Servorum Mariae Immaculatae

Servorum Mariae Immaculatae Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Servorum Mariae Immaculatae, Religious organisation, Valley Golf, Brgy San Juan, Cainta Rizal, Antipolo.

NOVEMBER 27 — FEAST OF OUR LADY OF THE MIRACULOUS MEDALOn November 27, 1830, the Blessed Virgin Mary appeared to a young...
27/11/2025

NOVEMBER 27 — FEAST OF OUR LADY OF THE MIRACULOUS MEDAL

On November 27, 1830, the Blessed Virgin Mary appeared to a young Sister of Charity in Paris at the rue du Bac. She instructed her to create a medal based on the vision she revealed. Sister Catherine Labouré faithfully carried out this request.

The medal shows the Immaculate Mother of God, her hands open as she pours out graces from heaven, while she crushes the serpent beneath her feet. Around the image is the prayer: “O Mary, conceived without sin, pray for us who have recourse to thee.”

On the reverse side, the medal features the Cross of Calvary intertwined with the letter M for Mary, twelve stars, and the Sacred Hearts of Jesus and Mary.

After its creation, millions of medals were circulated, and countless miracles and conversions were reported—earning it the name “The Miraculous Medal.”

In 1839, following the events at rue du Bac, Pope Gregory XVI approved a feast of the Immaculate Conception for the Diocese of Paris. Later, in 1854, Pope Pius IX solemnly defined the dogma of the Immaculate Conception.

𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗰𝘁:
Domine Jesu Christe, qui beatissimam Virginem Mariam Matrem tuam ab origine immaculatam innumeris miraculis clarescere voluisti: concede, ut ejusdem patrocinium semper implorantes, gaudia consequamur aeterna.

O Lord Jesus Christ, Who wast pleased that the most blessed Virgin Mary, Thy Mother, immaculate from her first conception, should shine resplendent with miracles beyond number: grant, that, ever imploring her patronage, we may attain the joys of everlasting life.

26/10/2025

NB: 𝗧𝗵𝗲𝗿𝗲 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝗻𝗼 𝟭𝟭𝗔𝗠 𝗠𝗮𝘀𝘀 𝘁𝗼𝗺𝗼𝗿𝗿𝗼𝘄. 𝗔𝗹𝗹 𝗮𝗿𝗲 𝗶𝗻𝘃𝗶𝘁𝗲𝗱 𝘁𝗼 𝗷𝗼𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗽𝗿𝗼𝗰𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗳𝘁𝗲𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝟵𝗔𝗠 𝗠𝗮𝘀𝘀.

OLVC's 𝗪𝗲𝗲𝗸𝗹𝘆 𝗕𝘂𝗹𝗹𝗲𝘁𝗶𝗻 for tomorrow, 𝗙𝗲𝗮𝘀𝘁 𝗼𝗳 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁 𝘁𝗵𝗲 𝗞𝗶𝗻𝗴. Download your copy now!

LINK: bit.ly/3L6HMgI

26/10/2025

𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗥𝗜

𝗜𝗻𝘁𝗿𝗼𝗶𝘁𝗼 (𝗔𝗽𝗼𝗰𝗮𝗹𝗶𝗽𝘀𝗶𝘀 𝟱:𝟭𝟮; 𝟭:𝟲)

Karapat-dapat ang Korderong pinatay na tumanggap ng kapangyarihan, ng pagka-Diyos, ng karunungan, ng kalakasan, at karangalan. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang kaharian sa panahon ng mga panahon. (𝗦𝗮𝗹𝗺𝗼 𝟳𝟭:𝟭) Ibigay Mo sa Hari, O Diyos, ang Iyong kahatulan: at ang Iyong katuwiran sa Anak na lalaki ng Hari 𝗩. Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kaparis noong una, ngayo't magpakailanman, at magpasawalang-hanggan. Siya nawa. — Karapat-dapat ...

𝗞𝗼𝗹𝗲𝗸𝘁𝗮

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, na inibig Mong baguhin ang lahat ng bagay sa minamahal Mong Anak, na Siyang Hari ng sandaigdigan: maawaing ipagkaloob Mo na ang lahat ng bayan ng mga hentil, na nasa pagkaalipin ng kasalanan ay sumuko sa Kaniyang maamong pamamahala. Siya na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Diyos Espiritu Santo sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.

