15/08/2026
THE ABSOLUTE TRUTH OF THE GOSPEL?
Roma 1:1-5
PREACHING No.6
(Series:Book of Romans)
June 26, 2026
Gerry Del Rosario
Rom 1:1-5 Si Pablo na ALIPIN ni Jesucristo, na TINAWAG na maging apostol, IBINUKOD sa evangelio ng Dios, 2 Na kaniyang IPINANGAKO nang UNA sa pamamagitan ng kaniyang mga PROPETA sa mga BANAL NA KASULATAN, 3 Tungkol sa KANIYANG ANAK, na ipinanganak sa BINHI NI DAVID ayon sa LAMAN, 4 Na ipinahayag na ANAK NG DIOS na may kapangyarihan ayon sa ESPIRITU NG KABANALAN, sa pamamagitan ng PAGKABUHAY NA MAGULI ng mga patay, sa makatuwid baga'y si JESUCRISTO NA PANGINOON natin,
Manalangin tayo…
PANIMULA:
Ito po ay pagpapatuloy o ikalawang bahagi ng ating huling pag-aaral na pinamagatan nating THE ABSOLUTE TRUTH OF THE GOSPEL.
Kung mapapansin niyo, nasa ika-anim na pag-aaral na tayo sa seryeng ito sa Book of Romans, pero hindi pa rin tayo nakakaalis sa Roma 1:1-7. Bakit? Sapagkat tulad ng pagtatayo ng isang mataas at matibay na gusali, ang paglalagay ng pundasyon ang PINAKAMATAGAL GAWIN. Bakit? Dahil ito dapat ang PINAKA-UNANG PINATITIBAY sapagkat nakasalalay sa tibay ng pundasyon ang magiging kabuuang bigat ng isang gusali.
Gayundin naman, imbis na magmadali tayo, maging matiyaga tayong unawain at himayin ang mga katuruan sa mga unang talatang ito.. na siyang pundasyong magdadala at magpapatibay sa kabuuang katuruan sa 16 na kabanata ng Book of Romans.
Bilang pag-babalik aral mula pa rin sa ating haliging talata sa Roma 1:1-5, itinuturo ni Pablo ang mga pauna ngunit mahahalagang pundasyong katuruan kung ANO NGA BA SENTRONG MENSAHE NG EBANGHELYO?
Maraming modernong kaparaanan ng pagbabahagi o pangangaral ang maririning natin ngayon na hindi nakatuon sa kung ano ang pinakasentrong mensahe ng Ebanghelyo.
Halimbawa, minsan sasabihin nila, “Kung nais mong maging GANAP ang BUHAY MO at magkaroon KA ng mga KATAGUMPAYAN sa buhay, kailangan mong TANGGAPIN SI JESUS”
Maganda man itong pakinggan, pero kung susuriin nating mabuti, hindi ito ang Ebanghelyo. Ang mga pangako ng pansariling kaganapan at katagumpayan sa buhay ay HINDI ang unang nilang dapat MARINIG. Bakit? Dahil hindi iyon ang pinakamahalaga nilang pangangailangan kundi ang kaligtasan sa pamamagitan ni Jesus.
Minsan naman, sasabihin nila, “kung gusto mong GUMALING at mapunan ang lahat ng PANGANGAILANGAN mo sa buhay, kailangan mong tanggapin si Jesus sa buhay mo”
Gusto itong marinig ng marami, ngunit hindi palaging ipinapangako ng Diyos ang kagalingan at pagpapala sa lahat ng tao at sa lahat ng panahon. Hindi rin ito ang Ebanghelyo na dapat nilang sampalatayaan. Maraming pinagaling at pinagpala ang Diyos sa biblia pero HINDI NALIGTAS sapagkat ang hinahanap lang nila kay Jesus ay hindi si Jesus bilang tagapagligtas kundi kung ano lang ang materyal at pisikal na pakinabang ang makukuha nila kay Jesus.
Kung minsan naman may magsasabi, “Kung gusto mong hindi ka na makaranas ng mga PAGSUBOK sa buhay at hindi ka na magkaroon ng mga PROBLEMA, kailangan mong tanggapin si Jesus”
Masarap din itong pakinggan, ngunit walang katotohanan ang ganitong pahayag. Hindi rin ito ang Ebanghelyo. Dahil ang totoo, sa mga naligtas man o hindi, hindi mawawala ang mga pagsubok at problema ng tao habang tayo ay nabubuhay, dahil ito ay kakambal na ng tao. Ngunit sa mga ligtas, di man ipinangako ng Diyos na mawawala ang mga problema, ipinangako naman niya na hindi niya tayo iiwan, ni pababayaan man kahit sa gitna ng mga problema.
