Against False Prophet Teaching

Directions

Against False Prophet Teaching Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Against False Prophet Teaching, Religious organisation, Apalit.

07/10/2026

Papa sa Roma hinamon ni bro eli

07/10/2026

Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, TULAD NI CRISTO NA SIYANG ULO NG IGLESYA, NA KANYANG KATAWAN, AT SIYANG TAGAPAGLIGTAS NITO.” (Efeso 5:23 MB)

Hindi ibang tao ang iglesya kay Cristo na siyang Kaniyang katawan. Ayon sa Biblia, ito lamang ang ililigtas Niya. Aling iglesia ito? Ang iglesiang ito ay isinunod Niya sa Kaniyang pangalan.

“Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng IGLESIA NI CRISTO ay bumabati sa inyo.” (Roma 16:16 NPV)

Sapagkat ang iglesia ay ang katawan ni Cristo at si Cristo ang ulo ng iglesia, kaya sa harap ng Diyos silang dalawa ay isang taong bago.

Efeso 2:15: “Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; UPANG SA DALAWA AY LALANGIN SA KANIYANG SARILI ANG ISANG TAONG BAGO, sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan;”

Kaya hindi pananagutan ni Cristo ang ibang tao o ang wala sa Kaniyang iglesia. Samakatuwid, kung sinuman ang ibig maligtas ay dapat pumasok sa katawan ni Cristo, na Kaniyang iglesya.

Juan 10:9: “Ako ang pintuan; ANG SINUMANG TAONG PUMASOK SA AKIN, AY SIYA’Y MALILIGTAS, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan.”

Maliwanag na ang mga kaanib lang sa Iglesia ni Cristo ang ililigtas ni Cristo dahil sila ay hindi ibang tao kay Cristo kundi mga sangkap o bahagi ng Kaniyang katawan o iglesia (Roma 12:4-5). Kung gayon, malinaw na ang pananagutan lang ni Cristo ay ang Kaniyang iglesia sapagkat siya ang ulo nito at ang buhay Niya ay inalay Niya lamang para sa Kaniyang iglesia.

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na GAYA NG PAGMAMAHAL NI CRISTO SA IGLESYA, INIHANDOG NIYA ANG KANIYANG BUHAY PARA SA IGLESYA.” (Efeso 5:25 MBB)

Tunay ngang si Cristo ang tagapagligtas ngunit pinatutunayan ng Biblia na ang Iglesia ni Cristo lamang ang ililigtas ni Cristo. ゚

06/10/2026

“Si Simon Pedro, na alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo.” (II Pedro 1:1)

Ang Tunay na Tintutukoy ni Apostol Pedro
sa II Pedro 1:1 na Dios ay ang Ama at hindi si Cristo.

Ang maaaring itanong ng mga naniniwalang si Cristo ay Diyos ay “Kung hindi maaari na tawagin ni Apostol Pedro si Cristo na Diyos sa II Pedro 1:1 ay bakit maliwanag na nakasulat dito na sinabi ni Pedro na “sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Cristo Jesus”? ANG TINUTUTUKOY NG BANGGIT NI APOSTOL PEDRO NA “ATING DIYOS” AT “TAGAPAGLIGTAS” AY HINDI IISA, KUNDI MAGKAIBA. Pinatutunayan ito ng kasunod lamang na talata:

“Biyaya at kapayapaan ang sa inyo'y dumami sa pagkakilala SA DIOS AT KAY JESUS NA PANGINOON natin.” (II Pedro 1:2)

Napansin ba ninyo ang kasunod lamang na talata ng II Pedro 1:1. Ang banggit sa talatang 2 ay “sa pagkakilala sa Dios at kay Jesus na Panginoon natin.” Dito ay malinaw na hindi tinawag ni Apostol Pedro na Diyos ang ating Panginoong Jesucristo, bagkus ay ipinakikitang magkabukod ang “Diyos” at ang Panginoong Jesus.

Ang mga Suliranin kung Tatatanggapin na Tinawag ni Apostol Pedro si Cristo na Diyos

Bakit hindi maaaring tawagin ni Apostol Pedro si Cristo na Diyos sa II Pedro 1:1?

