03/05/2026
ANNOUNCEMENT
Magandang araw po sa ating lahat!
Kami po ang Mini Pastoral Council ng kapilya ng San Vicente ferrer - Galilee ay kumakatok sa inyong mabubuting puso upang humingi ng tulong at suporta para sa feeding program ng mga bata sa ating komunidad, kaugnay ng araw-araw na pag-aalay ng bulaklak kay Mahal na Birheng Maria ang ina ng ating manunubos. Ito po ay nag simula na ng Mayo 1 hanggang Mayo 31, at layunin naming mabigyan ng katesismo ang maraming kabataan tungkol sa pagmamahal ng Diyos. Pagkatapos ng katesismo ay nais namin sila madulutan ng simpleng pagkain at kasiyahan ang mga batang dumadalo sa nasabing gawain.
Kami po ay bukas sa mga nais maging sponsor maaaring pagkain, inumin, o anumang tulong na inyong maibabahagi sa bawat araw ng programa.
Ang inyong munting tulong ay malaking ngiti at pagpapala para sa ating mga kabataan. ❤️
Para po sa mga nais mag-sponsor o magbigay ng donasyon, maaari po kayong makipag-ugnayan sa amin. Ivee Torres Buelva , Michelle Gaor Rodriguez , Janice Quintila , Gemma P Nisperos , Jane Marie Nisperos Obina , Rosemarie Oliveros Bauso , Lina Gacho Encinas , Gener Buelva at Gelyn Garbo Jatico
Maraming salamat po, at nawa’y pagpalain kayo ng Poong Maykapal at ng Mahal na Birheng Maria. Sa pamamagitan ng kanyang anak na si Hesus🙏🌸