02/09/2026
Umagang puno Ng Kalakasan at biyaya Mula sa Panginoon!💪
Napakasarap na bilang may Tiwala sa Diyos ay sinusunod natin ang mga utos Niya dahil alam nating Hindi Niya Tayo pababayaan at lumalago Ang Kanyang Kaharian.
💒Sa Sulat ni Pablo sa mga taga-Corinto, ipinahayag Niya Ang Kanyang lubos na kagalakan sa paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay Ng Kanyang oras at lakas sa pagpapahayag at pag-iimbita sa mga tao na pakinggan ang Mabuting Balita na si Jesu-Cristo, Ang Tagapagligtas.
📖2 CORINTO 4:16-17
16 Kaya't hindi kami nasisiraan ng loob. Kahit na humihina ang aming katawang-lupa, patuloy namang pinalalakas ang aming espiritu araw-araw.
17 Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad.
🌷HINIHINTAY Tayo Ng magandang kinabukasan sa piling ni Jesus.
🌷Gamitin ang mga talento na binigay Niya sa paglilingkod.
🌷Magtiyaga ngayon, aani ng walang kapantay na kagalakan Mula sa Diyos.