𝗘𝗽𝗶𝘀𝘁𝗼𝗹𝗮 (𝗖𝗼𝗹𝗼𝘀𝗮𝘀 𝟭:𝟭𝟮-𝟮𝟬)

Mga kapatid: lagi tayong magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang tayo'y makabahagi sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag. Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. Sa pamamagitan niya ay napalaya tayo, samakatuwid ay pinatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo. Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita. Siya ang panganay na anak at pangunahin sa lahat ng mga nilikha. Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya. Siya ang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan niya. Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pasimula, siya ang panganay na binuhay mula sa kamatayan, upang siya'y maging pangunahin sa lahat. Sapagkat minarapat ng Diyos na ang buo niyang kalikasan ay manatili sa Anak, at sa pamamagitan ng Anak, niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay, maging sa langit o sa lupa ay ipagkasundo sa kanya. Nakamtan ang kapayapaan sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak na inialay sa krus, kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

𝗚𝗿𝗮𝗱𝘄𝗮𝗹 (𝗦𝗮𝗹𝗺𝗼 𝟳𝟭:𝟴, 𝟭𝟭)

Siya'y magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa. 𝗩. At ang lahat ng mga hari sa lupa ay sasamba sa Kaniya: ang lahat ng bansa ay maglilingkod sa Kaniya.

𝗔𝗹𝗲𝗹𝘂𝘆𝗮 (𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 𝟳:𝟭𝟰)

Aleluya, aleluya. Ang Kaniyang kapangyarihan ay isang walang hanggang kapangyarihan, na hindi aalisin sa Kaniya: at ang Kaniyang kaharian ay hindi magigiba. Aleluya.

𝗘𝗯𝗮𝗻𝗴𝗵𝗲𝗹𝘆𝗼 (𝗝𝘂𝗮𝗻 𝟭𝟴:𝟯𝟯-𝟯𝟳)

Noong panahong yaon, tinanong ni Pilato si Jesus. “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Sumagot si Jesus, “Galing ba sa sarili mo ang tanong na iyan, o may ibang nagsabi sa iyo tungkol sa akin?” Tugon ni Pilato, “Sa tingin mo ba'y Judio ako? Ang mga kababayan mo at ang mga punong pari ang nagdala sa iyo rito. Ano ba ang ginawa mo?” Sumagot si Jesus, “Ang kaharian ko'y hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian, ipinaglaban sana ako ng aking mga tauhan upang hindi maipagkanulo sa mga Judio. Ngunit hindi mula sa sanlibutang ito ang aking kaharian!” “Kung ganoon, isa ka ngang hari?” sabi ni Pilato. Sumagot si Jesus, “Ikaw na ang nagsasabing ako'y hari. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan, upang magpatotoo tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa katotohanan.”

𝗢𝗽𝗲𝗿𝘁𝗼𝗿𝘆𝗼 (𝗦𝗮𝗹𝗺𝗼 𝟮:𝟴)

Humingi Ka sa Akin, at ibibigay Ko sa Iyo ang mga bansa na Iyong pinakamana, at ang pinakadulo ng lupa ay Iyong pinakaari.

𝗦𝗲𝗸𝗿𝗲𝘁𝗮

Inihahandog namin sa Iyo, O Panginoon, ang alay ng aming pagkakasundo: ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo, na ang hinahandugan namin ng alay na ito ay Siya ring magbigay sa lahat ng bayan ng mga biyaya ng pagkakaisa at ng kapayapaan, samakatuwid baga'y si Jesucristong Anak Mo ay aming Panginoon, Siya na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Diyos Espiritu Santo sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.

𝗣𝗿𝗲𝗽𝗮𝘀𝘆𝗼 𝗻𝗶 𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗿𝗶

Tunay ngang marapat at matuwid, ukol at nakagagaling ang lagi at saan man ay pasalamatan Ka, O Panginoong banal, Amang makapangyarihan, walang hanggang Diyos: na pinahiran Mo ng langis ng katuwaan ang Iyong Bugtong na Anak na si Jesucristong Panginoon namin, Paring walang hanggan at Hari ng sanlibutan: upang sa pag-aalay Niya ng Kaniyang sarili bilang Ostiyang payapa't walang bahid sa altar ng Krus ay ganapin Niya ang misteryo ng kaligtasan ng sangkatauhan at pagkasakop Niya sa lahat ng nilalang, ay ibigay sa Iyong walang hanggang kadakilaan ang Kaniyang walang katapusang kaharian: kaharian ng katotohanan at buhay, kaharian ng kabanalan at pagpapala, kaharian ng katuwiran, pag-ibig at kapayapaan. Kaya kinakanta naming kasama ng mga Anghel at ng mga Arkanghel, ng mga Trono at ng mga Dominasyon, at ng buong hukbong makalangit ang awit ng Iyong kaluwalhatian, na walang tigil na nagsasabi:

𝗞𝗼𝗺𝘂𝗻𝘆𝗼𝗻 (𝗦𝗮𝗹𝗺𝗼 𝟮𝟴:𝟭𝟬-𝟭𝟭)

Ang Panginoon ay naluluklok na parang Hari magpakailanman: pagpapalain ng Panginoon ang Kaniyang bayan ng kapayapaan.

𝗣𝗼𝘀𝗸𝗼𝗺𝘂𝗻𝘆𝗼𝗻

Pagkatanggap namin ng pagkaing walang-kamatayan ay hinihiling namin sa Iyo, O Panginoon, na kaming sumasailalim ng watawat ni Cristong Hari ay laging magharing kasama Niya sa luklukang makalangit. Siya, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Diyos Espiritu Santo sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.