Minsan maririnig din natin.. Nais mo bang mapunta sa LANGIT kapag ikaw ay namatay at hindi ka na parusahan ng Diyos sa IMPIYERNO? Tanggapin mo si Jesus sa puso mo sa pamamagitan ng pagsunod sa PANALANGIN NG PAGTANGGAP at SIGURADONG maliligtas ka at magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Pero hindi sapat na malaman lang nila ang tungkol sa langit at impierno dahil itinuturo din ito maging ng mga kulto. Hindi rin ito ang sentrong mensahe ng Ebanghelyo. Hindi rin kailanman itinuro ni Jesus at ng mga apostol sa mga nakikinig na para sila maligtas ay kailangan silang sumunod sa isang panalangin ng pagtanggap.
Nauunawaan natin, na bagamat ang pangangaral na ganito ay may matapat at seryosong pagnanasa na maibahagi ang Mabuting Balita, ngunit ito ang mga mensahe na kadalasang PAUNA nilang sinasabi sa PAG-AAKALANG nila na mas madali nilang mahihikayat ang mga tao na makinig at tanggapin si Cristo.
Ang mga ganitong mensahe ay kadalasang nakasentro lamang sa mga pangangailangan o FELT NEEDS ng mga taong kanilang binabahagian. Ang nakakalungkot, imbis na makatulong… ang mga mensaheng ito ang kadalasang nagbibigay sa kanila ng KALITUHAN sa kung ano ba talaga ang PINAKA SENTRONG MENSAHE ng Ebanghelyo o Mabuting Balita na dapat nilang sampalatayaan.
Kaya ngayon, unawain natin, kung ano ang WALANG PASUBALI, LUBOS AT GANAP NA KATOTOHANAN at MENSAHE ng Ebanghelyo na dapat maunawaan at sampalatayaan ng mga makikinig para sila maligtas? WHAT ARE THE ABSOLUTE TRUTH OF THE GOSPEL?
Sa Roma 1:1-2, matapos ipakilala ni Pablo ang kanyang sarili bilang ALIPIN ni Cristo, ISINUGO at IBINUKOD ni Cristo para ipangaral ang Ebanghelyo ng Diyos, pagdating sa t3, itinuro naman niya kung patungkol KANINO ang Ebanghelyong ito ng Diyos. Muli nating basahin ang t3, patungkol kanino ang Ebanghelyo ng Diyos? Rom 1: 3 TUNGKOL sa KANIYANG ANAK..(huminto muna tayo dito)
Sinasabi ni Pablo na ang Ebanghelyo ay hindi patungkol sa ating SARILI. Hindi patungkol sa kung ano ang FELT NEEDS ng tao o kung ano ang makukuha nating materyal at pisikal na pakinabang kay Jesus.
Tungkol kanino ang Ebanghelyo? Una: Tungkol sa PERSONA o pagkakakilanlan ng kanyang anak na si Jesus at ikalawa, tungkol sa kung ano kanyang GINAWANG PAGLILLIGTAS. The Gospel is believing the.. PERSON and the WORKS of Jesuschrist. Si Jesus mismo ang mensahe ng Ebanghelyo. Siya ang Magandang Balita ng Diyos.
Sinasabi nito sa atin na para maibahagi o maipangaral natin sa iba ang Mabuting Balita ng kaligtasan, kailangan muna nating maunawaan kung SINO si Jesus at ANO ang GINAWA niya dahil ito ang pinaka-sentrong mensahe ng Ebanghelyo na dapat nilang munang MARINIG, MAUNAWAAN at SAMPALATAYAAN upang ituri sila ng Diyos na MATUWID sa kanyang harapan, nang sa ganon, sila ay maligtas.
Ano ang napakahalagang katotohanan at mensaheng nakapaloob sa Ebanghelyo? Ituloy natin ang pagbasa sa t3 Tungkol sa KANIYANG ANAK, (o kay Jesus.. na ano?) na IPINANGANAK sa BINHI NI DAVID ayon sa LAMAN…
Pansinin niyo ang pagkakasunod sunod. “(una)Tungkol sa KANIYANG ANAK (ikalawa) na ipinanganak” . Ibig sabihin, bago pa siya ipanganak sa lahi ni David siya ay ANAK NA NG DIYOS.