(1) SAPAGKAT ANG TINUTUKOY NI APOSTOL PEDRO NA DIYOS AY ANG AMA NG ATING PANGINOONG JESUSCRISTO:

“Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay.” (I Pedro 1:3)

Pansinin na magkakaroon ng malaking suliranin kung tatanggapin na tinawag ni Apostol Pedro si Cristo na Diyos, samantalang sinabi rin niya na ang Diyos ay ang Ama ni Cristo: KUNG TINAWAG NI APOSTOL PEDRO SI CRISTO NA DIYOS, SAMANTALANG SINABI NIYA NA ANG DIYOS AY ANG AMA NI CRISTO, LALABAS NA ANG DIYOS NA SI CRISTO AY ANG AMA NI CRISTO RIN. MAGIGING DALAWA ANG CRISTO. Kaya malinaw na sablay ang pagkaunawa ni Eli Soriano sa ll Pedro 1:1

Ang Dios Ama ay magliligtas sa pamamagitan ni Cristo.

Mga Gawa 5:31
Ang Dating Biblia(1905)
'Siya'y pinadakila ng
Dios ng kaniyang kanang kamay upang
maging Principe at Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan."

Judas Tadeo 1:25
Magandang Balita Biblia (MBB)
"Sa iisang Diyos na ating
Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin, sa kanya ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian at
kapangyarihan, mula pa noong una, ngayon at magpakailanman. Amen."

Tito 2:13, ano nga ba ang tunay na kahulugan nito? Ang ibig bang sabihin ni Apostol Pablo dito ay Diyos si Cristo? Ang mga kataga bang “DAKILANG DIOS” at “TAGAPAGLIGTAS” ay parehong kay Cristo tumutukoy? Hayaan kasi natin na si Apostol Pablo ang magpaliwanag dahil siya po ang nagsasalita sa talata, narito po ang katibayan at ating tunghayan kung kanino tumutukoy iyong sinabi niyang “DAKILANG DIOS”:

Tito 1:4 “Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.”

Kitang-kita sa sinabi ni Apostol Pablo na hindi tumutukoy ang salitang “DAKILANG DIYOS” kay Cristo sa Tito 2:3, dahil sa Tito 1:4, ay sinabi niya na ang Diyos Ama ang tinutukoy niya, kaya napakaliwanag na DALAWA ANG TINUTUKOY niya sa Tito 2:13, at hindi parehong tumutukoy kay Cristo ang dalawang salita “DAKILANG DIOS” at “TAGAPAGLIGTAS”:

Tito 2:13 “Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating “dakilang Dios” [tumutukoy sa Dios Ama] at “Tagapagligtas” na si Jesucristo;”

Tito 1:4 “Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.”

Ang dakilang Dios na tinutukoy ni Apostol Pablo ay walang iban kundi ang Ama at hindi si Kristo. 1 Corinto 8:6 Efeso 4:6 at Juan 17:1-3

Kung ang mga miyembro ng lglesia ni Soriano ay magsuri lang ng mabuti sa mga aral na itinuturo ng lglesia Ni Cristo? hindi sana sila maliligaw at madadaya ni Eli Soriano.

05/10/2026

ILang oras nalang pasalamat na susubo kapa?

1 Corinto 6:9
Ang Salita ng Diyos (ASD)

9 Ang mga hindi matuwid ay hindi magmamana ng paghahari ng Diyos. Hindi ba ninyo alam iyan? Huwag kayong magpadaya. Ang mga nakikiapid, ang mga sumasamba sa diyos-diyosan, ang mga mangangalunya, ang mga BAKLA, ang mga gumagamit sa kapwa lalaki ay hindi magmamana ng paghahari ng Diyos.🫢

Bago pa man nagkaroon ng Katolisismo ay ginagamit na ng mga Budista, Brahman, Lama, at ng mga pagano ang rosary sa pagda...
04/10/2026

Bago pa man nagkaroon ng Katolisismo ay ginagamit na ng mga Budista, Brahman, Lama, at ng mga pagano ang rosary sa pagdarasal sa kanilang pagsamba sa mga Diyus-Diyusan. Paano at kailan nagsimula ang paggamit ng rosaryo ng Iglesia Katolika?