26/10/2025

For those who would like to sing along with the hymns during today's Christ the King Eucharistic Procession:

https://bit.ly/49jxF1N

07/10/2025
07/10/2025

𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗦𝗜𝗠𝗢 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗥𝗬𝗢

𝗜𝗻𝘁𝗿𝗼𝗶𝘁𝗼

Magalak tayong lahat sa Panginoon sa pagdiriwang natin ng kapistahan sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria: na ang karingalan niya ay ikinatutuwa ng mga anghel, at pinupuri nila ang Anak ng Diyos. (𝗦𝗮𝗹𝗺𝗼 𝟰𝟰:𝟮) Sa aking puso'y bumubukal ang isang salitang mainam: aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa Hari. 𝗩. Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kaparis noong una, ngayo't magpakailanman, at magpasawalang-hanggan. Siya nawa. — Magalak tayong lahat ...

𝗞𝗼𝗹𝗲𝗸𝘁𝗮

O Diyos, na ang Bugtong Mong Anak ay nagkamit para sa amin ng gantimpala ng walang hanggang kaligtasan sa pamamagitan ng Kaniyang buhay, pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli: ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo, na sa pagninilay-nilay namin nitong mga misteryo ng Santo Rosaryo ni Santa Mariang Birhen, may matularan namin ang nalalarawan sa kanila at makamtan ang kanilang ipinangako. Sa pamamagitan ni Jesucristong Panginoon namin, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Diyos Espiritu Santo sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.

𝗘𝗽𝗶𝘀𝘁𝗼𝗹𝗮 (𝗞𝗮𝘄𝗶𝗸𝗮𝗮𝗻 𝟴:𝟮𝟮-𝟮𝟰, 𝟯𝟮-𝟯𝟱)

Ako'y nilikha ng Panginoon, bilang kauna-unahan sa Kaniyang mga gawain, simula ng Kaniyang mga ginawa noong una pa. Mula pa sa walang pasimula'y itinatag na ako, sa mula't mula pa, bago pa simulan ang daigdig. Wala pa ang mga kalaliman ay sumilang na ako. Kaya ngayo'y makinig sana kayo, mga anak ko; mapapalad yaong mga sumusunod sa daan ko. Makinig sa pangaral upang dumunong, at huwag tanggihan ito. Mapalad ang taong nakikinig sa akin, nagbabantay araw-araw sa aking mga pintuan, nagtatanod sa mga hamba ng aking pasukan. Ang makatagpo sa aki'y nakatatagpo ng buhay at nagkakamit ng biyaya ng Panginoon.

𝗚𝗿𝗮𝗱𝘄𝗮𝗹 (𝗦𝗮𝗹𝗺𝗼 𝟰𝟰:𝟱, 𝟭𝟭-𝟭𝟮)

Dahil sa katotohanan at sa kaamuan at sa katuwiran ay ihahatid ka ng kahima-himala ng iyong kanang kamay. 𝗩. Iyong dinggin, O anak na babae, at pagmalasin, at ikiling mo ang iyong pandinig: sapagka't ang Hari ay nabihag ng iyong kagandahan.

𝗔𝗹𝗲𝗹𝘂𝘆𝗮

Aleluya, aleluya. Ito ang kapistahan ng kabanal-banalang Birheng Maria, na mula sa lahi ni Abraham, na ipinanganak sa angkan ni Juda, sa mahal na lipi ni David. Aleluya.

𝗘𝗯𝗮𝗻𝗴𝗵𝗲𝗹𝘆𝗼 (𝗟𝘂𝗰𝗮𝘀 𝟭:𝟮𝟲-𝟯𝟴)

Noong araw na yaon, ang anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lungsod ng Galilea na tinatawag na Nazaret, sa isang birhen na ipinagkasundo na sa isang lalaking nagngangalang Jose mula sa lahi ni David, at ang pangalan ng birhen ay Maria. Pagpasok niya sa kinaroroonan ng babae ay sinabi niya, "Magalak ka, puspos-ng-biyaya, ang Panginoon ay sumasaiyo." Sa mga pangungusap na ito ay nagitla siya at pinag-isip-isipan niya ang maaaring kahulugan ng gayong pagbati. Darapuwa't sinabi sa kaniya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, sapagka't naging kalugod-lugod ka sa mata ng Diyos. Maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki at tatawagin mong Jesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa Kaniya ng Panginoong Diyos ang luklukan ni David na Kaniyang ama, at maghahari Siya sa sambahayan ni Jacob magpakailan man, at walang katapusan ang Kaniyang paghahari." Winika ni Maria sa anghel, "Paano ito mangyayari, gayong wala akong nakikilalang lalaki?" Sumagot sa kaniya ang anghel, "Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan; kaya ang ipanganganak mo ay magiging banal at tatawaging Anak ng Diyos. At tandaan mo, ang kamag-anak mong si Isabel ay naglihi rin ng isang lalaki sa kaniyang katandaan, at yaong tinatawag na baog at nasa ika-anim na buwan niya, sapagka't sa Diyos ay walang bagay na hindi mangyayari." Kaya winika ni Maria, "Narito ang lingkod ng Panginoon. Maganap nawa sa akin ang iyong sinabi."