Ang katotohanang tinutukoy dito ay ang katuruan ng “Incarnation” o “pagkakatawang tao ng anak ng Diyos” Ibig sabihin, ang ipinangakong Mesias na anak ng Diyos na magiging Tagapagligtas ng Sanlibutan ay isisilang mula sa lahi ni Haring David ayon sa laman. Ibig sabihin ng ayon sa laman… siya ay MAGKAKATAWANG TAO.
Kaya bagamat sinabing si Jesus ay anak na ng Diyos mula pa sa pasimula, si Jesus ay tatawagin ding ANAK NG TAO o SON OF MAN…. Sa katunayan, sa buong Bagong Tipan 85 beses ginamit ang salitang “Anak ng Tao” para tukuyin si Jesus
Ano ang lubos na katotohanan ng ebanghelyo na dapat nating unang maunawaan at sampalatayaan? WHAT IS THE ABSOLUTE TRUTH OF THE GOSPEL..
Para sa unang puntos…
I. JESUS IS THE SON OF MAN
Si Jesus na anak ng Diyos ay nagkatawang tao o naging anak ng tao sa pamamagitan ni David. Bakit mahalaga na maunawaan natin ang katotohanang ito na si Jesus ay magmumula sa lahi ni David?
Sagot: Dahil ipinangako sa Lumang Tipan na ang Mesias na magiging Hari at Tagapagligtas ng Sanlibutan ay magmumula sa …lahi ni haring David.
Sinabi ng Panginoon kay David sa 2 Samuel 7:12-13 Pagkamatay mo, isa sa mga anak mong lalaki ang hahalili sa iyo bilang hari (sino yon? si Solomon) at papatatagin ko ang kanyang kaharian. 13 Siya ang magtatayo ng templo para sa akin, at sa kanyang angkan magmumula (o sa magiging anak ni Solomon magmumula…sino?) ang maghahari sa aking bayan MAGPAKAILANMAN… (si Jesus naman ang tinutukoy dito… dahil siya lang, bilang Diyos ang may kakayahang maghari magpakailanman)
Sa Mat. 1:1 Sinabing si Jesus ay anak ni David, ngunit para lalong patunayan na si Jesus na Mesias ay mula sa lahi ni haring David, maging ang kanyang mga magulang na si Jose at Maria ay parehong nagmula din sa lahi ni Haring David.
Sa Mateo 1:6,16 si Jose na asawa ni Maria ay anak ni Jacob (hindi ni Jacob na anak ni Isaac na anak ni Abraham) kundi ni Jacob na mula sa lahi ni Solomon na anak ni David.
Samantalang sa Luke 3:23, 31, si Maria na Ina ni Jesus ay anak ni Heli na nagmula naman sa mas nakatatandang kapatid ni Solomon na si Nathan na anak din ni David.
Bilang karagdagang patunay, balikan natin ang Rom 1:3 Concerning his Son Jesus Christ our Lord, which was MADE of the SEED of David according to the flesh..
Unawain muna natin ang salitang …which was MADE. Ang salitang “was MADE” ay mula sa griyegong salita na “Ginoma-i” At isa pang ibig sabihin nito ay “to Become” Ibig sabihin siya ay may pinagmulan bago siya maging tao…before he became a man.
Tayo bilang mga tao ay minsan lang ipinanganak at hindi tayo nanggaling sa ibang panahon. Pero si Jesus, bago siya maging tao, siya ay Anak na ng Diyos mula pa sa pasimulang walang hanggan.
Magkaiba ang salitang “ipinanganak na tao” at ang salitang “ginawang tao”. Sa Biblia, kapag may ipinapanganak na tao, ang ginagamit na griyego salita ay “Gennao” at hindi “Ginomai”.
Pero kapag tinutukoy ang kapanganakan ni Jesus ang kadalasang ginagamit ay genomai na ang ibig sabihin ay “was made” o “to become..”
Sa katunayan ang “ginomai” ay ginamit din ni Apostol Juan sa John 1:14 (sinabi niya) NAGING tao ang Salita (..the Word was MADE-ginomai o was made flesh) at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya BILANG KAISA-ISANG ANAK NG AMA. (si Jesus ang tinutukoy niyang Salita na naging tao)
Ganon din ang sinasabi sa Gal. 4:4 But when the fullness of the time was come, God sent forth his Son, MADE (Ginomai) OF A WOMAN..
Bakit sinabing si Jesus ay naging tao.. Bakit imbis na sabihin lang na “ipinanganak na tao” ang salitang ginamit ay “naging tao”? Saan nagmula si Jesus?