“… Ang dakilang pamimintakasi kay Maria, ang rosaryo, ay walang linaw na pinasimulan noong ikalabing-isang siglo at nang malaunan ay mapamaraang pinaunlad ni Sto. Dominic at nagkaroon ng anyong kilala natin ngayon na binubuo ng pagbigkas ng dalangin at pagbubulay-bulay ng labinlimang misteryo noong mga panahong isandaang Taong Digmaan. Kaya sa maikling pagbabalik-aral, ay ang mga tanda ng kamangha-mangha pagdaluyong ng pamimintakasi na kapuwa nakasapat upang mailaan sa Birhen ang kaniyang mataas na katayuan sa pagsambang Kristyano na pumapangalawa siya kay Cristo mismo. "
(The book of Mary,page 81)

Ang rosaryo ng mga pagano ay ipinalalagay na pinasimulan sa loob ng Iglesia Katolika noong lamang mga ika 11 siglo. Nang malaunan ay pinaunlad ito ni Dominic at nagkaroon ng anyong kilala ngayon na binubuo ng 15 misteryo. Ito ay ginagawa nilang pamimintakasi o pagdalangin kay Maria.Diumano,bilangpagsambang Cristiano.Hindi maikakaila,ganunpaman, na ang Rosaryo ng Iglesia Katolika ay nagmula sa mga pagano.

Ang Pagrorosaryo

Ang pagdarasal ng rosary ay 150 beses na inuulit ang dasal na patungkol kay Maria:

“… Ang buong panata sa Rosaryo ay binubuo ng labinlimang pangkat ng Aba ginoong Maria, sampu sa bawat pangkat na karaniwang tinatawag na dekada… Ang mga dasalay binibigkas sa bawat butil at krusipiho, ngunit yaong dinarasal sa Krusipiho at sa limang butyl na binabanggit mong palawit ay panimula lamang sa kaniyang sarili at hindi kailangan sa Rosaryo…
“.. Ibig mo bang sabihin, na kapag dinarasal ang buong Rosaryo, ang ‘aba Ginoong Maria’ ay sinasabing 150 ulit? …Mangyari pa,…
(Father Smith Instructs Jackson, page 269-270)

Bukod pa sa 150 ulit na dsal kay Maria ay kasama pa rin sa pagrorosaryo ang 15 ulit na dasal na “ Ama namin” :

" Sa Iglesia ng Kanluran “ Ang Rosaryo,’’ ayon sa roman Breviary,’ ay isang uri ng panalangin na doo’y sinasambitla ang labinlima na tigsasampung Aba Ginoong Maria kasama ng isang Ama naming sa pagitan ng bawat sampu…”
(The Catholic Encyclopedia, Volume 13, page 184)

Kaya sa kabuuang bilang, ang pagrorosaryo ay binubuo ng 165 na paulit-ulit na dasal sa isang pagkakataon lamang. Ang 165 ulit na dasal na ito ay ipinag-utos ng mga Papa na usalin ng mga Katoliko araw-araw sa buwan ng Oktubre:

“.. Si Papa Clemente XI, ay nag-utos na unang Linggo ng Oktubre ang kapistahan ng Rosaryo (naval) ay dapat ipagdiwang sa buong Iglesia. Noong taong 1885, ipinag-utos ni Papa Leo XIII na ang Rosaryo ay usalin araw-araw sa buwan ng Oktubre sa simbahan ng bawat parokya sa buong mundo at nagtagubilin na lahat ng hindi makadadalo sa pananalangin ng Rosaryo sa simbahan ay nararapat na umusal nito na kasama ang kanilang mga sambahayan sa tahanan, o sa pansarili." . (Amigo del Pueblo, page 275).

Mahigpit na tagubilin

Mahalaga ang pananalangin dahil ito ay pakikipag-usap sa Dios. Subalit dapat itong isagawa nang naayon sa itinuturo ng Biblia. Kaugnay nito ay may mahigpit na ipinagbabawal ang Dios sa mga Cristiano. Ayon kay Apostol Pablo:

Efeso 4:17-18
“.. Kaya’t ito ang masasabi ko, sa pangalan ng Panginoon: Huwag na kayong mamuhay na gaya ng mga paganong walang kabuluhan ang mga iniisip at nadirimlan ang kaisipan. Dahil wala silang pagkaunawa at matigas ang kanilang puso, hiwalay sila sa Buhay na mula sa Dios.”(salita ng Buhay)

Ipinagbabawal din ng Panginoong Jesucristo sa kaniyang mga Alagad ang panalanging paulit-ulit gaya ng ginagawa ng mga pagano:

Mateo 6:7-8 (Ibid)
“.. Huwag kayong manalangin nang paulit-ulit, na gay ang ginagawa ng mga pagano. Akala nila’y diringgin sila dahil sa marami nilang salita. Huwag ninyo silang gayahin, sapagkat bago pa man kayo himingi ay alam na ng inyong Ama kung ano ang inyong kailangan.’’

