25/05/2026
Martes. 05/26/26
PAGNILAYAN NATIN:
Ang matuwid na landas ay patungo sa buhay, ngunit ang maling daan ay hahantong sa kamatayan.
Kawikaan 12:28
SAAN KA DADAAN?
Ang bawat tao ay binigyan ng Diyos ng kalayaang pumili, ang dumaan sa matuwid na landas na gumagawa at lumalaban ng parehas o ang dumaan sa maling landas na baluktot at di makatarungan. Nais ng Diyos na piliin natin ang dumaan sa matuwid.
1. MAG-INGAT SA PAGPILI.
May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito.
Kawikaan 14:12
2. PILIIN ANG DAAN NG BUHAY.
Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo'y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mabuhay ng matagal.
Deutoronomio 30:19
3. SI JESUS ANG DAAN NG
BUHAY.
Sumagot si Jesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko."
Juan 14:6
Paghimok,
"Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon."
Mateo 7:13-14
Panalangin,
Ama namin, turuan mo po kaming piliin ang tama sa lahat ng aming pagpapasya at bigyan mo po kami ng karunungan upang mahayag sa amin ang katotohanan at ito ang aming lalakaran araw-araw. Ito po ay aming dalangin sa pangalan ni Jesu-Cristo, amen.
Purihin ang Panginoong Jesus!