Basahin natin yung konteksto John 1:14: Sa John 1:1 Nang pasimula.. (o mula pa sa pasimulang walang hanggan..ay ano?) ay naroon na… (saan? naroon na sa pasimula o sa pasimulang Sino?) …naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, (Ibig sabihin, hindi nag-iisa ang Diyos mula pa sa pasimula. May kasama siya. Sino? Ang salita. Ngunit hindi lang sinabi na ang Salita ay mula pa sa pasimula at kasama ng Diyos kundi..ano ang kasunod?) at ang Salita ay Diyos.
Ngunit sino ang tinutukoy na salita na Diyos, na naroon na at kasama na ng Diyos mula sa pasimulang walang hanggan? Saka sinabi sa t14 Naging tao ang Salita.. (sino siya?) ang kaisa-isang Anak ng Ama na si Jesus…
Hindi sinabing “ipinanganak ang salita” kundi “Naging tao ang salita”
Kaya bagamat sinasabi nating si Jesus ay tao tulad ng itinuturo ng Iglesia ni Cristo, ngunit maling ituro na si Jesus ay TAO LANG sa halip siya ay NAGING TAO…na ang ibig sabihin nagmula siya sa pagiging anak ng Diyos.
Kaya si Jesus na anak ng Diyos ay nagkatawang tao, naging anak ni Maria at ng karpinterong si Jose, naging isang Judio at naging isa ring hari na anak ni David. Ang anak ng Diyos ay 100% na naging tao.
WHAT IS THE ABSOLUTE TRUTH OF THE GOSPEL..na dapat nating paniwalaan? Point #1:JESUS IS THE SON OF MAN. Hindi lang siya tao kundi mula sa pagiging anak ng Diyos, siya ay naging tao.
At para sa ikalawang puntos t3 Tungkol sa KANIYANG ANAK, na (una) ipinanganak sa BINHI NI DAVID ayon sa LAMAN, 4 Na.. (ikalawa..) ipinahayag na ANAK NG DIOS… (ano raw) ANAK NG DIOS…
Sa katunayan, sa buong Bagong Tipan 47 beses ginamit ang salitang “Anak ng Diyos” para tukuyin si Jesus
WHAT IS THE ABSOLUTE TRUTH OF THE GOSPEL..
Point #1 Jesus is the SON OF MAN
Point #2…
II.JESUS IS THE SON OF GOD
Si Jesus ay hindi lang 100% na naging tao kundi 100% din na Diyos.
Bagamat ang relasyon ng AMANG DIYOS kay Jesus, ay bilang ANAK. Ngunit hindi sila katulad ng relasyon ng mga mag-ama dito sa lupa. Sa paanong paraan sila hindi katulad ng sinomang mag-ama sa lupa?
Una, dito sa lupa, ang ating mga tatay ay NAUNA sa atin bago tayo maging anak. Ngunit si Jesus na anak ay NANDOON na sa piling ng Ama mula sa simulang walang hanggan.
Ikalawa, dito sa lupa, ang anak ay bunga ng relasyon sekswal ng Ama sa kanyang Ina. Ganito ang itinuturo ng mga Mormons, na si Jesus diumano ay anak bilang bunga ng relasyong sekswal ng Diyos Ama sa isang babae na diumano ay diyos din. Ngunit si Jesus ay hindi ganon.
Ikatlo, dito sa lupa, ang anak ay mas mababa sa kanyang Ama. Ngunit si Jesus at ang Ama ay PANTAY sa kanilang kalikasan bilang Diyos.
Bilang patunay, Sa John 1:14 And the Word was made flesh, and dwelt among us, (and we beheld his glory, the glory as of the ONLY BEGOTTEN of the Father,) full of grace and truth. Ganun din ang sinasabi sa John 3:16
Ang salitang Only Begotten ay mula sa griyegong salita na “Monogenes”. Ang ibig sabihin ng “Mono” ay ONLY ONE o UNIQUE o KAISA siya ng Ama. Saan? Sa “GENES” na ang ibig sabihin ay “KIND” “URI” o “KALIKASAN”
Dahil kung ang uri o kalikasan ng ating mga ama sa lupa ay tao, ang uri o kalikasan natin na kanilang mga anak ay tao rin. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sinabing tayo ay nilikha sa wangis ng Diyos. Dahil kung ang uri o kalikasan ng Ama ay Diyos, ang uri o kalikasan ni Jesus bilang anak ay Diyos din.
Kaya ang ibig sabihin ng “MONOGENES” Iisa sila ng KALIKASAN NG AMA. Kung ano ang Ama ay gayundin ang anak. Kung Diyos ang Ama Diyos din ang Anak.
