02/06/2026
Jonah? Hindi po. June na π
Tapos na ang May, at isang panibagong buwan na naman ang ating haharapin.
Sa kwento ni Jonah, hindi siya agad sumunod sa ipinagagawa ng Diyos. Kinailangan pa niyang maranasan ang unos at mapunta sa tiyan ng malaking isda bago niya tuluyang sundin ang tawag sa kanya.
Minsan, alam na natin ang nais ng Diyos para sa atin, pero mas pinipili pa rin nating maghintay, umiwas, o maghanap ng dahilan.
Ngayong June, nawa'y matuto tayong sumunod nang may buong pagtitiwala. Huwag nating hintayin ang bagyo bago tayo makinig sa Kanya.
Follow God's call. Trust His direction. Walk in obedience. β¨