St. John Paul II Parish- Diocese of Antipolo

St. John Paul II Parish- Diocese of Antipolo Mabuhay! Maligayang Pagdating sa page ng Parokya ni San Juan Pablo II - Diyosesis ng Antipolo.

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | Ikatlong Araw ng Pagbisita ng Mahal na Birhen ng Antipolo sa BaguioSa ikatlong araw ng pagdalaw ng Mahal na ...
26/08/2026

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | Ikatlong Araw ng Pagbisita ng Mahal na Birhen ng Antipolo sa Baguio

Sa ikatlong araw ng pagdalaw ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay sa Baguio, nagkaroon ng pagkakataon ang mga delegado ng Parokya ni San Juan Pablo II na maglibot sa Session Road, isa sa mga tanyag na lugar sa lungsod ng Baguio.

Sinundan ito ng pagdalo sa Banal na Misa ng Pamamaalam para sa Mahal na Birhen ng Antipolo, bilang pagtatapos ng kanyang makabuluhang pagdalaw sa Diyosesis ng Baguio. Ang Banal na Misa ay pinangunahan ng Obispo ng Baguio, Lub. Kgg. Rafael T. Cruz, D.D., kasama ang mga kaparian ng Bikaryato ng Our Lady of Peace and Good Voyage ng Diyosesis ng Antipolo at mga pari ng Diyosesis ng Baguio.

Sa pagwawakas ng pagdalaw, dala ng ating mga delegado ang pasasalamat at mga alaala ng isang makabuluhang paglalakbay ng pananampalataya. Nawa'y patuloy na maging gabay ng Mahal na Birhen ang bawat isa sa ating patuloy na paglalakbay patungo sa kanyang Anak na si Hesukristo.

Viva la Virgen! Viva Nuestra Seรฑora de la Paz y Buen Viaje! ๐Ÿ™๐Ÿ’™

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | Ikalawang Araw ng Pagdalaw ng Mahal na Birhen ng Antipolo sa BaguioSa ikalawang araw ng Pagdalaw ng Mahal na...
25/08/2026

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | Ikalawang Araw ng Pagdalaw ng Mahal na Birhen ng Antipolo sa Baguio

Sa ikalawang araw ng Pagdalaw ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay sa Baguio, nagkaroon ng pagkakataon ang mga delegado ng Parokya ni San Juan Pablo II na makapaglibot at makita ang ilan sa mga tanyag na lugar ng Baguio, kabilang ang Dragon Treasure Castle, Baguio Botanical Garden, at The Mansion.

Pagsapit ng ika-5:00 ng hapon, dumalo ang ating mga delegado sa Banal na Misa sa Katedral ng Baguio, Diocesan Shrine of Our Lady of the Atonement. Ang pagdiriwang ay pinangunahan ng Shrine Rector, Very Rev. Berlynden B. Dao-anis, kasama ang mga kaparian mula sa Bikaryato ng Our Lady of Peace and Good Voyage ng Diyosesis ng Antipolo.

Sa araw na ito, naging bahagi ng paglalakbay ang pagkilala sa kagandahan ng Baguio at higit sa lahat, ang patuloy na pakikiisa sa pagdiriwang para sa Ika-400 Taon Anibersaryo ng Pagdating ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay sa Pilipinas.

Patuloy na dala ng ating mga delegado ang panalangin at pakikiisa ng buong sambayanan ng Parokya ni San Juan Pablo II sa makasaysayang pagdalaw na ito.

Viva la Virgen! ๐Ÿ™๐Ÿ’™

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | Welcome Eucharist para Pagdalaw ng Mahal na Birhen ng Antipolosa BaguioNakibahagi ang Parokya ni San Juan Pa...
24/08/2026

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | Welcome Eucharist para Pagdalaw ng Mahal na Birhen ng Antipolosa Baguio

Nakibahagi ang Parokya ni San Juan Pablo II ngayong Unang Araw sa Baguio sa ginanap na Welcome Eucharist para sa pagdalaw ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay sa Katedral ng Baguio, Diocesan Shrine of Our Lady of the Atonement, bilang bahagi ng paggunita sa Ika-400 Taon Anibersaryo ng Pagdating ng Mahal na Birhen sa Pilipinas.

Ang Banal na Misa ay pinangunahan ng Obispo ng Antipolo, Lub. Kgg. Ruperto C. Santos, D.D., kasama ang Obispo ng Baguio, Lub. Kgg. Rafael T. Cruz, D.D., at mga kaparian mula sa Diyosesis ng Antipolo at Diyosesis ng Baguio. Naging makabuluhan ang pagdiriwang bilang pagpapakita ng pagkakaisa ng dalawang diyosesis sa pagtanggap at pagpaparangal sa Mahal na Birhen.

Sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, patuloy na naipapahayag ang malalim na debosyon ng mga mananampalataya sa Mahal na Birhen at ang ating sama-samang paglalakbay sa pananampalataya. Bitbit ng ating mga delegado ang panalangin at pakikiisa ng buong sambayanan ng Parokya ni San Juan Pablo II sa makasaysayang pagdiriwang na ito.

Viva la Virgen! Viva Nuestra Seรฑora de la Paz y Buen Viaje! ๐Ÿ™

๐—”๐—ง๐—  | Ligtas nang nakarating sa Baguio ang delegado ng Parokya ni San Juan Pablo II para sa Viaje ng Mahal na Birhen ng ...
23/08/2026

๐—”๐—ง๐—  | Ligtas nang nakarating sa Baguio ang delegado ng Parokya ni San Juan Pablo II para sa Viaje ng Mahal na Birhen ng Antipolo.

Bitbit ang pananampalataya at pakikiisa ng ating buong parokya, naroon ang ating mga delegado upang maging bahagi ng makasaysayang pagdiriwang ng Ika-400 Taon Anibersaryo ng Pagdating ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

Nawaโ€™y maging makabuluhan ang kanilang paglalakbay at paglilingkod sa karangalan ng ating Mahal na Ina.

Viva la Virgen! ๐Ÿ™

๐—”๐—ง๐—  | Kasulukuyang nang nasa byahe ang Labindalawang delegado ng Parokya ni San Juan Pablo II kabilang ang ating Kura Pa...
23/08/2026

๐—”๐—ง๐—  | Kasulukuyang nang nasa byahe ang Labindalawang delegado ng Parokya ni San Juan Pablo II kabilang ang ating Kura Paroko, Reb. Pab. Francis, para sa Viaje ng Mahal na Birhen ng Antipolo sa Baguio, bilang pakikiisa sa makasaysayang pagdiriwang ng Ika-400 Taon Anibersaryo ng Pagdating ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

Nawaโ€™y maging ligtas at maayos ang kanilang paglalakbay at maging makahulugan ang kanilang pakikiisa sa natatanging pagdiriwang na ito.

Birhen ng Kapayaan at Mabuting Paglalakbay, Ipalamgin mo kami! ๐Ÿ™

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | Pamamahagi ng Relief Goods at Food PacksNoong, Agosto 19, 2026, isinagawa sa Parokya ni San Juan Pablo II, B...
23/08/2026

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | Pamamahagi ng Relief Goods at Food Packs

Noong, Agosto 19, 2026, isinagawa sa Parokya ni San Juan Pablo II, Brgy. San Jose, Antipolo City ang pamamahagi ng 300 relief goods at food packs para sa mga pamilyang naapektuhan ng Habagat.

Ang pamamahaging ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng CBCP-Caritas Philippines at Diocese of Antipolo Social Action Center, kasama ang mga sponsors na sina Paolo at Miguel ng Ben&Ben, bilang tugon sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Naroon din sa isinagawang pamamahagi sina SAC Director, Rev. Fr. Jun Suriben Jr., at ang ating Kura Paroko, Rev. Fr. Francis N. Villamer, PACEM, bilang pakikiisa at pagsuporta sa mga pamilyang nangangailangan.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng tulong at naging bahagi ng gawaing ito. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at malasakit, patuloy nating naipapakita ang diwa ng pagiging isang pamayanang handang umagapay sa panahon ng pangangailangan.

๐Ÿ“ข ๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“: ๐๐€๐€๐๐˜๐€๐˜๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐‹๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐†๐Š๐Ž๐ƒ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐‹๐„๐‚๐“๐Ž๐‘ ๐€๐“ ๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐„๐๐“๐€๐“๐Ž๐‘! (๐‹๐‚๐Œ) ๐Ÿ“ขIsang mapagpalang araw, mga kapatid kay Kr...
21/08/2026

๐Ÿ“ข ๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“: ๐๐€๐€๐๐˜๐€๐˜๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐‹๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐†๐Š๐Ž๐ƒ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐‹๐„๐‚๐“๐Ž๐‘ ๐€๐“ ๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐„๐๐“๐€๐“๐Ž๐‘! (๐‹๐‚๐Œ) ๐Ÿ“ข

Isang mapagpalang araw, mga kapatid kay Kristo!

Nais mo bang maging boses ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos sa bawat Banal na Misa? Ikaw ba ay may pagnanais na maglingkod sa dambana at gabayan ang sambayanan sa ating pananampalataya?

