21/08/2026
💪💕🤍
Para sa lahat ng KATEKISTA sa Pilipinas, sana ma-maintain natin itong tatlong letrang U:
1. UPDATE.
Dapat ay walang katapusang updating o pag-aaral sa mga doktrina at turo ng Simbahan, sapagkat napakahalaga ng mga lumalabas sa ating mga bibig. Ang paghubog natin sa pananampalataya ng mga bata ay nakasalalay sa ating mga sinasabi. Sana ang mga sinasabi natin ay tama at hindi heretical (taliwas/salungat) sa tinuturo ng Simbahan.
2. UPGRADE.
Hindi kayo “katekista lang,” kundi dapat ipinagmamalaki ninyo: “Katekista ako! Pinili ako ng Diyos! Kaya, upgraded ako! Angát ako!” Madalas ko kasi marinig: “Padre, nahihiya kami kapag nagtuturo kami at nakikinig ang g**o sa likod. Ano ba ang laban namin, eh hindi kami nakapagtapos ng kolehiyo, samantalang ang mga g**o ay lisensyadong propesyonal?” Huwag maliitin ang sarili. Magagaling din kayong magturo. Minsan, mas nakaka-connect pa nga kayo sa isip at puso ng mga bata.
3. UPWARD.
Ito ang pinakaimportante. Una sa lahat, ang katekista ay dapat nakatingin upward o dapat madasalin at isinasabuhay ang Salita ng Diyos. May mga pagkakataong kayo ay nare-reject sa parokya, kulang sa suporta (chalk, meryenda, pamasahe), at minsan ay napapagalitan pa ng pari. Kaya dapat lalong maging malalim ang inyong pananampalataya upang, anuman ang mangyari, hindi kayo susuko.
Salamat po sa serbisyo, Katekista, at Happy Fiesta ngayong araw sa inyo!
— Father Dags