ating strength.
Tumatak din sa akin yung salitang “Audiam”—“I will listen.” Sa dami ng ingay sa paligid natin, kailangan pala nating matutong makinig. Makinig sa Diyos, makinig sa mga taong pinaglilingkuran natin, at makinig sa mga taong kasama natin sa journey. Minsan kasi, gusto nating magsalita agad, magbigay ng solusyon, o gumawa ng action. Pero baka ang kailangan muna talaga ay makinig.
Narealize ko rin kung gaano kahalaga na maging bearers of hope tayo. Hindi natin alam kung ano ang pinagdadaanan ng bawat taong nakakasalamuha natin. May mga taong mukhang okay pero pagod na pala. May mga taong patuloy na naglilingkod pero may sariling struggles na tahimik nilang dinadala. Kaya napakahalaga na ang Church ay maging lugar kung saan makakahanap ang tao ng pahinga, pag-asa, at presensya ng Diyos.
At yung sinabi ni Cardinal tungkol sa synodality—na hindi lang ito tungkol sa meetings, kundi tungkol sa conversion of heart through listening to the Holy Spirit and to one another—sobrang meaningful para sa akin. Minsan madaling isipin na ang pagiging active sa Church ay puro programs at responsibilities. Pero higit pa pala doon. Ang tunay na synodality ay yung natututo tayong makinig, umunawa, makipagtulungan, at sabay-sabay na maglakad kasama ang Diyos.
Habang nakikinig ako, parang pinaaalalahanan din ako ng homily na hindi ko kailangang buhatin ang lahat mag-isa. Hindi ako ang anchor. God is.
Kaya ang simple prayer ko pagkatapos kong marinig ang homily na ito: “Lord, keep me anchored in You.”
Kapag dumami ang responsibilities, keep me anchored.
Kapag napagod ako sa paglilingkod, keep me anchored.
Kapag hindi ko alam kung saan ako pupunta, keep me anchored.
At kapag marami akong gustong gawin para sa Iyo, remind me first to listen.
Dahil sa huli, hindi pala ang tanong kung gaano karami ang kaya kong buhatin. Ang mas mahalagang tanong ay:
Saan ako naka-angkla habang binubuhat ko ang lahat ng ito?
📷 RCAM MEDIA
| This is my reflection on the Homily of Archbishop Jose F. Cardinal Advincula for the Installation of Rev. Fr. Jake Adrian Lopez, SDB as Parish Priest of the St. John Bosco Parish, Makati, August 14, 2026