Parish Renewal Experience (PREX)
Maikling Kasaysayan
Noong unang taon ng 1970's pinulong ni Fr. Charles Gallagher, S.J ang isang grupo ng mga pari at layko upang magnilay sa "Evangelii Nuntiandi" ni Papa Paulo IV. Habang nagtagal ang talakayan, naging maliwanag sa mga nagpupulong na upang maging matagumpay ang gawain "Evangelization" ang kailangan nito ng "People Focus" o atraksyon sa tao. Kaila
ngan nito ng isang karanasan ng pagbabago o "conversion" na nakatuon sa parokya, ang pinakaunang istraktura ng Simbahang Katoliko at kinakailangan nitong magsimula sa pamilya, ang unang pundasyon ng isang lipunan. Dahil dito, ang grupo ay bumuo ng isang panuntuhan na pangkalahatan tungo sa pagkakaroon ng isang programa na gagawin sa katapusan ng lingo (weekend) na nagsimula si Fr. Gallagher na pasimulan ang isang Parish Renewal Experience sa kanyang diyosesis ng Trenton, New Jersey sa Amerika. Mula noon, ang programa ay kumalat sa mahigit na isang libong parokya sa buong Amerika at Ireland. Mayroon din mahigit na 1,200 na kaparian sa Amerika at humigit kumulang na 600 kaparian sa Ireland ang nakapagsanay na sa pagbibigay ng ganitong Weekend Experience sa kani-kanilang parokya. Mula noon naibigay na ang PREX sa Canada, Australia, New Zealand, England, Fiji at sa Pilipinas. Ang unang PREX sa Pilipinas ay ginanap sa Sanctuario de San Juan Parish sa Forbes Park, Makati na pinamunuan ng Kura Paroko nito na si Fr. Hugh Zurat, OFM ng mga simula nung 1980's. Isa sa mga nagsidalong kaparian sa Baguio City ay ang Kura Paroko ng Good Shepherd Parish, Monsignor Fidelis Limcaco. Di nagtagal, sa pamumuno ni Fr. Limcaco, at tulong ng grupo ng PREX participants sa Forbes Park mula sa kanyang parokya, nabuo ang PREX. Ngayon ang pinakamasagisag na parokya sa pagpapalaganap ng PREX ay ang Good Shepherd Parish, Fairview Park, Quezon City. Sa Fairview lamang ang parokya na nakakapagbigay ng 130 klase ng PREX na ginaganap kada buwan sa loob ng 11 taon. Nakapag apostolado (outreach) na ng mga lider nito sa iba't ibang parokya ng bansa lalo na sa Arkidiyosesis ng Manila, Hilaga, at Silangang Luzon, Bicol at Visayas, Mindanao. Ric Eguia, dating Kura Paroko ng Quasi-Parish of the Immaculate Heart of Mary, ay ibinahagi ang PREX sa mga layko at mga namumuno ng council sa parokya. Si Kuya Isay at Ate Elsa Melegrito ay dumalo sa PREX #128 ng St. Paul of the Cross Parish, SSS Village, Marikina City at naging punlang mag-asawa sa tulong nila Kuya Ernie at Ate Cely Reverente. Email Address: [email protected]
For inquiries/updates about our PREX Classes, send a message to 0905-407-1604. Chair Couple - Kuya Chito and Ate Donna Hadap
Asst. Chair - Ate Mau Reyes
Secretariats - Ate Marj Estrada & Ate Gina Valera