St. Clement Parish Youth Ministry

Call Directions Website Contact the place of worship

St. Clement Parish Youth Ministry The Official page of St. Clement Parish Youth Ministry, Diocesan Shrine and Parish St. Clement, Angono, Rizal. Clement Parish, Angono, Rizal.

The Official page of Angono Parish Youth Ministry, St. Contact us:
+639353854323

Facebook: fb.com/angonopym
Twitter:
Instagram:

Magandang araw, mga kapatid!Kumusta ka?Inaanyayahan ang lahat ng kabataan ni San Clemente na dumalo sa ating Ugnayan sa ...
30/09/2026

Magandang araw, mga kapatid!

Kumusta ka?

Inaanyayahan ang lahat ng kabataan ni San Clemente na dumalo sa ating Ugnayan sa darating na Sabado, ika-3 ng Oktubre sa ganap na ika-5 ng hapon sa 3rd Floor Formation Center ng ating simbahan.

Ano nga ba ang kahalagahan ng pagdadasal ng rosaryo? halina't ating alamin!

Huwag kalimutang ayain ang inyong kaibigan at dalhin ang inyong APYM Journal, ngiti, at energy.

See you, mga kapatid! 🀍✨


25/09/2026
Maligayang Kaarawan, Ate Ella!🀍Maraming salamat sa iyong pagmamahal, pagbibigay pag-asa at paglilingkod sa Diyos, simbah...
25/09/2026

Maligayang Kaarawan, Ate Ella!🀍

Maraming salamat sa iyong pagmamahal, pagbibigay pag-asa at paglilingkod sa Diyos, simbahan, at sa ating kapwa. Kasama ka sa aming mga panalangin! Mahal ka namin! πŸ₯³πŸ«Ά

Pagbati mula sa buong Kabataan ni San Clemente.


24/09/2026
Maligayang Kaarawan, Kuya Llyle!πŸ’™Maraming salamat sa iyong pagmamahal, pagbibigay pag-asa at paglilingkod sa Diyos, simb...
23/09/2026

Maligayang Kaarawan, Kuya Llyle!πŸ’™

Maraming salamat sa iyong pagmamahal, pagbibigay pag-asa at paglilingkod sa Diyos, simbahan, at sa ating kapwa. Kasama ka sa aming mga panalangin! Mahal ka namin! πŸ₯³πŸ«Ά

Pagbati mula sa buong Kabataan ni San Clemente.


22/09/2026

π–π„π‹π‚πŽπŒπ„ 𝐑𝐄𝐕. π‘πˆπ‚π‡π€π‘πƒ π‰π€πŒπ„π’ 𝐃𝐄 π‹π„πŽπ

With great joy and gratitude, we warmly welcome Rev. Richard James De Leon to the Diocesan Shrine and Parish of Saint Clement as our newly assigned Deacon. May your presence and ministry among us be a source of grace, inspiration, and spiritual renewal. May the Lord bless and strengthen you in your vocation, and guide you as you faithfully serve His people and our parish community.

May Saint Clement of Rome, our beloved patron, accompany and intercede for you as you begin your ministry among us.



"Those who hope in the Lord will run and not be weary." cf. Is. 40:31"Ang mga kabataan ay ang kasalukuyan at hinaharap n...
22/09/2026

"Those who hope in the Lord will run and not be weary." cf. Is. 40:31

"Ang mga kabataan ay ang kasalukuyan at hinaharap ng simbahan at bayan."

Maraming salamat sa mga kabataang dumalo sa ating Post-Parish Youth Day 2026 noong nagdaang ika-19 ng Setyembre. Nawa’y maraming natutuhan ang bawat isa tungkol sa ating papel at gampanin bilang kabataan ni San Clemente. Magkita-kita muli tayo sa mga susunod pang gawain. Sama-sama tayong maglingkod, mga kalakbay! ✨


20/09/2026

🎢 β€œMayro’n din naman palang ganda ang buhay… Pwede nang mangarap…” 🎢

Pwede nang mangarap. Pwede nang sumama. Dahil mas maganda ang pangarap kapag may kasama kang maglakbay, mag-alay, at mag-akay.

Kaya, Young Juans, tara na at maging bahagi ng Vicariate Youth Assembly 2026! Sama-sama nating ipagdiwang ang ating mga talento, tuklasin ang tawag ng Diyos, at makiisa sa isang makabuluhang araw ng fellowship at Youth Jam.

πŸ“… October 10, 2026 | 12:30 PM
πŸ“ Christ the King Parish – Taytay, Rizal

Participants: Maximum of 25 participants per parish | 15 years old and above | Open to all Youth Ministry

Pre-register here: https://forms.gle/KAyaci4g9NBZLfaQ8

See you, Young Juans!




β€œThose who hope in the Lord will run and not be weary.” Isaiah 40:31Mula po sa St. Clement Parish Youth Ministry, marami...
19/09/2026

β€œThose who hope in the Lord will run and not be weary.” Isaiah 40:31

Mula po sa St. Clement Parish Youth Ministry, maraming maraming salamat po sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating 23rd Parish Youth Day!

Sa aming mga sponsors, sa Parish Pastoral Council, other ministries at sa mga taong hindi nagdadalawang isip na mag abot ng suporta at tulong para sa ikakaganda ng ating activity, maraming salamat po!

Maraming salamat po sa mga ate at kuya sa ministry na walang sawang sumuporta at gumabay sa amin para mapagtagumpayan β€˜tong activity na ito.

Sa aming guest speaker, Kuya Joseph Rainier β€œTute” Paguergan na pinaunlakan ang aming imbitasyon para makapagbahagi ng kanyang karanasan, oras, at karunungan sa mga kabataan ni San Clemente. Maraming salamat po!

Sa aming adviser, Tita Cherilynn Salvador, maraming salamat po sa inyong paggabay para maisakatuparan namin ang activity na ito. Sa paglalaan ng oras para tulungan kami sa mga kailangan para maging maganda ang activity na ito, maraming salamat po!

Sa ating parish priest, Rev. Fr. Aly A. Barcinal, maraming salamat po sa patuloy ninyong suporta at gabay na inyo pong ibinigay sa 23rd Parish Youth Day at sa ibang activities ng ministry. Maraming salamat po sa inyong presensya at oras para makasama po ang mga kabataan ni San Clemente. Palagi po naming baon ang inyong bilin sa amin na maging mabuti.

At sa mga kabataan na sumama at naki-saya sa amin! Salamat sa inyong oras, talento, at mga karanasan na inyong mga ibinahagi na hanggang dulo natin babaunin. Isa kayong mga biyaya at pag-asa sa aming lahat. Naging matagumpay ito dahil sa pakikiisa ninyong lahat. At sa inyong mga magulang na pinahintulutan kayong sumama para sa activity na ito.

At ang buong pasasalamat namin para maging matagumpay ito ay sa Inyo, Panginoon, sa pagpapakaloob sa amin ng magandang panahon, sa pagiging lakas namin at sa pagiging sentro ng activity na ito. Sa pagbibigay ng pag-asa sa bawat paglalakbay namin. Maraming maraming salamat po!

Thank you po sa inyong lahat na naging parte ng successful na activity na ito. Naging matagumpay ito dahil maganda ang hangarin ng ating mga puso at dahil mahal natin ang Diyos.

23rd Parish Youth Day - Lakbay



Address

Angono
1930

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Clement Parish Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. Clement Parish Youth Ministry:

Shortcuts

Share