Harvester - San Jose Antipolo

Harvester - San Jose Antipolo Purpose: To Love God and To Love His People

21/04/2026
See you po.
02/12/2025

See you po.

🔥 Final Regional Conference of the Year! 🔥

Experience fellowship, revelation, and transformation in our last gathering for the year. Come expectant for breakthrough, unity, and fresh fire!

📍 GT Toyota Asian Center
📅 December 6, 2025 | 8AM – 3PM

1 Tesalonica 4:16-17"Sa araw na iyon ay maririnig ang tinig ng arkanghel at ang tunog ng trumpeta ng Diyos, at ang Pangi...
23/11/2025

1 Tesalonica 4:16-17

"Sa araw na iyon ay maririnig ang tinig ng arkanghel at ang tunog ng trumpeta ng Diyos, at ang Panginoon mismo ay bababâ mula sa langit na sumisigaw. At ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna. Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin siya magpakailanman."

Sa isang kisap-mata, sa huling pag ihip ng trumpeta, muling babalik ang ating Panginoong Hesus upang kunin at salubungin ang Kanyang mga anak. Ang pagbalik ni Kristo ay magaganap nang walang babala. Hindi ito isang kathang-isip, kundi isang tiyak na pangako. Ang hamon ay hindi tungkol sa kung kailan ito mangyayari, kundi kung sino ang makakasama at kung sino ang maiiwan.

Sa gitna ng iyong pang araw-araw na buhay, sapat na ba ang iyong pananampalataya kay Kristo upang makatiyak na kabilang ka sa mga aakyat sa langit, o mananatili ka ba sa lupa at haharapin ang mga pagsubok na kasunod? Huwag mong hayaang mapabilang ka sa mga maiiwan. Huwag mong hayaang madatnan ka ni Hesus na nanlalamig sa iyong pananampalataya. Huwag mong ipagpalit ang walang hanggang kaligayahan na kasama ang Diyos sa pansamantalang kasiyahan ng mundo.

Mahirap maiwan; huwag kang mag pabaya!

🙏🙏🙏
09/11/2025

🙏🙏🙏

As approaches, let us all remain vigilant, prepare, and take all necessary precautions as early as now. Above all, let us lift our prayers for everyone’s safety and keep our hearts anchored in Him. Our God is mighty to save—He delights in us, quiets us with His love, and covers our nation with His protection. Indeed, there is no storm greater than the power of our God. 🙏🏻

Ang Kaligtasan ay isang libreng kaloob mula sa Diyos, na matatanggap lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-K...
03/11/2025

Ang Kaligtasan ay isang libreng kaloob mula sa Diyos, na matatanggap lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo, hindi sa mabubuting gawa. Kapag tayo ay naligtas, tayo ay pinatawad na sa kasalanan, binigyan ng bagong buhay at kalikasan, at may katiyakan ng buhay na walang hanggan kasama ang Diyos. Ito ay nangangailangan ng pagsuko at ganap na pagpapasakop sa pamumuno ni Kristo.

Hindi na natin dapat hintayin ang bukas para humingi ng kapatawaran at makamit ang kaligtasan dahil baka maging huli na ang lahat. Kapag binigyan tayo ng Diyos ng pagkakataon na tanggapin ang kaligtasan, kunin na natin ito dahil baka hindi na ulit dumating ang pagkakataon na iyon.

Tinatawag na tayo ng Diyos ngayon. Hindi na natin dapat hintayin ang araw na tayo ay magsisi dahil sa panahon na iyon ay baka wala nang pag asa. Ihandog mo na ang iyong buhay kay Kristo ngayon dahil ngayon ang iyong araw ng kaligtasan.

Thank you Pastors and Leaders for your continuous and unwavering love, support and prayers. We appreciate you and may Go...
28/10/2025

Thank you Pastors and Leaders for your continuous and unwavering love, support and prayers. We appreciate you and may God continue to bless, strengthen and guide you always. ✝️❤️🔥

Si Hesus lamang ang tanging daan, katotohanan, at buhay patungo sa Diyos at walang hanggang kaligtasan, ayon sa Bibliya....
26/10/2025

Si Hesus lamang ang tanging daan, katotohanan, at buhay patungo sa Diyos at walang hanggang kaligtasan, ayon sa Bibliya.

Tanging Siya lamang ang Tagapagligtas, Tagapamagitan, at pinagmumulan ng buhay na walang hanggan dahil sa Kanyang kamatayan sa krus para sa ating mga kasalanan.

Matatanggap ang kaloob na ito sa pamamagitan ng pagkilala sa ating mga kasalanan, pagsisisi, pananampalataya sa biyaya ni Hesus, at pagtanggap sa Kanya bilang Panginoon at Tagapagligtas.

PANALANGIN PARA SA KALIGTASANPanginoong Hesus, lumalapit po ako sa Iyo na may pananampalataya na Ikaw ay ipinadala ng Di...
21/10/2025

PANALANGIN PARA SA KALIGTASAN

Panginoong Hesus, lumalapit po ako sa Iyo na may pananampalataya na Ikaw ay ipinadala ng Diyos bilang handog para sa aking mga kasalanan. Naniniwala po ako sa Iyong ginawa sa Krus. Naniniwala rin ako na Ikaw ay nabuhay mula sa libingan; Ikaw ay buhay. Tinatanggap Kita bilang aking Panginoon at sariling Tagapagligtas. Panginoong Hesus, inamin ko na ako ay makasalanan. Patawarin Mo po ako at linisin. Panginoong Hesus, pumasok Ka po sa aking puso, at sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, manirahan Ka sa aking kalooban. Mula ngayon, susunod at paglilingkuran Kita. Panginoong Hesus, isulat Mo po ang aking pangalan sa Aklat ng Buhay. Salamat, Panginoon, dahil Sayo, ako ay naligtas… dahil sa Iyo, ako pinatawad… dahil sa Iyo, ako ngayo’y naging anak na ng Diyos… dahil sa Iyo, ako ngayon ay mamamayan na ng langit at hindi na mapupunta sa impyerno. Mula ngayon, ipinagkakatiwala ko na po sayo ang aking buhay at laging susundin ang Iyong kalooban. Sa Pangalan mo, Hesus ito po ang aking dalangin na may pasasalamat, Amen.

Mga Hebreo 9:27“ Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom.”Pagkatapos ng kamatayan, ...
12/10/2025

Mga Hebreo 9:27
“ Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom.”

Pagkatapos ng kamatayan, haharap ang bawat tao sa paghuhukom ng Diyos. Doon ipapasiya kung ang kaluluwa ay mapupunta sa langit o impiyerno. Ang impiyerno ay lugar ng walang hanggang kaparusahan, habang ang langit ay tahanan ng Diyos na puno ng kapayapaan. Kaya’t habang may buhay pa, dapat tayong maghanda sa pamamagitan ng pagtanggap sa mensahe ng kaligtasan at pamumuhay ayon sa kalooban ng Diyos.


Address

Sitio Townville Tagbac, Brgy. San Jose
Antipolo
1870

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Harvester - San Jose Antipolo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category