JCCK-Southville

JCCK-Southville You can like and share

Childrens thanks giving😍💖Kahit sa simpleng rigalo masaya na sila at ang higit sa lahat kilala nila  ang Diyos!☝️😇  God b...
11/12/2021

Childrens thanks giving😍💖

Kahit sa simpleng rigalo masaya na sila at ang higit sa lahat kilala nila ang Diyos!☝️😇

God bless sa mga mumunting kabataan ng SOUTHVILLE at RIZZA🥰

11/08/2021
30/07/2021

1 Peter 5:8-11
[8]Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:
[9]Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan.
[10]At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo.
[11]Sumasakaniya nawa ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.

Verse : 1 pedro 5:8-11

Title: steadfast in the faith (matatag sa pananampalataya)

Meaning: Maging maingat at tibayan ang pananampalataya upang hindi madaig ng sanlibutang ito bagaman tayo ay nagkamali ngunit ito ay isang aral at magbibigay saatin ng kalakasan bilang anak ng Diyos.

Benefits: Upang tayoy maging malakas spirtual at hindi tayo mapasama sa mga nasa sanlibutan.

Things to do:Mag pigil at magpuyat huwag maging mahinang mananampalataya at gawing aral ang lahat ng maling nagawa.
Maging mapagbantay sapagkat ang kaaway ay nariyan lamang at hindi natin namamalayan.

Thing not to do:Huwag gawin ang mga bagay na hindi sa Diyos at talikuran na ang makamundong gawain.

Jcck Southville
-Jackylou

30/07/2021

Verse: Romans 12:2
At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Title: Maging masunurin sa kalooban ng Dios

Meaning: Ito ay tumutukoy sa atin na wag tayong gumawa ng makamundong gawain at baguhin natin ang ating mga nakasanayang gawain sa mundong ito at mabubuksan ang ating isipan sa kung ano ang tama at ano ang mali dahil kung tayo ay patuloy na gagawa ng makamundong gawain tayo ay mabubulag at patuloy na gagawa ng kasamaan sapagkat di na tayo sumusunod sa kalooban ng panginoon.

Benefits: kung tayo ay susunod sa kalooban ng Dios tayo ay di mapapahamak at magkakaroon ng kaligtasan at kagalakan sa ating mga gawa at sa ating sarili

Things to do: sumunod tayo sa kalooban ng panginoon dahil kahit kailan ang kalooban ng Dios ay di nakakapahamak bagkus nagbibigay kaligtasan .

Things not to Do : wag tayong maging isang puno na walang bunga at pinaglilipasan nalang ng panahon at patuloy na gumagawa ng kasamaan sa mundong ito.

Di biro ang umiwas sa gawa ng kaaway lalo nat nakakapagbigay ito ng panandaliang kagalakan ngunit kung tayo ay lalapit sa panginoon at iyuyukod lahat ng ating nararamdaman at hihingi ng gabay upang maiwasan lahat ng kasamaan sa ating mundo tayo ay tutulungan nya at iiwas nya sa gawa ng kasalanan at masusunod ang kanyang kalooban na magbibigay sa atin ng walang hanggang biyaya at kagalakan sa ating buhay.

Jcck Southville
-Joanna

30/07/2021

roma 12:2

be wise

ang isang matalinong tao o mahilig mag isip bago kumilos kailan may hindi maloloko

dito sa verse na to sinasabi ng Diyos na Maging matalino tayo upang tayo ay hindi maka ayon sa mundong ito.
bakit?
dahil ang mundo kung titingnan natin ay pasama na ng pasama ni kakaunting goods nlng ang makikita natin sa mundo.

kaya nmn palagi tayong pinaaalalahanan ni God na mag iba tayo ng pag iisip, huwag tayong maki ayon sa mundo na ito.

ang tanong, hindi nga ba tayo umaayon sa mundong ito ?
isa sa masakit o nakakalungkot isipin kahit ilng beses tayo palalahanan ng Diyos kahit Kristiyano na tayo nakiki ayon parin tayo sa mundong ito, TAMA BA MGA KAPATID ?

kaya itong verse na ito ay nireveal ni God upang saatin mag simula at para maging model sa iba ang pagiging matalino sa pag iisip kung ito ba ay kaloob ng Diyos

dont stop to pray just keep it
God is always here for us

Jcck Southville
-Rey Mar

30/07/2021

Verse: Romans 12:2
At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Title: transformed by renewing your mind,

Meaning: Sinasabi sa romans 12:2 na huwag tayong magsi ayon sa gawa ng sanlibutan o gawa ng mundong ito at mag iba tayo ng ating pag iisip.