Bagamat tayo ay tinatawag din na mga anak ng Diyos pero hindi tayo tinatawag na MONOGENES dahil tanging si Jesus lang ang tinatawag na WALANG KATULAD o THE ONLY BEGOTTEN SON OF GOD.
Bukod dito, napakaraming hula sa Lumang Tipan na nagpapatunay na si Jesus bilang Mesias ay hindi lang tao kundi Diyos.
Sa Isaias 7:14 Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: (ano raw ang palatandaan nang darating na Mesias) Maglilihi ang isang dalaga (Una, ipapanganak siya ng isang Virgin o Dalaga. Kaya si Jesus ay hindi mula sa punla ni Jose kundi Lalang ng Espirito Santo ) at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel..
Ang Ibig sabihin ng Emmanuel ay Sumaatin ang Diyos o God with us. Ngunit sino ang Diyos na tinutukoy dito na isisilang ng isang dalaga at mananahan sa ating kalagitnaan? SI JESUS!
Ganun din ang sinasabi sa Isaias 9:6 Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, (tatawaging) Makapangyarihang (ano?) Diyos…
At maging sa Bagong Tipan, bukod sa katuruang atin ng naunawaan kanina sa John 1:1, 14 na si Jesus ang salita na nagkatawang tao, na naroon na at kasama na ng Diyos Ama mula sa pasimulang walang hanggan, na ang salita ay hindi lang kasama ng Diyos mula sa pasimula kundi.. ang salita ay Diyos.
Mismong si Jesus ang nagpapatunay na siya ay kapantay ng Ama. Sinabi sa John 5: 18 Lalo namang pinagsikapan ng mga Judio na ipapatay siya, sapagkat hindi lamang niya nilabag ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga, sinasabi pa niyang (o Sinasabi ni Jesus) ang Diyos ang kanyang Ama, at sa gayon ay IPINAPANTAY ang kanyang sarili sa Diyos.
Sa John 8:58-59 Sumagot si Jesus, “Pakatandaan ninyo: bago pa ipinanganak si Abraham, ‘Ako ay Ako Na’.. (Nang sinabi ito ni Jesus, si Abraham ay mahigit sa isang libong taon ng namamatay, ngunit sinabi ni Jesus, wala pa si Abraham siya bilang Diyos na mula pa sa pasimula ay nandoon na. kaya ano ang ginawa ng mga Judio?) 59 Nagsidampot sila ng bato upang siya'y batuhin… Bakit? Dahil sa batas ni Moises, ang sabihin ninuman na siya ay Diyos o kapantay ng Diyos, ito ay isang paglapastangan sa Diyos na may kaparusahan ng kamatayan. Kaya dumampot sila ng bato para batuhin si Jesus.
Inulit pa ito ni Jesus sa John 10:30-31 Ako at ang Ama ay IISA.”31 Muling dumampot ng bato ang mga Judio upang batuhin si Jesus…Bakit? Dahil nauunawaan nila ang gustong ipahiwatig ni Jesus na siya ay kapantay ng Diyos Ama.
Maging ang mga apostol ay nagpapatunay na si Jesus ay Diyos. Sinabi ni Pablo sa Filipos 2:5-7 Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.6 Kahit taglay niya… (ang alin? ano ang taglay niya?) ang KALIKASAN NG DIYOS, (ibig sabihin siya ay Diyos sa kalikasan niya. At kahit siya ay Diyos, para lang tayo iligtas, ano ang ginawa niya..) hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.7 Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging KAPANTAY NG DIYOS, at namuhay na isang alipin…( o naging tao siya)
Sinabi naman ni Apostol Juan sa 1 Juan 5:20 At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng PANG-UNAWA (pang unawa upang ano?) upang makilala natin ang TUNAY NA DIYOS (at sino ang tunay na Diyos?) at tayo'y nasa tunay na Diyos sa kanyang ANAK NA SI JESU-CRISTO.(nilinaw pa niya) Siya ang TUNAY NA DIYOS at BUHAY NA WALANG HANGGAN..
Ngunit hindi lang ang mga propeta, si Jesus at ang mga apostol ang nagpapatunay na si Jesus ay Diyos kundi mismong ang Ama Sa Hebreo 1:6,8 At nang isusugo na ng Diyos ang kanyang panganay na Anak sa sanlibutan (sino iyon ? Si Jesus..) ay sinabi niya, “Dapat siyang SAMBAHIN ng lahat ng mga anghel ng Diyos. (Bakit? Si Jesus ay Diyos dahil ang Diyos lang ang dapat sambahin. At bilang patunay..ituloy natin ang sinabi ng Ama sa t8) 8 Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya (o sinabi ng Amang Diyos),“Ang iyong trono, O DIYOS…(tinawag ng Ama ang anak niyang si Jesus na Diyos)“Ang iyong trono, O DIYOS…ay magpakailan pa man.. Ibig sabihin ang paghahari ni Jesus bilang Diyos ay walang hanggan..
