IDKH daily verses

IDKH daily verses Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from IDKH daily verses, Church of God, 118 Purok 1 Cacutud, Arayat Pampanga, Arayat.

28/09/2025

‭ ‭‭Mga Awit‬ ‭116‬:‭1‬-‭2‬

“Minamahal ko si Yahweh, pagkat ako'y dinirinig, dinirinig niya ako, sa dalangin ko at hibik; ako'y kanyang dinirinig tuwing ako'y tumatawag, kaya nga't habang buhay ko'y sa iyo lagi tatawag.”

24/09/2025

Mga Taga-Roma‬ ‭8‬:‭38‬-‭39‬

“Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan o ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan, ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.”
‭‭

30/06/2025

‭‭Ang Mangangaral‬ ‭7‬:‭14

“Magalak ka kung mainam ang takbo ng lahat ng bagay. Sa panahon ng kahirapan ay isipin mong parehong ipinadadala ng Diyos ang kaligayahan at kahirapan. Sino ang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas?”

07/03/2023

Pahayag 21:23

23 Hindi na kailangan ang araw o ang buwan upang bigyang liwanag ang lungsod, sapagkat ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagbibigay ng liwanag doon at ang Kordero ang siyang ilawan

07/03/2023

Awit 23:4

4 Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan,wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay.Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.

24/01/2023

Kawikaan 27:12

12 Alam ng matalino kung may panganib at siya'y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.

21/01/2023

Kawikaan 2:4-6

4 Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago.

5 Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon, at masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios.

6 Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:

03/01/2023

1 Timoteo 6:3-4

3 Kung nagtuturo ang sinuman ng ibang katuruan at di sang-ayon sa mga tunay na salita ng Panginoong Jesu-Cristo at sa mga aral tungkol sa pagiging maka-Diyos, 4 siya ay nagyayabang ngunit walang nalalaman. Sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita, bagay na humahantong sa inggitan, alitan, kutyaan, at masasamang hinala.

03/01/2023

Pahayag 18:9-10

9 Tatangis at iiyak ang mga haring nakiapid sa kanya at nagpasasa sa kalayawan sa piling niya, habang tinatanaw nila ang usok ng nasusunog na lungsod. 10 Tatayo sila sa malayo sapagkat takot silang madamay sa dinaranas niyang parusa. Sasabihin nila, “Kalagim-lagim! Kalagim-lagim ang dakilang Babilonia, ang makapangyarihang lungsod! Sa loob lamang ng isang oras ay naganap ang parusa sa kanya!”

31/12/2022

Malakias 8:4-6

4 Pakinggan ninyo ito, kayong sumisikil sa mga nangangailangan,at kayong umaapi sa mga dukha.
5 Ang sabi ninyo sa inyong sarili,“Inip na inip na kaming matapos ang mga araw ng pagdiriwang.
Hindi tuloy namin maipagbili ang aming mga inani.
Kailan ba matatapos ang Sabbath,para maipagbili namin ang mga trigo?Tataasan namin ang halaga, gagamit kami ng madayang takalan,at dadayain namin sa timbang ang mga mamimili.6 Bibilhin namin upang maging alipin ang mga mahihirap sa halagang isang pilak,at ang mga nangangailangan ay sa halagang katumbas ng isang pares na sandalyas.
At ipagbibili namin ang ipa ng trigo.”

27/12/2022

Malakias 2:2-4

2 “Kung hindi ninyo ito papakinggan at isasapuso bilang pagpaparangal sa aking pangalan, susumpain ko kayo at ang mga pagpapalang tinatanggap ninyo bilang mga pari. Sa katunayan, sinumpa ko na ang mga iyon, sapagkat hindi ninyo isinasapuso ang aking utos. 3 Paparusahan ko ang inyong mga anak at ipapahid ko sa inyong mukha ang dumi ng mga hayop na inihahandog ninyo sa panahon ng mga kapistahan. Itatapon din kayo sa tambakan ng dumi. 4 Dahil dito'y malalaman ninyo na ibinigay ko sa inyo ang utos na ito, upang magpatuloy ang aking tipan kay Levi,” wika ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

26/12/2022

Juan 13:34-35

““Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo'y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko.””

Address

118 Purok 1 Cacutud, Arayat Pampanga
Arayat
2012

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IDKH daily verses posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category