Diocese of Antipolo - SoCom

Diocese of Antipolo - SoCom Official page of the Commission on Social Communications and Mass Media of the Diocese of Antipolo

19/05/2026
17/05/2026

Sa pagdiriwang ng World Communications Sunday, pakinggan natin ang espesyal na mensahe ni Msgr. Lucio Adrián Ruiz, Secretary ng Dicastery for Communication ng Vatican .

Kaisa ng buong Simbahan sa pagninilay sa temang “Preserving Human Voices and Faces,” tayo ay inaanyayahang gamitin ang komunikasyon at makabagong media bilang kasangkapan ng pakikipagkapwa, katotohanan, at pag-asa—na hindi nawawala ang puso, mukha, at dignidad ng bawat tao sa gitna ng digital na panahon.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanyang mensahe sa lahat ng mga lingkod ng social communications upang patuloy na maging tapat, mapanagutan, at maka-Kristong tagapaghatid ng Mabuting Balita sa mundo ng media at komunikasyon.

17/05/2026

Sa pagdiriwang ng World Communications Sunday, pakinggan natin ang espesyal na mensahe ni Most Rev. Gilbert A. Garcera, Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Sa temang “Preserving Human Voices and Faces,” muli tayong pinaaalalahanan na sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at digital media, mahalagang manatiling makatao, mapanagutan, at nakasentro kay Kristo ang ating pakikipagkomunikasyon.

Nawa’y magsilbing gabay at inspirasyon ang kanyang mensahe sa lahat ng mga lingkod ng social communications upang patuloy nating magamit ang ating mga plataporma sa pagpapahayag ng katotohanan, pag-asa, at Mabuting Balita sa digital na panahon.

16/05/2026

Ngayong Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon at pagdiriwang ng ika-60 World Communications Day, pakinggan natin ang espesyal na mensahe ni Rev. Fr. Manjorey O. Padilla, Priest Coordinator ng Social Communications and Mass Media Ministry ng Diocese of Antipolo.

Sa temang, “Preserving Human Voices and Faces”, muli tayong pinaaalalahanan na sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at digital media, mahalagang mapanatili ang pagiging makatao, makatotohanan, at maka-Kristo sa ating pakikipag-ugnayan at pakikipagkomunikasyon.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang mensaheng ito upang patuloy nating gamitin ang ating mga tinig, talento, at mga plataporma sa pagpapahayag ng Mabuting Balita at pagpapalaganap ng pag-asa sa makabagong panahon.

Sama-sama tayong maging tunay na mga digital missionaries para kay Kristo. 📱✨

"Design is not about making it pretty, it's all about clarity, purpose, readability, visual balance, and helping people ...
16/05/2026

"Design is not about making it pretty, it's all about clarity, purpose, readability, visual balance, and helping people understand quickly."

- Prof. Julits Velasco

Prof. Julits Velasco emphasized that effective visual communication centers on functional design. In media ministry, our graphics must serve the mission of evangelization by eliminating confusion and delivering the Good News with ultimate clarity and purpose.

"Graphic design is not about being artistic only, it's about communicating."- Prof. Julits Velasco, ITIL 4Prof. Julits V...
16/05/2026

"Graphic design is not about being artistic only, it's about communicating."

- Prof. Julits Velasco, ITIL 4

Prof. Julits Velasco shared a core truth for all digital creators. Creativity in media ministry is most powerful when it serves a purpose. Our main goal as church designers is not just to display aesthetic skills, but to ensure that the Gospel message is successfully communicated, understood, and shared.

"Magdasal kayo before taking a coverage na gabayan kayo ni Lord na makita ang Kaniyang mukha sa ibang tao."Isang napakah...
16/05/2026

"Magdasal kayo before taking a coverage na gabayan kayo ni Lord na makita ang Kaniyang mukha sa ibang tao."

Isang napakahalagang paalala mula kay Mr. Patrick Dominick M. Romero. Bago natin buksan ang ating mga camera at simulan ang media coverage, simulan muna natin ito sa panalangin. Ang ating pagkuha ng litrato ay hindi lamang basta teknikal na trabaho, ito ay isang espirituwal na misyon. Kapag ginagabayan tayo ng Panginoon, nagiging mas malinaw ang ating paningin upang makita at maipakita ang Kanyang mukha sa bawat taong ating nakukuhanan ng larawan.

"Sa paghawak natin ng kamera, kailangan nating maipakita ang Mabuting Balita."Isang makabuluhang paalala mula kay Mr. Pa...
16/05/2026

"Sa paghawak natin ng kamera, kailangan nating maipakita ang Mabuting Balita."

Isang makabuluhang paalala mula kay Mr. Patrick Dominick M. Romero. Sa bawat pag-click ng shutter sa loob ng simbahan, hindi lamang tayo kumukuha ng magandang litrato, tayo ay nagpapatotoo sa presensya at pagmamahal ng Diyos. Ang lens ng ating kamera ay nagsisilbing bintana upang makita ng mundo ang kagandahan ng pananampalataya, Liturhiya, at komunidad. Nawa'y maging instrumento ang bawat larawan upang ihatid ang Kanyang Mabuting Balita.

"Kahit konti lang yung nanonood, ang mahalaga may naaakay pa rin tayo sa simbahan."- Ms. Lea ReyesSa mundo ng social med...
16/05/2026

"Kahit konti lang yung nanonood, ang mahalaga may naaakay pa rin tayo sa simbahan."

- Ms. Lea Reyes

Sa mundo ng social media, madalas nating nasusukat ang tagumpay sa dami ng views, likes, at shares. Madaling madismaya kapag mababa ang abot ng ating mga post. Ngunit ipinaaalala sa atin ngayon na sa mata ng Diyos, ang tagumpay ng isang digital missionary ay hindi nakadepende sa algorithm o viral trends. Ang tunay na sukatan ay ang mga kaluluwang naiaakay natin pabalik sa Kanya, kahit isa o dalawang tao lang 'yan. Huwag mapagod magbahagi ng Mabuting Balita, dahil bawat isang kaluluwa ay mahalaga.

"Hindi mo kailangan maging perfect kapag gumagawa ng content, ang makikita doon ay ang pagiging authentic natin."Isang m...
16/05/2026

"Hindi mo kailangan maging perfect kapag gumagawa ng content, ang makikita doon ay ang pagiging authentic natin."

Isang mahalagang paalala mula kay Ms. Lea Reyes.
Sa mundo ng content creation, madalas nating hinahangad ang pagiging perpekto, mula sa magandang camera, perpektong anggulo, hanggang sa walang kamali-maling pag-edit.Ngunit pinaalalahanan tayo ngayon na mas higit na kumikinang ang ating mensahe kapag ito ay totoo at tapat. Ang pagiging authentic ang tunay na nakatutunaw sa puso ng mga nakakakita ng ating gawa. Huwag matakot magsimula, dahil ang biyaya ng Diyos ang magpupuno sa ating mga kakulangan.

Address

Regina Pacis Center, Daang Bakal Road
Antipolo
1870

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diocese of Antipolo - SoCom posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share