Nangangahulugan ba ito na ipinagbabawal na ni cristo ang paulit-ulit na panalangin? Hindi po.. Bagkus ipinag- uutos pa nga ni Cristo na manalangin sa lahat ng oras, o maging mapanalanginin. Anung uri ng panalangin na paulit-ulit ang ipinagbabawal ni Cristo? Ayon sa nasabing talata ang paulit ulit na panalangin sa pamamagitan ng maraming salita! Samakatuwid ang inuulit sa panalangin ay yaon maraming salita. Sa madaling sabi, ito yung mga panalangin na kinakabisado at inuulit ng maraming beses! Iyan ang panalanging ipinagbabawal ni Cristo…Ang panalanging itinuturo ng biblia ay ang panalanging nagmumula sa ating mga puso at hindi bunga lamang ng pagkakabisado o paulit-ulit na panalangin!.

Bukod sa maling gawing paulit-ulit ang dasal, wala ring mababasa sa Biblia na si Maria ay ginawa ng Dios na tagapamagitan. Hindi rin itinuturo ng Biblia na siya ay dapat dalanginan. Iisa lamang ang Tagapamagitan ng tao sa Dios na ipinag-uutos na dalanginan—ang Panginoong Jesucristo.

1 Timoteo 2:5
" Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, "

Filipos 2:10
" Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,"

Hebreo 4:16
" Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan."

Gayun din, ang panalangin ng mga katoliko kay Maria ng 150 ulit ay nangangahulugan ng 150 ulit na pakikipag usap at pagdalangin sa isang taong malaon nang patay. Ito ay malinaw na labag sa utos ng Dios.

Deutronomio 18:10-11
" At ako'y nalabi sa bundok, gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; at ako'y dininig din noon ng Panginoon; hindi ka lilipulin ng Panginoon. At sinabi ng Panginoon sa akin, Tumindig ka, lumakad ka na manguna sa bayan; at sila'y papasok at kanilang aariin ang lupain, na aking isinumpa sa kanilang mga magulang upang ibigay sa kanila."

Dahil sa mga katotohanang ito. Hindi mapasususbalian na ang rosaryo ng Iglesia Katolika ay hindi batay sa mga aral ng Biblia. Dapat na malamn na ang panalangin sa rosaryo ay tahasang pagsalansang sa utos ng Dios at ng Panginoong Jesucristo.

04/10/2026

Juan 4:24
Ang Dating Biblia (1905)
24 Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.

Lucas 24:39-41
Ang Dating Biblia (1905)
39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.

03/10/2026

Si Kristo ay ginawang Panginoon or Lord
Hindi ginawang Panginoong Dios. Ang titulo ni Kristo ay Panginoon lang ang Panginoong Dios ay ang Ama isa lang.

Maraming Salamat po sa inyo😊😇🙏
03/10/2026

Maraming Salamat po sa inyo😊😇🙏

02/10/2026

Uminom kanang ihi mo - bro eli

Isaias 44:8Ang Dating Biblia (1905)8 Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nan...
01/10/2026

Isaias 44:8
Ang Dating Biblia (1905)

8 Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.

Isaias 43:10 ASD
“Kayo ang aking mga saksi,” wika ng PANGINOON. “Pinili ko kayong maging mga lingkod ko, upang makilala ninyo ako at magtiwala kayo sa akin, at maunawaan ninyo na ako lamang ang Diyos. Walang ibang Diyos na nauna sa akin, at wala ring Diyos na susunod pa sa akin.

Isaias 46:9
Ang Dating Biblia (1905)
9 Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko.

Juan 17:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
17 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
2 Gaya ng ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya.
3 At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. SABI NI CRISTO ANG AMA LANG ANG ONLY ONE TRUE GOD.!Unawain mo nga kung ipipilit mo na God si Cristo lalabas sinungaling ang Ama dahil sabi niya walang ibang Dios maliban sa kanya at wala siyang kagaya.

Address

Apalit

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Against False Prophet Teaching posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share