𝗢𝗽𝗲𝗿𝘁𝗼𝗿𝘆𝗼 (𝗘𝗰𝗰𝗹𝗲𝘀𝗶𝗮𝘀𝘁𝗶𝗰𝗼 𝟮𝟰:𝟮𝟱; 𝟯𝟵:𝟭𝟳)

Nasa akin ang buong biyaya ng daan at ng katotohanan, nasa akin ang buong pananalig sa grasya at sa kabanalan: ako'y nagbungang kaparis ng isang bulaklak sa kaparangan.

𝗦𝗲𝗸𝗿𝗲𝘁𝗮

Ipagkaloob Mo sa amin, O Panginoon, ang biyayang kami'y maging karapat-dapat sa pag-aalay nitong mga handog: at sa pagdidili-dili namin ng buhay, pagpapakasakit at kaluwalhatian ng Bugtong Mong Anak na nalalarawan sa mga misteryo ng Santo Rosaryo, ay makamtan namin ang Kaniyang mga pangako. Sa pamamagitan ni Jesucristong Panginoon namin, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Diyos Espiritu Santo sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.

𝗣𝗿𝗲𝗽𝗮𝘀𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗕𝗶𝗿𝗵𝗲𝗻

Tunay ngang marapat at matuwid, ukol at nakagagaling ang lagi at saanman ay pasalamatan Ka, O Panginoong banal, Amang makapangyarihan, walang hanggang Diyos: at ang purihin, pagpalain at paluwalhatiin Ka sa kapistahan ng laging Birheng si Santa Maria, na ipinaglihi niya ang Iyong Bugtong na Anak lalang ng Espiritu Santo: at bagama't iningatan niya ang kaluwalhatian ng pagkabirhen, ibinigay sa mundo ang walang hanggang Ilaw. Sa pamamagitan Niya'y pinupuri ng mga Anghel ang Iyong kamahalan, sinasamba ng mga Dominasyon, nanginginig ang mga Potestad. Ang langit at ang mga Birtud sa sangkalangitan, at ang mga banal na Serapin ay sama-samang nagdiriwang. Kasama nila'y hinihiling naming tanggapin Mo ang aming mga tinig na buong pagpapakumbabang nagsasabi:

𝗞𝗼𝗺𝘂𝗻𝘆𝗼𝗻 (𝗘𝗰𝗰𝗹𝗲𝘀𝗶𝗮𝘀𝘁𝗶𝗰𝗼 𝟯𝟵:𝟭𝟵)

Mamulaklak kayo na gaya ng liryo at isabog ninyo ang bango, at sumagana kayo sa grasya, awitin ninyo ang dalit at purihin ang Panginoon sa Kaniyang mga gawa.

𝗣𝗼𝘀𝗸𝗼𝗺𝘂𝗻𝘆𝗼𝗻

Kami'y sakluluhan, hinihiling namin sa Iyo, O Panginoon, sa pamamagitan ng Ina ng Diyos, na ang Rosaryo ay aming ipinagdiriwang: upang makamtan namin ang bisa ng mga misteryong aming dinidili-dili, at gayundin naman ang bunga ng mga sakramentong aming tinanggap. Ikaw na nabubuhay at naghaharing kasama ang Diyos Espiritu Santo sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.

07/10/2025

𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟳 | 𝗧𝗛𝗘 𝗠𝗢𝗦𝗧 𝗛𝗢𝗟𝗬 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗥𝗬

When the heresy of the Albigenses was making head against God in the County of Toulouse, and striking deeper roots every day, the holy Dominic, who had but just laid the foundations of the Order of Friars Preachers, threw his whole strength into the travail of plucking these blasphemies up. That he might be fitter for the work, he cried for help with his whole soul to that Blessed Maiden, whose glory the falsehoods of the heretics so insolently assailed, and to whom it hath been granted to trample down every heresy throughout the whole earth. It is said that he had from her a word, bidding him preach up the saying of the Rosary among the people, as a strong help against heresy and sin, and it is wonderful with how stout an heart and how good a success he did the work laid upon him. This Rose-garden (or Rosary) is a certain form of prayer, wherein we say one-hundred-and-fifty times the salutation of the Angel, and the Lord's Prayer between every ten times, and, each of the fifteen times that we say the Lord's Prayer, and repeat tenfold the salutation, think of one of fifteen great events in the history of our Redemption. From that time forth this form of godly prayer was extraordinarily spread about by holy Dominic, and waxed common. That this same Dominic was the founder and prime mover thereof hath been said by Popes in diverse letters of the Apostolic See.

