Atimonan Flores de Maria

Atimonan Flores de Maria The official page of Flores de Maria of Our Lady of the Angels Parish in Atimonan, Quezon. This page is being managed by the parish’s Junta Directiva.

An Invitation to a Religious Pilgrimage
11/05/2026

An Invitation to a Religious Pilgrimage

Journey with Msgr. Emmanuel Ma. L. Villareal, Fr. John Eamone F. Panganiban, Fr. John C. Añago and Fr. Arvin Joseph C. Pitahin to the holy shrines of the Infant Jesus, His Holy Mother and the Saints in Easter Europe.

For more information and reservations please call Catholic Travel, Inc. (02)85232523 Mondays to Fridays, 8:30am-5:30pm. You may also check this link for the full itinerary: https://bit.ly/4uljYH8

www.catholictravel.com.ph

Pabatid Hinggil sa Paglilimbag ng Flores de Maria Souvenir BookDahil sa pandemya, ang Souvenir Book na pinamagatang Cade...
01/05/2021

Pabatid Hinggil sa Paglilimbag ng Flores de Maria Souvenir Book

Dahil sa pandemya, ang Souvenir Book na pinamagatang Cadena de Amor ay minabuting hindi ituloy ang paglilimbag noong nakaraang taon. Ito ay tatapusin, ililimbag at ipamamahagi ngayong taong 2021 kasabay sa pagganap sa tungkulin ng Junta Directiva 2020.

Tuloy-TuloyAng Junta Directiva 2020 sa pamumuno ng mga Hermano at Hermana Mayores,  Bro. Maikie at Sis. Jane Patiño ay t...
25/04/2021

Tuloy-Tuloy
Ang Junta Directiva 2020 sa pamumuno ng mga Hermano at Hermana Mayores, Bro. Maikie at Sis. Jane Patiño ay tuloy pa ring gaganap sa mga gawain ng Flores de Maria 2021, sa patnubay ng lingkod-pari Msgr Noel Villareal at mga katuwang Fr. Merlin Las Piñas at Fr. Ralph Peñaflorida.

Kaalinsabay ng selebrasyon ng Ikalimang Septenaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas, magiging pangkalahatang tema ng isang buwang pagdedebosyon sa Mahal na Birheng Maria ang CADENA DE AMOR— ang 500 taon ng walang patid na pagtanggap ng biyaya at pagpapala ay susuklian ng walang humpay at tuloy-tuloy na paglilingkod sa kapwa at pagsasabuhay bilang mabubuting katiwala.

Heto na muli ang Flores de Maria! Tayo na mga ka-Junta Sa virtual meeting magkita-kita. Mama Mary, pray for us. Amen.
25/01/2021

Heto na muli ang Flores de Maria!
Tayo na mga ka-Junta
Sa virtual meeting magkita-kita.

Mama Mary, pray for us. Amen.

Solemnity of the Immaculate Conception of Mary
07/12/2020

Solemnity of the Immaculate Conception of Mary

Ang darating na Ika-8 ng Disyembre ay Kapistahan ng Inmaculada Concepcion at Araw ng Pasasalamat sa Pilipinas. Ang mga oras ng Misa at virtual procession:

* Anticipated mass (sa Dec. 7)
5pm (in-person sa simbahan)

* Sa mismong kaarawan (Dec. 8 )
7am : Virtual (online) procession
9am (in-person at online sa simbahan)
5pm (in-person sa Simbahan)

O Reyna ng Mayo na kaygandaMahal na Inang MariaPinuputong sa ‘yong korona Ay mga bulaklak na sariwaAve Maria, reyna ng d...
31/05/2020

O Reyna ng Mayo na kayganda
Mahal na Inang Maria
Pinuputong sa ‘yong korona
Ay mga bulaklak na sariwa

Ave Maria, reyna ng daigdig
Reyna’t ina ka namin
Idalangin mo kami.

Ano po ang inyong hibik at dalangin sa ating Mahal na Ina?
30/05/2020

Ano po ang inyong hibik at dalangin sa ating Mahal na Ina?

Huling tatlong araw na po ng Buwan ng Mayo. Ang atin pong  topic: Ang Makainang Paggabay ni MariaWagasMay katotohanan an...
28/05/2020

Huling tatlong araw na po ng Buwan ng Mayo. Ang atin pong topic: Ang Makainang Paggabay ni Maria

Wagas
May katotohanan ang kasabihang, "handang 'pa-alipin' ang tunay na nagmamahal." Ang pag-ibig ay hindi nananatili sa damdamin. Ipinapahayag ito sa kahandaang magtiis upang tupdin ang kagustuhan ng minamahal.

Sa ebanghelyo, ipinahayag ni Hesus na tanging paglilingkod ang patunay ng pag-ibig at katapatan. Iniutos Niya kay Pedro: "Pakanin mo ang aking mga tupa."

May kaakibat na pananagutan ang pagpapahayag ni Pedro ng pag-ibig sa Panginoon.

Sa ating pananalangin, hindi sapat ang panata at salita ng papuri. Wala na itong maidaragdag sa kaganapang likas na sa Diyos. Ang hangad Niya ay ang magpastol tayo sa mga taong minamahal niya. Palawakin natin ang saklaw ng kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng pagdamay sa nangangailangan.

-Msgr Noel Villareal
*Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay

Huwebes sa ikapitong linggo ng Muling Pagkabuhay. Ang atin pong topic: Komunidad. LigtasAkala ng marami, ang kaligtasan ...
27/05/2020

Huwebes sa ikapitong linggo ng Muling Pagkabuhay. Ang atin pong topic: Komunidad.

Ligtas
Akala ng marami, ang kaligtasan ay ang makaiwas lang sa parusa ng impiyerno: ligtas sa hirap, pagdurusa at kapighatian.

Higit pa rito ang regalo ng Diyos ng kaligtasan. Wika ni Hesus: “Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay mo sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha ang sanlibutan."

Hindi kumpleto ang ligaya kung wala kang kasama. Ayaw nating mamasyal o manood ng sine nang nag-iisa. Gusto nating may makabahagi sa ating sayá.

Ang langit ay komunidad ng pagmamahal. Ang kaligtasan ay pakikipagkaisa sa buhay ng Diyos. "The other side of salvation is communion." Kung paanong ang nagmamahalan ay gusto laging magkasama, ganito rin ang paghahangad ni Hesus na makasama tayo sa kanyang kagalakan.

-Msgr. Noel Villareal
*Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay

Address

Quezon Street
Atimonan
4331

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atimonan Flores de Maria posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share