14/05/2026
Mga kababayan, sa gitna ng kaguluhan sa ating bansa; gulo sa politika, bangayan sa Senado, pagkakawatak-watak, at walang tigil na bashing sa social media - mas kailangan ngayon ng Pilipinas ang panalangin kaysa pag-aaway.
Bilang mga Pilipino, lalo na bilang mga Kristyano, marapat lamang na maging marubdob ang ating panalangin para sa ating bayan, sa ating mga pinuno, at sa pagkakaisa ng bawat isa. Hindi galit ang kailangan ng bansa natin, kundi Diyos na kikilos sa puso ng bawat Pilipino.
Ipanalangin natin ang karunungan para sa ating mga lider, kapayapaan sa ating bayan, at pagkakaisa sa kabila ng magkakaibang paniniwala at pananaw.
“Kung ang aking bayan, na tinatawag sa aking pangalan, ay magpapakumbaba, mananalangin, hahanapin ako, at tatalikod sa kanilang masasamang gawa, diringgin ko sila mula sa langit, patatawarin ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.”(2 Cronica 7:14)
“Una sa lahat, ipinapayo ko na magsumamo, manalangin, mamagitan, at magpasalamat para sa lahat ng tao, para sa mga hari at sa lahat ng may kapangyarihan, upang tayo’y mamuhay nang tahimik at payapa.” (1 Timoteo 2:1-2)
“Kay gandang pagmasdan at kay sarap isipin ang mga kapatid na namumuhay nang may pagkakaisa.”(Awit 133:1)
Pilipinas, kailangan natin ang Diyos higit kailanman. 🙏🇵🇭