4th Maria Et Fides 2023

4th Maria Et Fides 2023 4th Maria Et Fides 2020 - Marian Youth Camp of Senatus of Northern Philippines Legion of Mary

11/10/2024

Halina mga kadambana at ating salubungin ang larawan ng Banal na Mukha ni Hesus ng Manoppello sa kanyang pagdalaw sa Pangdiyosesis na Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo!

Makakasama natin dito sa ating dambana ang larawan ng Banal na Mukha ni Hesus ng Manoppello, bukas, ika-12 hanggang ika-20 ng Oktubre. Narito po ang gawain bukas sa Pagsalubong sa Banal na Mukha ni Hesus.

5:30 N.H. | Pagdating ng larawan ng Banal na Mukha ni Hesus ng Manoppello
5:45 N.H. | Pagluluklok sa Banal na Mukha
6:00 N.G. | Banal na Misa


05/10/2024
06/04/2024

SIETE DIA DEVOCIÓN | Buwanang Pamimintuho sa Nuestra Señora del Santo Rosario de Cardona “La Virgen de Sapao”
Abril 7, 2024

Tayo na’t ialay ang ating mga puso at mamintuho sa ating Ina at Reyna, ang Birhen ng Sapao, sa ating Siete Dia Devoción ngayong buwan ng Abril.

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa ating buwanang pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo bukas, ika-7 ng Abril, 2024. Ito po ay sisimulan ng Nobena sa ganap na ika-5:30 ng hapon, at susundan ng Banal na Misa, sa ganap na ika-6:00 ng gabi. Magkakaroon din po ng maringal na prusisyon sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Sapao pagkatapos ng Banal na Misa.

Mapapanood po dito sa ating Official page ang mga gawain dito sa ating dambana. Maraming Salamat po!

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG SANTO ROSARYO

O Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo,Ina ng Diyos na totoo, Ina ng sambayanan, pakinggan mo po ang aming pagmamakaawa ng buong pananalig. Makarating nawa kay Hesus na Anak mo at manunubos namin ang aming mga kahilingan.Sa bawat panalangin namin sa mga butil ng Santo Rosaryo, madama nawa namin ang iyong maka-inang pagmamahal at pag-aaruga. Inang maawain sa mga makasalanan, inilalapit po namin sa iyo ang aming mga sarili, ang aming kahinaan, kasalanan at kakulangan; ang aming mga sakit, hirap, at kalumbayan, umaasang ang lahat ay idudulog mo sa iyong Anak na si Hesus. Ipagkaloob mo nawa sa amin ang kapayapaan, katarungan, at kasaganaan. (Banggitin ang iba pang kahilingan)

O Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, Tala sa Karagatan, ipinagkakatiwala namin sa iyo ang aming mga gawain lalo na ang karagatang pinagmumulan ng mga biyaya at pagpapala mula sa Diyos. Ilayo mo nawa kami sa panganib o anumang sakuna sa karagatan katulad ng paggabay mo sa mga barkong pandigma sa labanan sa pagitan ng mga Kristiyano at Turkong Muslim sa Lepanto. Kupkupin mo po kami at ang aming pamilya upang mamayani kailanman ang pagkakaisa at magandang pagsasamahan. Ilapit mo nawa kami sa iyong Anak at Panginoon naming si Hesukristo, nabubuhay at naghahari kasama ng Ama at ng Espiritu santo, magpasawalang hanggan. Amen.

Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, La Virgen de Sapao, ipanalangin mo po kami.





11/01/2024

Mga kadambana, halina’t atin muling samahan ang ating minamahal na Ina at Reyna, ang Nuestra Señora del Santo Rosario de Cardona, La Virgen de Sapao sa kanyang paglalayag sa Lungsod ng Antipolo kaisa ang Bikaryato ni San Geronimo sa darating na ika-17 ng Enero!

Ito ay bilang pagdiriwang sa pagtatalaga ng Pandaigdigang Damabana ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay. Magkakaroon ng pagdarasal ng Santo Rosaryo sa ganap na ika-4:00 ng hapon na susundan ng Banal na Misa sa ganap na ika-5:00 ng hapon. Ang maringal na prusisyon ay sa ganap na ika-6:00 ng gabi.