Kaya kung ang pagiging Diyos ni Jesus ay pinatunayan ng mga propeta sa Lumang Tipan, kung ito ay pinatunayan ni Jesus at ng mga apostol at kung ito ay pinatunayan ng Amang Diyos, SINO TAYO PARA HINDI ITO SAMPALATAYAAN.
WHAT IS THE ABSOLUTE TRUTH OF THE GOSPEL..
Point #1:JESUS is the SON OF MAN
Point #2:JESUS is the SON OF GOD
At para sa ikatlong puntos, muli nating basahin ang t4 Na ipinahayag na ANAK NG DIOS na may kapangyarihan ayon sa ESPIRITU NG KABANALAN, sa pamamagitan ng PAGKABUHAY NA MAGULI ng mga patay, sa makatuwid baga'y si JESUCRISTO NA PANGINOON natin.. JESUS CHRIST OUR LORD
Sa katunayan, sa buong Bagong Tipan, mahigit sa 100 beses ginamit ang salitang “Lord Jesus” para tukuyin si Jesus.
Sinasabi dito na dapat nating kilalanin si Jesus hindi lang bilang SON OF MAN, bilang SON OF GOD kundi kilalanin din siya bilang si JESUCRISTO NA PANGINOON natin..Point #3..
III.SAVIOR AND LORD
Bakit siya tinawag na …JESUS CHRIST our LORD? Matapos natin kilalanin kung SINO si Jesus bilang ANAK NG TAO at ANAK NG DIYOS, dapat din natin alamin kung ANO ang GINAWA niya para sa atin.
Nang isisilang na si Jesus, sinabi ng anghel kay Jose na asawa ni Maria sa Mt 1:21 Magsisilang siya ng isang batang lalaki at JESUS ang ipapangalan mo sa sanggol (bakit at ano ang ibig sabihin ng pangalang Jesus..ituloy natin ang pagbasa) …sapagkat ILILIGTAS NIYA ang kanyang bayan (saan?) sa kanilang mga KASALANAN.” Jesus is our Savior from SIN.
Alam natin na maaaring pang magkasala ang isang naligtas na, ngunit hindi siya nagpapatuloy sa kasalanan.. Ngunit ang sinumang nagsasabi na siya ay ligtas na ngunit siya ay nagpapatuloy sa walang patid na pamumuhay bilang alipin ng kasalanan, hindi siya tunay na naligtas.
Bukod sa tinawag si Jesus na Tagapagligtas, idinugtong din sa pangalan niya ang titulong CRISTO sa salitang griyego o MESIAS sa salitang Hebreo.
Ang ibig sabihin ng Cristo o Mesias ay pinahiran o anointed by God. Sa Lumang Tipan tatlong uri lang ng tao ang pinapahiran ng langis bilang katibayan na sila ay pinili ng Diyos. Una ang punong saserdote, ikalawa, ang propeta ng Diyos at ikatlo, ang haring pinili ng Diyos.
Sa Bagong Tipan si Jesus ang pinili ng Diyos na Mesias o Cristo. Sa kanya lang naganap ang 3 posisyong ito bilang isang propeta, punong saserdote at haring pinili ng Diyos.
Si Jesus ay propeta hindi lang bilang Tagapagsalita ng Diyos kundi siya mismo ang Salita ng Diyos. Ito ang isa sa kanyang mga ginawa, nangaral siya bilang mismong salita ng Diyos.
Siya rin ang Punong Saserdote, at ano ang GINAWA niya? Hindi lang siya nag-alay ng handog kundi inihandog niya mismo ang SARILI niya para sa kapatawaran ng kasalanan.
At siya rin ang Hari na magmumula sa lahi ni Haring David na maghahari sa kaharian ng Diyos magpakailanman. Ano ang GINAWA niya bilang hari. Ginapi niya sa krus ang kapangyarihan ng kasalanan at ni Satanas.
Si Jesus na ANAK NG DIYOS ay NAGKATAWANG TAO upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus ay MAILIGTAS NIYA TAYO SA KASALANAN.
Bakit napakahalaga na maunawaan at sampalatayaan natin hindi lang ang pagkakatawang tao ni Jesus kundi kung ano ang GINAWA ng siya ay magkatawang tao?
