DSPSC - Ministry on Evangelization & Lay Formation - MELF

DSPSC - Ministry on Evangelization & Lay Formation - MELF Mission to spread the Gospel and help lay people grow in their faith and vocation.

This ministry focuses on engaging the laity in active participation in the Church's mission, empowering them to evangelize, live out their faith, and contribute to the life

CCTO of the PhotoPrayer for Those Affected by the Earthquake in Mindanao 🙏🏻Loving and merciful Father,we lift to You our...
08/06/2026

CCTO of the Photo
Prayer for Those Affected by the Earthquake in Mindanao 🙏🏻

Loving and merciful Father,
we lift to You our brothers and sisters in Mindanao who were affected by the earthquake. We ask for Your protection, comfort, and strength for all those who are afraid, injured, or have lost their homes and belongings.

Be with the families, the communities, and the responders who are helping during this difficult time. Give wisdom and courage to those assessing the damage and providing assistance.

May Your presence bring peace amid fear, hope amid uncertainty, and unity among all people. Keep everyone safe from further harm, especially from aftershocks and dangers caused by damaged structures.

Through the intercession of our Blessed Mother, may we continue to care for one another with compassion and love.

Amen. 🙏

Maraming salamat po sa matagumpay na paglahok sa “Promoting and Honoring Our Patroness, Our Lady of Easter Joy (Mahal na...
06/06/2026

Maraming salamat po sa matagumpay na paglahok sa “Promoting and Honoring Our Patroness, Our Lady of Easter Joy (Mahal na Birhen ng Pagbati)” bilang bahagi ng Maria et Fides 2026 sa San Mateo, Rizal.

Lubos ang aming pasasalamat sa pangunguna nina Bro. Adonis at Sis. Alda ng Legion of Mary, kasama ang lahat ng mga naglingkod at nakiisa sa gawaing ito.

Nawa’y patuloy nating palalimin ang ating pagmamahal kay Maria na laging umaakay sa atin patungo kay Hesus. Sa kanyang halimbawa ng pananampalataya at pagtitiwala, nawa lalo pang lumago ang ating buhay Kristiyano.

Ad Jesum per Mariam!
(Kay Hesus sa pamamagitan ni Maria)

Sa biyaya ng Panginoon, matagumpay na natapos ang unang araw ng Formation Seminar para sa mga bagong Liturgical Minister...
06/06/2026

Sa biyaya ng Panginoon, matagumpay na natapos ang unang araw ng Formation Seminar para sa mga bagong Liturgical Ministers.

Ang pagtitipong ito ay naging isang mahalagang pagkakataon upang higit nilang makilala ang kahalagahan ng paglilingkod sa altar, sa liturhiya, at sa buong sambayanan ng Diyos. Sa pamamagitan ng paghubog, pagbabahagi, at pagninilay, sila ay unti-unting inihahanda upang maging mga lingkod na may pananampalataya, malasakit, at tunay na diwa ng paglilingkod.

Maraming salamat sa lahat ng bumuo, naghanda, at naglaan ng oras upang maisakatuparan ang gawaing ito. Nawa’y patuloy silang gabayan ng Banal na Espiritu sa kanilang bokasyon bilang mga lingkod ng Simbahan.

Nawa ang bawat bagong Liturgical Minister ay maging buhay na saksi ng pagmamahal ni Kristo—naglilingkod nang may kababaang-loob, pagkakaisa, at puso.

“Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod.” (Marcos 10:45)

Pasasalamat sa Natapos na Basic Bible Seminar 2 Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Panginoon sa biyaya ng matagumpay ...
06/06/2026

Pasasalamat sa Natapos na Basic Bible Seminar 2

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Panginoon sa biyaya ng matagumpay na pagtatapos ng Basic Bible Seminar 2. Tunay na naging pagpapala ang mga araw ng pag-aaral, pakikinig, pagbabahagi, at pagninilay sa Salita ng Diyos.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa pangunguna ni Sis. Jean, ang kanilang Head, kasama sina Sis. Divine, Sis. Elvie, at ang lahat ng mga naging bahagi ng gawaing ito. Ang inyong panahon, dedikasyon, at paglilingkod ay naging daan upang mas mapalalim ang aming pananampalataya at mas maunawaan ang mensahe ng Banal na Kasulatan.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Diyos at bigyan ng lakas upang maipagpatuloy ang inyong misyon sa pagpapalaganap ng Kanyang Salita. Nawa ang natutunan natin ay hindi lamang manatili sa ating isip kundi maisabuhay sa ating pang-araw-araw na buhay.

Maraming salamat po sa inyong lahat. Purihin ang Diyos sa biyaya ng kaalaman, pagkakaisa, at paglago sa pananampalataya. 🙏

“Ang salita ng Diyos ay buhay at mabisa.” (Hebreo 4:12)

10/05/2026
Isang makabuluhan at pinagpalang araw ang aming naranasan sa ginanap na Pre-Cana Seminar ngayong araw para sa mga magkas...
09/05/2026

Isang makabuluhan at pinagpalang araw ang aming naranasan sa ginanap na Pre-Cana Seminar ngayong araw para sa mga magkasintahang naghahanda sa pagpasok sa banal na sakramento ng kasal.

Pinangunahan ito ng ating Parish FLA Coordinators na sina Bro. Orly at Sis. SM, sa mga kapatid na bumisita sa CFC na sina Bro. Ruding at Sis. Sarah, na nagbahagi kung ano ang CFC.

Sa pamaamagitan ng seminar na ito, nawa’y mas lalong tumibay ang pananampalataya, pagmamahalan, pag-unawa, at pananagutan ng bawat magkasintahan habang sila ay naghahanda sa bagong yugto ng kanilang buhay bilang mag-asawa.

Maraming salamat sa lahat ng naglaan ng oras, pagod, at pagmamahal upang maging matagumpay ang gawaing ito para sa ikabubuti ng mga future couples ng ating parokya. Patuloy nawa tayong maging instrumento ng Diyos sa paggabay sa mga pamilyang Kristiyano.

“Therefore what God has joined together, let no one separate.” — Mark 10:9

Mula po sa Ministry of Evangelization and Mission, buong kagalakang pasasalamat at pagbati po Rev. Fr. Eldrick sa inyo p...
30/04/2026

Mula po sa Ministry of Evangelization and Mission, buong kagalakang pasasalamat at pagbati po Rev. Fr. Eldrick sa inyo pong pagkakahirang bilang bagong Kura Paroko ng Parokya ni San Miguel Arkanghel, Jala-Jala, Rizal.

Nawa’y patuloy po kayong pagpalain at gabayan ng Panginoon sa inyong bagong misyon, at nawa’y samahan po kayo ni San Miguel Arkanghel sa inyong paglilingkod at paggabay sa sambayanan ng Diyos nang may pagmamahal at pananampalataya.

Binabati ka namin, Fr. Elderick! Nawa’y patuloy pang pagpalain ng Diyos ang iyong paglilingkod. God bless po 🙏🏻.

30/04/2026

Address

Doña Aurora Street , Poblacion Ibaba
Angono
1930

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Telephone

+639399205076

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSPSC - Ministry on Evangelization & Lay Formation - MELF posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to DSPSC - Ministry on Evangelization & Lay Formation - MELF:

Share