From this healthy exercise have grown up numberless good fruits in the Christian Commonwealth. Among these deserveth well to be named that great victory over the Sultan of Turkey, which the most holy Pope Pius V, and the Christian Princes whom he had roused, won at Lepanto, (on the 7th day of October, the first Lord's Day in the month, in the year of our Lord 1571) The day whereon this victory was gained was the very one whereon the Guildbrethren of the most holy Rosary, throughout the whole world, were used to offer their accustomed prayers and appointed supplications, and the event therefore was not unnaturally connected therewith. This being the avowed opinion of Gregory XIII, he ordered that in all Churches where there was, or should be, an Altar of the Rosary, a Feast, in the form of a Greater Double, should be kept for ever upon the first Lord's Day of the month of October, to give unceasing thanks to the Blessed Virgin, under her style of (Queen of) the (Most Holy) Rosary, for that extraordinary mercy of God. Other Popes also have granted almost numberless Indulgences to those who say the Rosary, and to those who join its Guilds.

In the year 1716, Charles VI, Elect-Emperor of the Romans, won a famous victory over countless hordes of Turks, near Timisoara, in the kingdom of Hungary, upon the day when the Feast of the Dedication of the Church of St. Mary of the Snows was being kept, and almost at the very moment when the Guild-brethren of the most holy Rosary were moving through the streets of Rome in public and solemn procession, amid vast multitudes, all filled with the deepest enthusiasm, calling vehemently upon God for the defeat of the Turks, and entreating the Virgin Mother of God to bring the might of her succour to the help of the Christians. A few days later, (upon the Octave of the Feast of the Assumption,) the Turks raised the siege of Corfu. These mercies Clement XI devoutly ascribed to the helpful prayers of the Blessed Virgin, and that the memory and the sweetness of such a blessing might for all time coming endure gloriously, he extended to the whole Church the observance of the Feast of the most holy Rosary, for the same day and of the same rank, (as it had already been in the places before mentioned.) Benedict XIII commanded the record of all these things to be given a place in the Service-book of the Church of Rome; and Leo XIII, in the most troublous times of the Church and the cruel storm of long pressing evils, by fresh Apostolic letters vehemently urged upon all the faithful throughout the earth the often saying of the Rosary of (the Blessed Virgin) Mary, raised the dignity of the yearly festival, added to the Litany of Loretto the Invocation Queen of the Most Holy Rosary, and granted to the whole Church a special Office for this solemn occasion. Let us all then be earnest in honouring the most holy Mother of God in this form which she liketh so well, that even as the entreaties of Christ's faithful people, approaching her in her Garden of Roses, have so often won her to scatter and destroy their earthly foes, so she may gain for them the victory over their hellish foes likewise.

𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗰𝘁

Deus, cuius Unigenitus per vitam, mortem et resurrectionem suam nobis salutis aeternae praemia comparavit: concede, quaesumus; ut haec mysteria sacratissimo beatae Mariae Virginis Rosario recolentes, et imitemur quod continent, et quod promittunt, assequamur.

O God, Whose only-begotten Son, by His life, death and resurrection, has merited for us the grace of eternal salvation, grant, we beseech You, that, meditating upon those mysteries in the most holy Rosary of the Blessed Virgin Mary, we may imitate what they contain and obtain what they promise.

27/09/2025

𝗔𝘃𝗲 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮! Our Lady of Victories Catholic School will have a 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗢𝗙 𝗠𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦 𝗶𝗻 𝗵𝗼𝗻𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗢𝗨𝗥 𝗟𝗔𝗗𝗬 𝗢𝗙 𝗩𝗜𝗖𝗧𝗢𝗥𝗜𝗘𝗦 (𝗢𝘂𝗿 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗠𝗼𝘀𝘁 𝗛𝗼𝗹𝘆 𝗥𝗼𝘀𝗮𝗿𝘆 - 𝗟𝗮 𝗡𝗮𝘃𝗮𝗹 𝗱𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮) starting on Monday, 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟵 𝘁𝗼 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟱. Intentions submitted for these Masses will be considered as 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀, so don't miss your chance!

You may submit your intentions via email to the school's email address [email protected] (not to the church's email address) and your donations via GCash 09762511002 or via BPI account 2723000397 (Our Lady of Victories Catholic School).

Proceeds will go to OLVCS - Support "Catholic Education as it should be!"