Una, dapat nating maunawaan na ang hinihinging kabayaran ng batas ng Diyos sa ating mga kasalanan ay kamatayan (Roma 6:23) Kaya ang lahat ng tao ay namamatay sa pisikal at kung walang magliligtas sa atin… ay nakatakda rin tayong parusahan sa impiyerno
Ngunit dahil tao ang nagkasala, tao din ang dapat magligtas sa atin at magbayad ng kasalanan.
Kung paanong sa Lumang Tipan, ang bawat tupa na iaalay para sa kapatawaran ng kasalanan ay dapat na walang kapintasan. Kaya ang dapat na mamatay para para mabayaran ang kasalanan ng tao ay tao rin na walang kasalanan. Kaya hindi anghel ang ipinadala ng Diyos.
Kaya lang ang problema, walang sinumang tao ang maaaring mamatay para bayaran at mapatawad ang kasalanan ng tao. Bakit? Dahil lahat ng tao ay nagkasala (Roma 3:23)
Ngunit dahil sa habag at mayamang biyaya ng Diyos, para may magbayad sa kasalanan ng tao, kailangan ipadala niya si Jesus, ang Anak ng Diyos para magkatawang tao o maging tao dahil siya lang ang walang kasalanan na maaaring mamatay sa krus bilang KAHALILI o SUBSTITUTE ng tao upang mabayaran ang ating mga kasalanan. At ito ang kanyang GINAWA na dapat nating sampalatayaan
Kaya kung ang paniniwalaan lang natin tulad ng itinuturo ng ibang relihiyon na si Jesus ay HINDI RAW DIYOS na nagkatawang tao, kundi TAO LANG, samaktwid, may kasalanan din siya kung siya ay tao lang. At dahil doon, hindi siya KWALIPIKADO na maging Tagapagligtas. Hindi niya magagawang bayaran ang ating mga kasalanan at hindi niya tayo magagawang iligtas. Ngunit salamat sa Diyos dahil si Jesus ay HINDI TAO LANG KUNDI DIYOS NA NAGKATAWANG TAO.
Kaya napakahalaga na maituro natin na ang Jesus na ipinapangaral natin ay hindi lang basta tao kundi Diyos na walang kasalanan at may KAKAYAHANG MAGLIGTAS, Diyos na nagkatawan tao at hindi tao lang.
Ikalawang mahalagang bagay sa pagkakatawang tao ni Jesus, kung si Jesus na anak ng Diyos ay hindi magkakatawang tao, hindi siya mamatay sa krus..bakit? Dahil hindi namamatay ang Diyos. At kung hindi mamamatay si Jesus sa krus, walang magbabayad sa kasalanan ng tao at tayong lahat ay mapapahamak sa walang hanggan na kaparusahan ng kasalanan sa impierno.
Kaya kung sasampalatayaan mong si Jesus ay hindi lang tao kundi anak ng Diyos na nagkatawang tao o naging tao, (upang ano?) upang MAGAWA niyang mamatay sa krus bilang kahalili natin para bayaran ang ating mga kasalanan, patatawarin at ililigtas tayo ng Diyos…
Bukod sa ginawa ni Jesus sa kanyang pagkakatawang tao, napakahalaga na sampalatayaan rin natin ang GINAWA ni Jesus bilang Diyos? Ano yon?
Una, kung si Jesus ay hindi Diyos, hindi niya magagawang DALHIN SA KANYANG BALIKAT ang PARUSA AT GALIT ng Diyos sa lahat ng kasalanan ng bilyong tao na nabuhay sa lahat ng panahon na kanyang ililigtas.
Ikalawa, kung si Jesus ay tao lamang at hindi Diyos, hindi niya magagawang buhayin ang sarili niya mula sa kamatayan?
Balikan natin ang ating haliging talata. Roma 1:4 Na ipinahayag na ANAK NG DIOS (bakit daw siya ipinahayag na anak ng Diyos) na may kapangyarihan (anong kapangyarihan?) ayon sa ESPIRITU NG KABANALAN, sa pamamagitan ng.. PAGKABUHAY NA MAGULI ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin.
Sinasabi dito na ang katibayan na siya ay Diyos ay dahil may kapangyarihan siya na buhayin ang sarili niya mula sa mga patay. Ang Diyos lang ang makakagawa noon.
