23/03/2026
Maraming maraming salamat po, Kuya Dani Villanueva, ating former MYA Coordinator, sa isang siksik, liglig, at umaapaw na Juventus na may temang: "Bridging the Generation Gap, Journeying towards Synodality."
Isang napakagandang paalala na tayo, bilang mga kabataan, ay bahagi at parte ng isang katawan — ang Simbahan.
Kanya ding binigyang diin, na tayo bilang youth leaders ay "tulay" sa pagitan ng mga kabataan at ng mga minamanahal nating mga Kura Paroko at Parish Pastoral Council Servers.
At bilang pangwakas, nagbigay rin si Kuya Dani ng mahahalagang suhestyon kung paano higit na mapapalalim ang ugnayan at mapagtitibay ang makabuluhang koneksyon ng kabataan sa kanilang mga tagapaghubog sa parokya.
Muli, maraming salamat po, Kuya Dani, babaunin po namin itong mga aral pauwi sa aming mga parokya! 🙏