03/09/2022
2 Timothy 4:7
[7]I have fought a good fight, I have finished my course, I have kept the faith:
Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya:
Ang buhay natin dito sa mundo ay full of battles, hindi digmaang pisikal kundi digmaan laban sa lahat ng uri ng tukso at kasalanan.
Pero mabuti tayo lumalaban bilang mga mananampalatayang kristyano
dahil magbibigay ito ng magandang gantimpala sa huli.
ibig sabihin ay magsikap nang buong lakas upang manalo.
Dahil kapag ang isang Kristyano ay hindi na lumalaban ay tiyak sya ay nagpatalo na sa kaaway.
Ang ating kaaway ang Dyablo at ang kanyang mga kampon
Hanggat buhay tayo sa katawang ito, hindi sya tumutigil na makipagtunggali sa atin.
(Efeso 6:12).
Dahil kapag nagawa Nya tayong matalo sa spiritual na digmaan, tiyak ang magiging resulta ay
Masisira at magugulo ang ating buhay.
At maging dahilan ng
mga sakit, karamdaman, kabiguan, pagkabigo, diborsyo, kawalan ng trabaho,
at mga bisyo na sisira ng ating katawan.
Bilang mga mananampalataya na hindi maging komportable ang ating buhay, huwag isipin na magpahinga sa ating labanan sa pagitan ng ating spiritual at pisikal.
Dahil kapag ginawa natin yun ibig sabihin hinayaan mo manaig ang hari ng kadiliman na bulagin ang iyong isipan.
At maari ito na simula ng mas matinding paghihirap sa iyong buhay, dahil nag surrender ka na sa pakikipaglaban sa iyong pananampalataya sa Diyos.
Sa kampo ni Satanas akala mo nakapahinga kasi Nagagawa mo na ang gusto mo, kahit bawal at masama walang pipigil sayo, at pakiramdam mo nakalaya ka sa paghihigpit ng Diyos.
Pero para ka lang preso sa kulungan na binibigay ang lahat ng gusto mo, dahil nakatakda ka ng parusahan ng kamatayan.
Si Satanas binibigay nya lahat ng gusto mo kasi para masama ka sa bilang ng kanyang mga biktima na maparusahan ng habang buhay sa impyerno.
Sa mga kristyano hindi man nya mapatay ang ating kaluluwa, pero magawa nya lang maging initial na kristyano paran