27/09/2025

𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗧𝗢 𝗢𝗨𝗥 𝗟𝗔𝗗𝗬 𝗢𝗙 𝗩𝗜𝗖𝗧𝗢𝗥𝗜𝗘𝗦
𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟴 - 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟲
(𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘴𝘢𝘪𝘥 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘰𝘶𝘳 𝘶𝘴𝘶𝘢𝘭 𝘳𝘰𝘴𝘢𝘳𝘺)

Queen of the Most Holy Rosary, in these times of such brazen impiety, manifest thy power with the signs of thine ancient victories, and from thy throne where thou dost dispense pardon and graces, mercifully regard the Church of Thy Son, His Vicar on earth, and every order of clergy and laity, who are sore oppressed in the mighty conflict. Do Thou who art the powerful vanquisher of all heresies, hasten the hour of mercy, even though the hour of God's justice is everyday provoked by countless sins of men. From me who am the least of men, kneeling before Thee in supplication, do Thou obtain the graces I need to live righteously upon earth and to reign among the just in heaven, while in company with all faithful Christians throughout the world, I salute Thee and acclaim Thee as Queen of the Most Holy Rosary.

V: Queen of the Most Holy Rosary.
R: Pray for Us!

(𝘙𝘦𝘤𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘓𝘪𝘵𝘢𝘯𝘺 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘉𝘭𝘦𝘴𝘴𝘦𝘥 𝘝𝘪𝘳𝘨𝘪𝘯)

(𝘙𝘦𝘤𝘪𝘵𝘦 𝘛𝘩𝘳𝘦𝘦 𝘏𝘢𝘪𝘭 𝘔𝘢𝘳𝘺'𝘴 𝘧𝘰𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘢𝘷𝘰𝘳 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘴𝘬 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘯𝘰𝘷𝘦𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘥 𝘧𝘰𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘱𝘳𝘦𝘴𝘦𝘳𝘷𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘢𝘪𝘵𝘩 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴)

V: Our Lady of Victories R: Pray for Us! (3x)
V: St. Joseph R: Pray for Us! (Once)

07/09/2025

𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟴 | 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗕𝗟𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗩𝗜𝗥𝗚𝗜𝗡 𝗠𝗔𝗥𝗬

Dearly beloved brethren, the day for which we have longed, the Feast-day of the Blessed and Worshipful and Ever-Virgin Mary, that day is come. Let our land laugh and sing with merriment, bathed in the glory of this great Virgin's rising. She is the flower of the fields on which the priceless lily of the valleys hath blossomed. This is she whose delivery changed the nature that we draw from our first parents, and cleansed away their offence. At her that dolorous sentence which was pronounced over Eve ended its course to her it was never said: “In sorrow thou shalt bring forth children.” Gen. iii. 16. She brought forth a Child, even the Lord, but she brought Him forth, not in sorrow, but in joy.

Eve wept, but Mary laughed. Eve's womb was big with tears, but Mary's womb was big with gladness. Eve gave birth to a sinner, but Mary gave birth to the sinless One. The mother of our race brought punishment into the world, but the Mother of our Lord brought salvation into the world. Eve was the foundress of sin, but Mary was the foundress of righteousness. Eve welcomed death, but Mary helped in life. Eve smote, but Mary healed. For Eve's disobedience, Mary offered obedience and for Eve's unbelief, Mary offered faith.

Let Mary now make a loud noise upon the organ, and between its quick notes let the rattling of the Mother's timbrel be heard. Let the gladsome choirs sing with her, and their sweet hymns mingle with the changing music. Hearken to what a song her timbrel will make accompaniment. She saith: “My soul doth magnify the Lord, and my spirit hath rejoiced in God my Saviour. For He hath regarded the lowliness of His hand-maiden, for, behold, from henceforth all generations shall call me blessed for He That is Mighty hath done to me great things.” The new miracle of Mary's delivery hath effaced the curse of the frail backslider, and the singing of Mary hath silenced the wailing of Eve.

(from the Sermons of St. Augustine of Hippo)

𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗰𝘁

Famulis tuis, quaesumus, Domine, caelestis gratiae munus impertire: ut, quibus beatae Virginis partus exstitit salutis exordium; Nativitatis eius votiva solemnitas pacis tribuat incrementum.

Grant unto us thy servants, we beseech thee, O Lord, the gift of thy heavenly grace, unto whom Thou didst give the first sight of a Saviour as the offspring of a Blessed Virgin, and grant that this Feast, which they keep in honour of the same Virgin, may avail them unto the increase of peace.

07/09/2025

𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔

𝗜𝗻𝘁𝗿𝗼𝗶𝘁𝗼 (𝙎𝙚𝙙𝙪𝙡𝙞𝙪𝙨)

Aba po, Inang banal, na nagluwal sa Haring namumuno sa langit at lupa magpakailan man. (𝗦𝗮𝗹𝗺𝗼 𝟰𝟰:𝟮𝟮) Sa aking puso'y bumubukal ang salitang mainam: aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa Hari. 𝗩. Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kaparis noong una, ngayo't magpakailanman, at magpasawalang-hanggan. Siya nawa. — Aba po, Inang banal ...