Ang ๐’๐ญ. ๐‰๐จ๐ก๐ง ๐๐š๐ฎ๐ฅ ๐ˆ๐ˆ ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐‹๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ ๐Œ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ (๐‹๐‚๐Œ) ay buong-pusong nagbubukas ng pinto para sa mga bagong miyembro na nais maglingkod bilang Lektor at Commentator!

โ–ซ๏ธ Sino ang maaaring sumali?
โ€ข Binyagang Katoliko
โ€ข May malalim na debosyon sa Banal na Misa at kahandaang maglaan ng oras para sa pagsasanay at paglilingkod.

Ito na ang iyong pagkakataon upang gamitin ang iyong boses at talento para sa Kanyang kaluwalhatian.

Para sa mga nagnanais maging LCM o may mga katanungan, maaari po kayong mag-message at makipag-ugnayan kay ๐’๐ข๐ฌ. ๐‰๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐œ๐š ๐‚๐š๐ซ๐จ.

โ€œ๐‘บ๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’‚ ๐‘ด๐’ ๐’‚๐’š ๐’•๐’‚๐’๐’ˆ๐’๐’‚๐’˜ ๐’”๐’‚ ๐’‚๐’Œ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’๐’‚๐’๐’…๐’‚๐’”, ๐’๐’Š๐’˜๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ ๐’”๐’‚ ๐’‚๐’Œ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’…๐’‚๐’‚๐’.โ€ โ€” Awit 119:105

Maglingkod tayo nang may pananampalataya at kagalakan!

๐‘ณ๐’†๐’„๐’•๐’๐’“๐’” ๐’‚๐’๐’… ๐‘ช๐’๐’Ž๐’Ž๐’†๐’๐’•๐’‚๐’•๐’๐’“๐’” ๐‘ด๐’Š๐’๐’Š๐’”๐’•๐’“๐’š (๐‘ณ๐‘ช๐‘ด) ๐‘บ๐’•. ๐‘ฑ๐’๐’‰๐’ ๐‘ท๐’‚๐’–๐’ ๐‘ฐ๐‘ฐ ๐‘ท๐’‚๐’“๐’Š๐’”๐’‰

19/08/2026
๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | Recognition Ceremony | 6-Month Feeding Program Isang makabuluhang araw ang naging pagtatapos ng anim na buwa...
14/08/2026

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | Recognition Ceremony | 6-Month Feeding Program

Isang makabuluhang araw ang naging pagtatapos ng anim na buwang Feeding Program para sa mga batang naging bahagi ng programang ito. Nagsimula ang pagdiriwang sa Banal na Misa na pinangunahan ng Social Action Diocesan Director, Rev. Fr. Jhun Suriben Jr., kasama ang ating Kura Paroko, Rev. Fr. Francis N. Villamer, PACEM.

Matapos ang Banal na Misa, isinagawa ang programa sa Buhanginan Covered Court, kung saan ginawaran ng pagkilala ang mga batang matagumpay na nakapagtapos ng anim na buwang programa. Bukod sa kanilang mga medalya, nabigyan din ang mga bata ng school supplies, mga damit, at mga laruan bilang karagdagang biyaya at suporta sa kanilang pag-aaral at paglaki.

Taos-puso ang ating pasasalamat sa Concreat Foundation Inc., na naging pangunahing sponsor ng buong Feeding Program. Maraming salamat kay Sir Ariel Yson, kinatawan ng Concreat Foundation Inc., sa inyong pagdalo at patuloy na suporta sa programang nagbigay ng tulong at pag-asa sa ating mga kabataan.

Lubos din ang aming pasasalamat sa Social Action Diocesan Director, Rev. Fr. Jhun Suriben Jr., at sa SAHDC Program Coordinator, Sis. Ramona S. Valencia, sa kanilang presensya, paggabay, at patuloy na suporta sa gawaing ito.

Higit sa lahat, maraming salamat sa lahat ng Ministry Volunteers na walang sawang naglaan ng oras, lakas, at pagmamahal sa loob ng anim na buwan. Ang inyong tapat na paglilingkod ang naging mahalagang bahagi upang maipagpatuloy ang programang ito para sa mga bata.

Sa ating mga batang nagtapos, congratulations! Nawa'y patuloy kayong magsikap sa inyong pag-aaral at lumaking may pangarap, pananampalataya, at pusong marunong magpasalamat.

Address

Solid Cement Road, San Jose, Antipolo City
Antipolo
1870

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Sunday 8am - 12pm
2pm - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. John Paul II Parish- Diocese of Antipolo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. John Paul II Parish- Diocese of Antipolo:

Shortcuts

Share