Sinabi ni Jesus sa John 10:18 Walang makakakuha ng aking buhay; KUSA KO ITONG IBINIBIGAY. (Ibig sabihin, namatay si Jesus hindi lang dahil pinahirapan siya at ipinako sa krus kundi dahil KUSA niyang ibinigay ang kanyang buhay) Mayroon akong kapangyarihang ibigay ito at… mayroon akong kapangyarihang KUNIN ITONG MULI. (ibig sabihin ay buhaying muli ang sarili niya mula sa mga patay)
Kaya nga sinaabi sa 1 Cor.15: 17 At kung hindi muling binuhay si Cristo, kayo'y nananatili pa sa inyong mga KASALANAN (ibig sabihin, kung hindi binuhay ni Jesus ang sarili niya, katibayan iyon na hindi niya nagawang bayaran ang ating kasalanan) at walang katuturan ang inyong pananampalataya. 18 Hindi lamang iyan, lilitaw pa na ang lahat ng mga namatay na sumampalataya kay Cristo ay napahamak… (o hindi tayo totongo naligtas kung hindi binuhay ni Jesus ang sarili niya)
Ngunit dahil si Jesus ay Diyos na may kapangyarihang buhayin ang sarili niya ayon na rin sa sinabi niya, nagkaroon tayo ng kasiguruhan na tinanggap ng Diyos ang alay niyang buhay bilang kabayaran ng ating kasalanan. At katibayan iyon na may kapatawaran sa sinumang nanampalataya na si Jesus ay Diyos.
Bukod dito, si Jesus ay hindi lang tinatawag na JESUS CHRIST kundi siya rin ay LORD o panginoon.
Kaya si Jesus ay hindi lang natin dapat ipangaral bilang SAVIOR o Tagapagligtas kundi siya din ay LORD o Panginoon na dapat nating pagpasakupan ng ating buhay.
Hindi maaaring sampalatayaan lang natin si Jesus bilang SAVIOR na magliligtas sa atin sa kaparusahan sa impierno at pagkatapos ay patuloy tayong mamumuhay sa kasalanan na walang pagpapasakop sa kanya bilang ating LORD o Panginoon na dapat pagpasakupan at pagsukuan ng ating buhay.
Hindi natin maaaring HATIIN ANG PERSONA NI JESUS o ipangaral at tanggapin lang nating siya bilang tagapagligtas ngunit hindi bilang panginoon. Bakit?
Ano ang sabi sa Rom 10:9 ..if you CONFESS with your mouth that JESUS IS… LORD and BELIEVE IN YOUR HEART that God raised him from the dead, (what will happen?) YOU WILL BE SAVED…
Dapat nating maunawaan na ang salitang CONFESS dito ay hindi simpleng paghahayag sa bibig. Ito ay mula sa griyegong salita na HOMOLEGIO na ang ibig sabihin ay paggawa ng Tipan o Kontrata tulad ng pagpapahayag ng Tipan ng mga ikinakasal.. Hindi ito simpleng I DO kundi nangangako kang SUSUNDIN mo siya bilang Panginoon na dapat ng masunod sa buhay mo.
ANONG SINASABI NITO SA ATIN? Sinasabi nito sa atin na kung nais nating ibahagi sa iba o ipangaral ang Mabuting Balita ng kaligtasan, kailangang tulungan nating ipaunawa sa ating binabahagian kung SINO SI JESUS, na siya ay Diyos na nagkatawang tao at hindi lang tagapagligtas, kundi LORD o Panginoon na siya nang masusunod sa buhay natin.
Kaya ang sinumang kumikilala at sumasampalataya kay Jesus bilang Tagapagligtas ay dapat din kinikilalanin, sampalatayaan at ipakilala siya bilang LORD o Panginoon na dapat nating pagsukuan at pagpasakupan ng buhay natin…
Ibig sabihin, hindi niya lang kinikilala si Jesus na tagapagligtas kundi pinagsisihan, kinamumuhian at tinatalikuran niya rin ang kasalanan at ang nasusunod sa ating buhay ay hindi na ang ating sarili, ang kasalanan at si satanas, kundi si Jesus.. na iyong panginoon.
At ito ang mensahe ng Mabuting Balita na kailangang maunawaan at panampalatayaan ng sinuman tao na ating babahagian. Ang PERSONA ni Jesus bilang Diyos na nagkatawang tao at bilang tagapagligtas at panginoon at ang GINAWA niya pagliligtas sa krus at muling pagkabuhay.
Ano ang lubos na katotohanan ng ebanghelyo na dapat nating sampalatayaan at ibahagi sa iba? WHAT IS THE ABSOLUTE TRUTH OF THE GOPEL..
I. JESUS IS THE SON OF MAN
II.JESUS IS THE SON OF GOD
III.JESUS IS THE SAVIOR & LORD
Manalangin tayo…