𝗞𝗼𝗹𝗲𝗸𝘁𝗮

Ipagkaloob Mo sa Iyong mga lingkod, hinihiling namin sa Iyo, Panginoon, ang kaloob na biyayang makalangit: na kung paanong ang pagdadalang-tao ng Mahal na Birhen ay siyang simula ng aming kaligtasan, ang kapistahan nawa ng kaniyang kapanganakan ay magbigay sa amin ng karagdagang kapayapaan. Sa pamamagitan ni Jesucristong Panginoon namin, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Diyos Espiritu Santo sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.

𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗹𝗲𝗸𝘁𝗮 (𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙠𝙖𝙮 𝙎𝙖𝙣 𝘼𝙙𝙧𝙞𝙖𝙣𝙤)

Ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo, makapangyarihang Diyos, na kaming gumugunita sa kamatayan ni San Adriano, Iyong martir, ay mapalakas sa pagmamahal sa Iyong pangalan sa pamamagitan ng kaniyang mga panalangin. Sa pamamagitan ni Jesucristong Panginoon namin, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Diyos Espiritu Santo sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.

𝗘𝗽𝗶𝘀𝘁𝗼𝗹𝗮 (𝗠𝗴𝗮 𝗞𝗮𝘄𝗶𝗸𝗮𝗮𝗻 𝟴:𝟮𝟮-𝟯𝟱)

Ako'y nilikha ng Panginoon, bilang kauna-unahan sa Kaniyang mga gawain, simula ng Kaniyang mga ginawa noong una pa. Mula pa sa walang pasimula'y itinatag na ako, sa mula't mula pa, bago pa simulan ang daigdig. Wala pa ang mga kalaliman ay sumilang na ako, bago pa bumalong ang mga bukal na sagana sa tubig. Bago pa mapanatag ang kabundukan, una pa sa mga burol ako'y sumilang na; samantalang wala pang lupa't mga bukid ni ang unang sangkap ng alabok sa daigdig. Nang itatag ang kalangitan, naroon ako, noong takluban Niya ang ibabaw ng kalaliman; nang pigilin Niya ang mga ulap sa kaitaasan, nang palakasin Niya ang mga bukal ng kalaliman; nang bigyan ng hangganan ang karagatan at nang di sinsayin ng mga tubig ang Kaniyang utos; nang ilatag Niya ang mga patibayan ng lupa. Noo'y kapiling Niya ako, bilang isang manggagawa, ako ang Kaniyang kinalulugdan sa araw-araw, naglilibang sa Kaniyang harapan, naglilibang sa Kaniyang sandaigdigan, at kinalulugdan ang mga anak ng tao. Kaya ngayo'y makinig sana kayo, mga anak ko; mapalad yaong mga sumusunod sa daan ko. Makinig sa pangaral, upang dumunong, at huwag tanggihan ito. Mapalad ang taong nakikinig sa akin, nagbabantay araw-araw sa aking mga pintuan, nagtatanod sa mga hamba ng aking pasukan. Ang makatagpo sa aki'y nakatatagpo ng buhay at nagkakamit ng biyaya ng Panginoon.

𝗚𝗿𝗮𝗱𝘄𝗮𝗹

Pinagpala at kapita-pitagan ka, O Birheng Maria, ikaw na walang dungis sa iyong pagkadalaga ay ginawang Ina ng Tagapagligtas. 𝗩. O Birheng Ina ng Diyos, Siyang ang mundo'y hindi sapat upang Siya'y tangnan, ay nagkulong sa iyong sinapupunan at naging tao.

𝗔𝗹𝗲𝗹𝘂𝘆𝗮

Aleluya, aleluya. Masaya ka, O Mahal na Birheng Maria, at karapat-dapat ng lahat ng pagpupuri; sapagka't mula sa iyo'y sumikat ang araw ng katarungan, si Cristong Diyos natin. Aleluya.

𝗘𝗯𝗮𝗻𝗴𝗵𝗲𝗹𝘆𝗼 (𝗠𝗮𝘁𝗲𝗼 𝟭:𝟭-𝟭𝟲)