Benefits: sa pamamagitan ng pagbabago ng ating pagiisip malalaman natin kung ito ba ay kalooban ng Lord sa atin o ito ba ay kaaya aya bilang isang anak ng Diyos.

Things to do: maging wise po tayo at mging maingat sa ating pag iisip. Pray lang tayo kay Lord at tanungin natin sya kung ito ba ay kalooban nya.

Things not to do:Wag tayo sumunod sa pattern ng mundong ito at wag tayong papadala sa gawa ng kaaway.

Bilang isang anak ng Diyos tayo ay maging bukod tangi, wag tayong makisabay sa gawa ng mundong ito na ikakalayo natin kay Lord kundi mag iba tayo ng pag iisip. Waging wise tayo mga kapatid at huwag tayong padalos dalos lalo na sa panahon ngayon.

Jcck Southville
-Jackylou

30/07/2021

Verse/Text: Romans 12:2
[2] At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito; Kundi mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Diyos.

Title/Topic:
God, Heal The World

Meaning: Huwag kailanman tayo magpapatanggay sa hangin ng mundong ginagalawan at sa agos ng mundong makasalanan. Let God change everything surrounds us; galit, puot, pagdudusa, kahirapan, kawalang-bahala, lungkot, and even the behavior of individuals. Idulog itong lahat sa kanya, let his light purifies their soul and heart; kahit anong negatibong bagay na ating nararanasan.

Benefits:
Magdudulot ng kapayapaan sa ating isip at puso. Maiiwasan ang dahas na dulot ng galit at pagkitil ng sariling buhay dulot ng lungkot.

Things to do:
Ipaubaya sa Diyos ang lahat ng bagay na may kasamang pagpapanalangin ng kaayusan sa ating buhay at para sa buong mundo.

Things NOT to do:
Gawin ang mga bagay na dulot ng sama ng loob at negatibong iniisip.

Jcck Southville
-John Carl

30/07/2021

Verse/Text: Ephesians 4:14-15
[14] Nang sa gayon, hindi na tayo magiging tulad sa mga batang madaling matangay ng kanya-kanyang aral. Hindi na tayo maililigaw ng mga taong ang hangad ay dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan ng kanilang katusuhan at panlilinlang.

[15] Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo.

Title/Topic:

Meaning:
We're not a kids that randomly commands ang kahit anong iutos sa atin na walang ideya sa ikabubunga nito. Bagkus mangangsilaki at palawakin ang ating isip nang malaman atin ang tama at ikabubuti nang sa gayon hindi tayo madala sa tukso ng kaaway na palihim na itutulak tayo sa apoy ng kasalanan.

Ano nga ba ang kaibahan ng paghahayag ng diretsong katotohanang salita sa paghahayag ng katotohanang may pagmamahal?
You rather choose to say the truth directly but you don't even given a worth, sa salita man o sa tagapakinig. Pagmamahal sa salita ay may kaakibat na responsibilidad dahil ito'y nagmula sa naglalang ng lahat na dapat bigyang halaga. And it will bear into ourselves na ikalalago ng ating isipan at pag-ibig sa ating puso na s'yang magiging dahilan upang maging magaling na tagapagturo.

Benefits:
Malawak at critical thinking ang paraan nang hindi tayo madaling matangay sa mainit na ihip ng pagkakasala at ikakadumi ng ating kaluluwa.

Paghahayag ng tunay at katotohanan na may pagmamahal ay magbubunga ng paglago sa sarili at sa espirituwal man. At bilang mamamahayag ng mabuting salita ay tatanggap ng buhay na walang hanggan na magmumula sa Diyos.

Things to do:
Maging mapanuri at magkaroon ng tamang kaalaman sa bawat desisyong at aksyong isasagawa.

Bigyang halaga ang nilalaman at paghahayag ng salita; samahan ng pag-ibig.

Things not to do:
Sumunod sa utos nang hindi alam ang dahilan at kung ikakapahamak ba o ikakabuti.

Isawalang bahala ang inihayag na tipong basta nasabi mo ang naka-akda.

