15/06/2026
Hindi ka pwedeng mag ministry kung tampuhin ka
Kapatid...
Kung papasok ka sa ministry, kailangan mong tanggapin ang isang katotohanan.
Hindi lahat ng paglilingkod ay may kasamang papuri.
Hindi lahat ng ginagawa mo ay mapapansin.
Hindi lahat ng sakripisyo mo ay maa-appreciate.
At hindi lahat ay makakaintindi sa’yo.
Kaya kung madali kang magtampo, madali ka ring mapagod.
Kapag hindi ka nabati, magtimpi ka.
Kapag hindi nasunod ang gusto mo, magtimpi ka.
Kapag nasabihan ka, magtimpi ka.
Kapag hindi ikaw ang napili, magtimpi ka.
Kapag hindi ka napuri, magtimpi ka.
Pero kapatid...
Ang ministry ay hindi para sa naghahanap ng atensyon.
Ang ministry ay para sa mga handang magpakumbaba.
Sabi ng Biblia:
“Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang reklamo at pagtatalo.” — Philippians 2:14
At sinabi rin ni Pablo:
“Magtiisan kayo sa isa’t isa na may pag-ibig.” — Ephesians 4:2
Dahil sa ministry, may mga pagkakataong masasaktan ka.
May mga hindi pagkakaintindihan.
May mga pagkukulang.
May mga pagkakamali.
Dahil ang simbahan ay hindi binubuo ng mga perpektong tao.
Patuloy pa tayong binabago ng Diyos.
Kaya huwag kang basta aalis dahil nasaktan ka.
Huwag kang titigil dahil hindi ka napapansin.
Huwag mong hayaang mas malaki ang tampo mo kaysa sa calling mo.
Dahil hindi tao ang dahilan kung bakit ka naglilingkod.
Kundi ang Panginoon.
Sinasabi sa Colossians 3:23:
“Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ito nang buong puso na parang sa Panginoon at hindi sa tao.”
Kapatid...
Ang matured na lingkod, hindi madaling matisod.
Hindi madaling sumuko.
Hindi madaling magtampo.
Dahil naiintindihan niya na hindi siya naglilingkod para sa pagkilala ng tao.
Kundi para sa kaluwalhatian ng Diyos.
Kaya kung may nagtutuwid sa’yo, matutong tumanggap.
Kung may hindi pumapansin sa’yo, magpatuloy ka pa rin.
Kung may nakasakit sa’yo, matutong magpatawad.
Dahil ang ministry ay hindi para sa mga sobrang sensitibo sa lahat ng bagay.
Ito ay para sa mga pusong handang magmahal, magpakumbaba, at magpatuloy.
At tandaan mo ito:
Hindi ka makakapaglingkod nang tama kung mas mahal mo ang posisyon kaysa kay Cristo.
Dahil ang tunay na lingkod ay hindi kilala sa pagiging reklamador.
Kundi sa pagiging tapat.
“Maging matatag kayo at huwag sumuko. Lagi kayong magpakasipag sa gawain ng Panginoon.” — 1 Corinthians 15:58
God bless you, kapatid.
Repost from Ptr. Francisco Zapanta