Ang atin pong isusuot ay Fiesta 2023 shirt. Sa mga nais pong sumabay, aalis po tayo sa ating dambana sa ganap na ika-2:30 ng hapon. Mayroon din po tayong E-jeep sa halagang 100 pesos. Mangyari lamang pong magpalista kay Bro. Jojimar Julian. Maraming Salamat po!

Viva La Virgen!







07/01/2024

"Nuestro Padre Jesus Nazareno,
Dinarangal Ka namin!
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
Nilul’walhati Ka namin!"

Mga Kapatid, halina't sama-sama nating ipagdiwang ang Dakilang Kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno "Amba."

Sa darating na ika-9 ng Enero, 2024, ay ang Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno "Amba." Magkakaroon po tayo ng Banal na Misa sa ganap na ika-9 ng umaga na pangungunahan ng Lubhang Kagalang-galang Ruperto Cruz Santos, D.D., ang ikalimang Obispo ng Antipolo.

Magkakaroon din po ng Banal na Misa sa ganap na ika-6 ng gabi na susundan ng Maringal na Prusisyon sa karangalan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno "Amba."

Ang lahat po ay inaanyayahan sa nasabing gawain. Maraming salamat po!


06/01/2024

Ano ang panalangin mo ngayong ?

May larawan o video ka ba Kasama si Amba? Maaaring ibahagi ito sa sa comment section Kasama Ang iyong panalangin.



06/01/2024

SIETE DIA DEVOCIÓN | Buwanang Pamimintuho sa Nuestra Señora del Santo Rosario de Cardona “La Virgen de Sapao”
Enero 7, 2024

Mga kadambana, halina’t sama-samang simulan ang ating 2024 sa pamamagitan ng pagdulog at pamamimintuho sa ating Ina at Reyna, ang Birhen ng Sapao, sa ating Siete Dia Devoción ngayong buwan ng Enero.

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa ating buwanang pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo bukas, ika-7 ng Enero, 2024. Ito po ay sisimulan ng Nobena sa ganap na ika-5:30 ng hapon, at susundan ng Banal na Misa, sa ganap na ika-6:00 ng gabi. Magkakaroon din po ng maringal na prusisyon sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Sapao pagkatapos ng Banal na Misa.

Mapapanood po dito sa ating Official page ang mga gawain dito sa ating dambana. Maraming Salamat po!

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG SANTO ROSARYO

O Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo,Ina ng Diyos na totoo, Ina ng sambayanan, pakinggan mo po ang aming pagmamakaawa ng buong pananalig. Makarating nawa kay Hesus na Anak mo at manunubos namin ang aming mga kahilingan.Sa bawat panalangin namin sa mga butil ng Santo Rosaryo, madama nawa namin ang iyong maka-inang pagmamahal at pag-aaruga. Inang maawain sa mga makasalanan, inilalapit po namin sa iyo ang aming mga sarili, ang aming kahinaan, kasalanan at kakulangan; ang aming mga sakit, hirap, at kalumbayan, umaasang ang lahat ay idudulog mo sa iyong Anak na si Hesus. Ipagkaloob mo nawa sa amin ang kapayapaan, katarungan, at kasaganaan. (Banggitin ang iba pang kahilingan)

O Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, Tala sa Karagatan, ipinagkakatiwala namin sa iyo ang aming mga gawain lalo na ang karagatang pinagmumulan ng mga biyaya at pagpapala mula sa Diyos. Ilayo mo nawa kami sa panganib o anumang sakuna sa karagatan katulad ng paggabay mo sa mga barkong pandigma sa labanan sa pagitan ng mga Kristiyano at Turkong Muslim sa Lepanto. Kupkupin mo po kami at ang aming pamilya upang mamayani kailanman ang pagkakaisa at magandang pagsasamahan. Ilapit mo nawa kami sa iyong Anak at Panginoon naming si Hesukristo, nabubuhay at naghahari kasama ng Ama at ng Espiritu santo, magpasawalang hanggan. Amen.

Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, La Virgen de Sapao, ipanalangin mo po kami.





Address

Antipolo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 4th Maria Et Fides 2023 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share