-Jcck Jcck Southville
-John Carl

30/07/2021

Verse/Text; Ephesians 4:14-15
Title/Topic: Trust God with all of our hearts

Ephesians 4:14-15

Upang tayo'y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian

Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pag ibig, ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo

Meaning: ang ibig sabihin lang nito ay di na tayo tulad ng mga bata na baguhan pa lang sa salita ng panginoon na nadadaya at natutukso sa gawa ng sanlibutan ngunit di dahilan ang ang pagiging bata para papurihan ang ating Diyos kaya wag tayong mamuhay sa gawa ng sanlibutan bagkus tayo ay manatili sa liwanag ng ating Diyos na buhay.

Benefits:pag kay God tayo nag stay o nagtiwala walang disappointments walang kalungkutan di tulad ng naibibigay ng sanlibutan wag tayong bumase sa panandaliang kaligayahan dahil kay God mo lang mahahanap ang walang hanggang kaligayahan.

Things to do: mas lumapit at magtiwala tayo sa ating panginoon at lahat ng ninanais ng puso natin ay makakamtan ayon sa kanyang kalooban.

Things not to do: wag mamuhay sa panandaliang kaligayahan o sa sanlibutang ito.

Di pa huli ang lahat para magbago pero nauubos na ang panahon nagawa mo na ba ang best mo para sa panginoon? Tayo ay makasalan pero di ibig sabihin nun ay di gumagalaw ang Diyos sa buhay naten kaya tuloy lang sa pag pupuri sa panginoon.

-Jcck Southville
-Joanna

30/07/2021

Tittle: "Speak the trueth
With Love"
Text: Ephesians 4:14-15
Introduction: ang pamumuhay ng mundong ito ay hindi ganon kaganda dahil sa laganap na kaguluhan meron ang sanlibutan, maraming manloloko ng kapwa para lang kumita ng maliit na halaga. Dinadaya ang kanilang kapwa sa pamamagitan ng matatamis na pananalita.. Paano tayo magiging kabahagi upang maibsan ang ganitong kalakaran ng mundo.. Gusto mo bang maging kabahagi ka rito...

# Paano tayo magiging kabahagi ng mundong ito?
1. May malasakit ka sa paligid mo
2.marunong kang ipanalangin ang takbo ng mundong ito sa kasamaan
3.ikaw mismo ay lalayo sa lahat ng masamang gawa ng mundo
4. Huwag kang padaya sa iyong nakikita sa mundong ito sapagkat ito ay pandaraya lamang ng mundo.
Ephesians4:14
ang tunay na susi ?
1.Love
Ephesians 4:15
Magsalita ng katotohan na may Pag-Ibig, sa pamamagitan ni JESUS CRISTO... Na tayo ay matoto at Lumago..
Things not to do:
Wag padaig sa takbo ng mundo..
Things to do:
Manangan sa pag ibig ng Dios. sumunod sa kanyang mga utos, manalangin lagi at panghawakan ang kanyang mga pangako..
Cunclusion:
Ang bawat tao na nananangan sa pag ibig ng Dios Ay nagtatagumpay sa pamamagitan ng salita ng Dios na namumutawi sating mga labi ang pagsasabi ng katotohan na si JESUS lang ang tanging daan wala ng iba pa..
Morning every one and God bless..

-Jcck Southville
-Ptra. Evelyn Bactong

30/07/2021

Verse/Text; Ephesians 4:14-15
Title/Topic: Spiritual growth

Meaning: Sabi sa verse 14 "upang tayoy huwag nang maging bata pa" pagdating sa pag aaral ng salita ng Diyos. Maging mature tayo pagdating sa pananampalataya at huwag tayong magpadaya sa gawa ng kaaway bilang anak ng Diyos dapat tayo ay maging maingat at tayo ay lumakad at mamuhay na may pag ibig na kasama ang Diyos sa ating buhay.

Benefits: upang tayoy hindi madaya ng gawa ng kaaway o kung sinumang gumagawa ng kuro kurong aral para ang tao ay iligaw.

Things to do: maging mapanaliksik tayo at lagi nating ihanda ang ating sarili at lagi nating tandaan ang bilin ni pastora na ipaglaban ang katotohanan dapat tayo ay maging matapang pagdating sa salita ng Diyos.

Things not to do: wag tayong magpapadala sa tamis ng salita ng kaaway at huwag tayo maging mangmang .
Gaya ngapo ng nasasabi sa Galatians 6:7
"Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya."

Kaya dapat ang mga anak ng Diyos ay laging handa at mapanuri lalo na sa panahon natin ngayon na dumarami na ang nangangaral ng hindi sa katotohanan.

-Jccksouthville
-Jackylou

Address

Southville
Antipolo
1870

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JCCK-Southville posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share