Salinlahi ni Jesucristo, na anak ni David, na anak ni Abraham. Naging anak ni Abraham si Isaac, naging anak ni Isaac si Jacob, naging anak ni Jacob si Juda at ang kanyang mga kapatid, naging mga anak ni Juda kay Tamar sina Fares at Zara, naging anak ni Fares si Esrom, naging anak ni Esrom si Aram, naging anak ni Aram si Aminadab, naging anak ni Aminadab si Naason, naging anak ni Naason si Salmon, naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz, naging anak ni Booz kay Rut si Obed, naging anak ni Obed si Jese, at naging anak ni Jese si haring David. Naging anak ni haring David si Solomon sa asawa ni Urias. Naging anak ni Solomon si Roboam, naging anak ni Roboam si Abias, naging anak ni Abias si Asa, naging anak ni Asa si Josafat, naging anak ni Josafat si Joram, naging anak ni Joram si Ozias, naging anak ni Ozias si Joatam, naging anak ni Joatam si Acaz, naging anak ni Acaz si Ezequias, naging anak ni Ezequias si Manases, naging anak ni Manases si Amon, naging anak ni Amon si Josias, naging mga anak ni Josias si Jeconias at ang kanyang mga kapatid nang panahon ng pagkadalang-bihag sa Babilonia. Pagkatapos ng pagkadalang-bihag sa Babilonia, naging anak ni Jeconias si Salatiel, naging anank ni Salatiel si Zorobabel, naging anak ni Zorobabel si Abiud, naging anak ni Abiud si Eliacim, naging anak ni Eliacim si Azor, naging anak ni Azor si Sadoc, naging anak ni Sadoc si Aquim, naging anak ni Aquim si Eliud, naging anak ni Aquim si Eleazar, naging anak ni Eleazat si Matan, naging anak ni Matan si Jacob, at naging anak ni Jacob si Jose, na asawa ni Maria, na naging ina ni Jesus, na pinangalanang Cristo.

𝗢𝗽𝗲𝗿𝘁𝗼𝗿𝘆𝗼

Pinagpala ka, O Birheng Maria, ikaw na nagsilang sa Tagapaglikha ng lahat ng mga bagay; ipinanganak mo Siyang naglikha sa iyo, at nanatili kang birhen magpakailan man.

𝗦𝗲𝗸𝗿𝗲𝘁𝗮

Tulungan nawa kami ng pagkatao ng Iyong bugtong na Anak, Panginoon, Siyang ipinanganak ng isang birhen ay hindi binawasan kundi ay pinaginbanal ang kalinisan ng Kaniyang ina, sa kapistahan ng kapanganakan niya palayain nawa kami ni Jesucristong Panginoon namin mula sa aming mga kasalanan at gawing ang aming hain ay katanggap-tanggap sa Iyo. Siyang nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Diyos Espiritu Santo sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.

𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗸𝗿𝗲𝘁𝗮 (𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙠𝙖𝙮 𝙎𝙖𝙣 𝘼𝙙𝙧𝙞𝙖𝙣𝙤)

Ngayong natanggap Mo na ang aming mga handog at panalangin, hinihiling namin sa Iyo, Panginoon, na linisin nawa kami ng Iyong mga makalangit na misteryo at sa Iyong kaawaan ay pakinggan Mo kami. Sa pamamagitan ni Jesucristong Panginoon namin, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Diyos Espiritu Santo sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.

𝗣𝗿𝗲𝗽𝗮𝘀𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗕𝗶𝗿𝗵𝗲𝗻

Tunay ngang marapat at matuwid, ukol at nakagagaling ang lagi at saanman ay pasalamatan Ka, O Panginoong banal, Amang makapangyarihan, walang hanggang Diyos: at ang purihin, pagpalain at paluwalhatiin Ka sa kapistahan ng laging Birheng si Santa Maria, na ipinaglihi niya ang Iyong Bugtong na Anak lalang ng Espiritu Santo: at bagama't iningatan niya ang kaluwalhatian ng pagkabirhen, ibinigay sa mundo ang walang hanggang Ilaw. Sa pamamagitan Niya'y pinupuri ng mga Anghel ang Iyong kamahalan, sinasamba ng mga Dominasyon, nanginginig ang mga Potestad. Ang langit at ang mga Birtud sa sangkalangitan, at ang mga banal na Serapin ay sama-samang nagdiriwang. Kasama nila'y hinihiling naming tanggapin Mo ang aming mga tinig na buong pagpapakumbabang nagsasabi:

𝗞𝗼𝗺𝘂𝗻𝘆𝗼𝗻

Pinagpala ang sinapupunan ng Birheng Maria na nagdala sa Anak ng walang hanggang Ama.

𝗣𝗼𝘀𝗸𝗼𝗺𝘂𝗻𝘆𝗼𝗻

Pakabahagi namin sa banal na sakramento ngayong taunang kapistahan; ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo, na ito'y makapagbigay sa amin ng tulong kapwa sa kasalukuyan at sa buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ni Jesucristong Panginoon namin, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Diyos Espiritu Santo sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.

𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗼𝘀𝗸𝗼𝗺𝘂𝗻𝘆𝗼𝗻 (𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙠𝙖𝙮 𝙎𝙖𝙣 𝘼𝙙𝙧𝙞𝙖𝙣𝙤)

Ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo, Panginoon naming Diyos, na kaming may kasayahang dumadalo sa pamimintuho sa Iyong mga Banal sa buhay na ito, ay magalak na pagmasdan sila ng walang hanggan sa kalangitan. Sa pamamagitan ni Jesucristong Panginoon namin, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Diyos Espiritu Santo sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.

Address

Valley Golf, Brgy San Juan, Cainta Rizal
Antipolo
1900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Servorum Mariae Immaculatae posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Servorum Mariae Immaculatae:

Share