30/04/2026
Ganap na ika-4:00 ng umaga ay nakarating na ang mga deboto at ang Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay sa Antipolo Cathedral. Magsisimula na rin sa ilang sadali ang Banal na Misa alay sa kanyang muling pagbabalik.
Nagtatapos man ang ating paglalakad, ngunit nagsisimula ang mas malalim na misyon. Ang bawat pagod na hakbang ay nagiging alay ng kapayapaan para sa pamilya, pamayanan, at buong mundo.
¡Viva Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje!