20/05/2022
💕
Remnant means a small remaining quantity of something.
Sa tagalog, mga nalalabi.
Kung remnant ka, isa ka sa mga Kristyanong hindi nagko-compromise sa sin. Holiness is not old-fashioned para sa'yo.
Kung remnant ka, nagbababad ka sa secret place.
Kung remnant ka, mayroon kang matinding uhaw sa Word of God.
Kung remnant ka, may fire sa puso mo na hindi nakadepende sa tao.
Kung remnant ka, suko ang buong buhay mo sa Diyos.
Kung remnant ka, hindi ka lumuluhod sa mga sinasamba at pinapauso ng mundo.
Kung remnant ka, may pag-aalab ka na hindi maintindihan ng iba.
Kung remnant ka, hindi ka mapakali hangga't hindi mo naibabahagi ang tungkol kay Cristo.
Kung remnant ka, magiging kakaiba ka.
Kung remnant ka, magiging revivalist ka.
Kung remnant ka, magiging isa ka sa wawasak sa kaharian ni satanas.
Kung remnant ka, magiging kagamit-gamit ka para maligtas, mapalaya, at makaranas ang madami ng presensya ng Diyos.
Kung remnant ka, magiging kahawa-hawa ka, dahil consuming fire ang dala-dala mo.
Sa henerasyong ito, may mga nalalabi pa na hindi nagpapaanod sa takbo ng mundo. May nalalabi pang sa Diyos lamang luluhod. May nalalabi pang nag-aapoy sa pananampalataya. May nalalabi pang mangangaral ng Salita. May nalalabi pang handang magpagamit ng buong buhay sa Panginoon.
Are you part of the remnant?
Even so then, at this present time there is a remnant according to the election of grace.
Romans 11:5 NKJV