Jesus First Christian Ministries - Young People - Angono & Floodway

Jesus First Christian Ministries - Young People - Angono & Floodway To Win, To Train and To Send

Late upload! A groupie as we end the service ✌️✌️
01/05/2023

Late upload! A groupie as we end the service ✌️✌️

Had an awesome Saturday (April 29 2023)! Youth Fellowship!Come and join us too!
30/04/2023

Had an awesome Saturday (April 29 2023)! Youth Fellowship!
Come and join us too!

Youth and Singles Bible Study! DONE! 🥰Spending time, studying God's word is truly a blessing
15/10/2022

Youth and Singles Bible Study! DONE! 🥰
Spending time, studying God's word is truly a blessing

Kamusta ka ngayong simula ng Linggo? Saan ka nakatuon ng husto? Sa dinamirami mong gawain, napaglalaanan mo rin ba ng pa...
27/09/2022

Kamusta ka ngayong simula ng Linggo? Saan ka nakatuon ng husto? Sa dinamirami mong gawain, napaglalaanan mo rin ba ng panahon ang Panginoon? Sa bawat gawain mo? Sa pag-iisip? Sa lahat?

Ang pamantayan Niya ba ang sinusunod mo?

Para sa whole teaching, click the link! https://www.facebook.com/JFCMAngono/videos/481872210484041

“Sana all may forever.”Madalas natin yang mabasa sa social media platforms ngayon, o di naman kaya marinig sa mga tao ng...
09/09/2022

“Sana all may forever.”

Madalas natin yang mabasa sa social media platforms ngayon, o di naman kaya marinig sa mga tao ngayon na “Sana ako rin, makatagpo ng forever.” Ano ba ang pagkakaintindi mo sa ‘forever’? Forever na masaya pag maraming pera? Pag may masayang lovelife? Pag mayaman? Kapag nakatagpo ka ng makakasama mo habang buhay? ‘Forever’ nga ang dating, pero meron silang lahat na iisang common denominator. Nawawala.

Masakit isipin pero totoo, lahat ng meron sa mundong ito, kahit pinakainiingat-ingatan mo, mawawala. Lahat ng kaligayahan na nakabase sa mundong ito, mawawala. Yun ang totoo. Kaya minsan, may iba, nagsasabi “I’d rather be alone.” Pero, hindi yun ang tunay na nais ng Panginoon sa atin, sa lahat.

Ang tunay na forever ay nasa Panginoong Hesus; ang tunay na definition ng kaligayahan. Bakit? Dahil Siya ay pang-eternal, Siya ay hindi mamamatay, hindi temporary, hindi ka sasaktan, hindi ka iiwan. “Parang too good to be true naman ata?”, yan din ang madalas na tanong ng mga nagdududa, talagang true yan, dahil SIYA AY HINDI MULA SA MUNDONG ITO. Pansin mo? Lahat ng nasa mundo, nawawala. Pero Siya, hindi, dahil hindi tagamundo si Hesus.

May pangako Siya, na lahat ng susunod sa Kanya, ay Kanyang makakasama, sa Kanyang piling, sa buhay na walang hanggan.

Kaya ikaw, ako, tayo, huwag nating ilagay ang source ng ating kaligayan sa mundong ito, kundi sa Panginoon lamang.

Magandang gabi!

Tunay nga na thank God, it’s Friday :)

Kamusta ka nitong mga nakaraang araw? Buwan? Kamusta ang iyong devotion time? Prayer time? You and Jesus time? Napaglala...
08/09/2022

Kamusta ka nitong mga nakaraang araw? Buwan? Kamusta ang iyong devotion time? Prayer time? You and Jesus time? Napaglalaanan mo ba ito ng panahon? O masyado ka ng nao-occupy ng mga gawaing iba at di na nakapaglalaan ng panahon para sa ikalalago ng iyong buhay pananampalataya?

Mag-ingat ka. Ang simpleng pag neglect sa mga ganitong gawain ay isa sa mga senyales na nawawalan ka ng kontrol sa iyong sarili.

Sabi nga sa Kawikaan 25:28
Ang taong walang pagpipigil sa sarili ay madaling bumagsak gaya ng isang bayan na walang pader.

Pigilan ang sarili na maging tamad, pabaya, at nagsasawalang bahala sa gawain na patungkol sa Panginoon. Para ka na ring isang bayang walang pader na kahit ano man oras ay susugurin ng kaaway.

Paano malulutasan ang bagay na ito? Mas lalo kang lumapit sa Kanya through being with the Church (involving yourself more with your brothers and sisters in Christ), at mag-involve sa gawain ng Panginoon.

Kawikaan 25:16-28

Hindi pala dapat na tao ang basehan ng ating paglilingkod sa Panginoon, o mga sabi-sabi ng mga matatanda. Ang dapat pala...
06/09/2022

Hindi pala dapat na tao ang basehan ng ating paglilingkod sa Panginoon, o mga sabi-sabi ng mga matatanda. Ang dapat pala mismong basehan, ang ating kapanukat ay ang Panginoong Hesus. Hmmm.. Paano? 🤓

Basahin natin ang summary ng preaching nung nakaraang Sept 4, 2022! Narito rin ang buong pagtuturo --> https://www.facebook.com/JFCMAngono/videos/2857346587905981

Hindi natin talaga alam kung kailan darating ang Panginoong Hesus. May nakalagay ba sa Bibliya specifically? Anong taon?...
02/09/2022

Hindi natin talaga alam kung kailan darating ang Panginoong Hesus. May nakalagay ba sa Bibliya specifically? Anong taon? Saan? Saan banda sa mundo? Wala. Puro signs lang, pero the rest, wala.

Dahil natin alam kung kailan, kailangang anumang oras ay handa tayo sa pagdating niya. Dapat ay madatnan Niya tayo na naglilingkod sa Kanya, madatnan tayo na Siya at siya pa rin ang ninanais anumang segundo ng buhay.

Pero syempre, hindi lang dapat ang sarili natin ang ating concern, kundi yung mga taong nakapaligid sa atin. Nakakilala na ba sila sa Panginoon? Ang Mama mo? Papa mo? Kapatid mo? At kung sinu-sino pa?

Hindi mo ba ma-imagine na baka sa pagdating ng Panginoong Hesus ay hindi sila makasama?

Lahat ng medium para maibahagi ang salita ng Panginoon, gamitin natin. At huwag tayong matakot! Gaya ng sinabi sa preaching noong nakaraang Linggo.

Ang pagbabahagi ng salita ng Diyos ay isang utos mula sa Kanya.
https://www.facebook.com/JFCMAngono/videos/463847868999422

Ang winika ng Panginoong Hesus kay Simon Pedro ay para rin sa atin: “Huwag kang matakot.“ --Natatakot ka bang ibahagi an...
31/08/2022

Ang winika ng Panginoong Hesus kay Simon Pedro ay para rin sa atin: “Huwag kang matakot.“
--
Natatakot ka bang ibahagi ang salita ng Panginoon sa mga tao sa paligid mo?
Pero nais mong ibahagi ito?
Pakinggan ang buong pag-aaral patungkol dito: https://www.facebook.com/JFCMAngono/videos/463847868999422

Let us win this Wednesday by starting to share His words, kahit ano mang medium ang gamitin mo! :) Pwede mo rin simulan sa pagshe-share nitong post na to! :)

Address

Angono

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jesus First Christian Ministries - Young People - Angono & Floodway posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share