24/12/2025
Pasko na, pasko na! tayo’y magkaisa 🎶
Ipinunto ni padre na bukod sa pagtanggap natin kay Hesukristo ng buong puso, ang mahalaga ngayong kapaskuhan ay ang magkakasamang pamilya–hindi ang kung anumang materyal na regalo. 🎁🧧
Nawa ligtas at masaya ang lahat ngayong kapaskuhan, kahit na anumang pagsubok ang inyong pinagdadaanan. At tayo’y magalak sapagkat isinilang na ang ating manunubos at tagapaglitas na si Hesus.🙌
Lubos din kaming nagpapasalamat sa mga naging sponsor ngayong Christmas Vigil Mass, sina:
Candle: Tessa Dizon
Belen: Vincent Calooy & Nathalie Cinco
Mula sa San Isidro Labrador - Cacalog, Maligayang Pasko sa inyong lahat at pagpalain nawa kayo ng maykapal ❤️🎄