14/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ธ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ฟ๐ต๐ฒ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ
Buong galak na ipagdiriwang ng Inang Simbahan ang ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ธ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ฟ๐ต๐ฒ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ sa sabado, ika-15 ng Agosto. Bilang pakikiisa, magkakaroon ng pagdiriwang ng banal na misa sa Parokya ni Sid sa ganap na ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ณ ๐ป๐ด ๐๐บ๐ฎ๐ด๐ฎ.
Ang banal na araw na ito ay isang mahalagang pagdiriwang para sa Simbahang Katolika dahil ang dakila at maluwalhating pag-akyat kay Maria sa langit ay itinuturing na isang mahalagang katuruan na sumisimbolo ng tagumpay sa kamatayan at nagpapatunay ng kadakilaan ng Diyos.
Sa pagdiriwang nating ito, itaas natin ang ating mga hiling at dalangin sa ating inang si Maria na iniakyat sa langit. Nawa'y patuloy niya tayong ilapit sa kanyang anak upang tunay nating makamit ang kaligayahan kasama Niya sa langit na tunay nating tahanan.