27/12/2025
Ang Exchange Gift with a Twist ay isang masayang bahagi ng Christmas Party ng mga Kabataan ng Guardia de Honor Hijas de Maria na naganap noong Disyembre 25.
Layunin ng activity na ito na pasayahin ang lahat, palakasin ang samahan at pagkakaisa ng kabataan, at ipakita ang diwa ng pagbabahaginan at pagbibigayan ngayong Pasko. Hindi mahalaga kung gaano kamahal ang regalo, kundi ang kasiyahan, tawanan, at alaala na nabuo sa bawat isa.
Sa pamamagitan ng Exchange Gift with a Twist, mas lalong naging makulay at masaya ang pagdiriwang ng Pasko, at naipadama ang tunay na diwa nitoβang pagmamahalan, pagkakapatiran, at pasasalamat sa Diyos.