03/05/2026
🌵🤠 Panawagan para sa mga Sponsor ng (VBX) Cactusville Adventure! 🌞
Howdy, mga partners:
Ang Vacation Bible Experience (VBX) ngayong taon 2026 ay tutungo sa Cactusville🌵isang masayang western-themed adventure kung saan mage-explore ang mga bata tungkol sa pananampalataya🙏 pagkakaibigan,👯 at mga aral sa buhay sa isang makulay na desert town setting! 🐎✨
Inaanyayahan namin ang inyong mga bukas-palad na puso❤️ na maging sponsor at katuwang sa pagbuo ng hindi malilimutang karanasang ito ng mga Kabataan👧👦
🌟 Ang aming mga kinakailangan:
• Snacks at inumin para sa mga bata
• Art supplies, dekorasyon, at mga gamit para sa aktibidad
• Mga papremyo at giveaways
• Pinansyal na tulong para sa mga pangangailangan ng event❤️🙏❤️
Ang bawat kontribusyon ay malaking tulong upang makalikha tayo ng isang ligtas, masaya, at puno ng pananampalatayang Cactusville experience para sa mga kabataan. 🌵💛