Iglesia ni Cristo -Lokal ng Angono

Iglesia ni Cristo -Lokal ng Angono WE ARE ONE WITH EVM

Clean Up Drive ng Kapisanang CBI (Christian Brotherhood International) October 24,2016By Lanz Pugay CBI Locale President
24/10/2016

Clean Up Drive ng Kapisanang CBI (Christian Brotherhood International) October 24,2016

By Lanz Pugay CBI Locale President

Muling nagsagawa ng Lingap Pamamahayag ang Lokal ng Angono sa Tayuman Covered Court kahapon July 1,2016 na kung saan sin...
02/07/2016

Muling nagsagawa ng Lingap Pamamahayag ang Lokal ng Angono sa Tayuman Covered Court kahapon July 1,2016 na kung saan sinamahan muli ng Panginoong Diyos ang gawaing ito.

Lingap Pamamahayag sa Brgy.San Vicente Angono,Rizal May 24,2016.Sa AMA ang Lahat ng Kapurihan. . .
25/05/2016

Lingap Pamamahayag sa Brgy.San Vicente Angono,Rizal May 24,2016.Sa AMA ang Lahat ng Kapurihan.

.
.

Matagumpay pong nakipagkaisa ang mga Kapatid na mag akay ukol sa Dakilang Pamamahayag ng mga salita ng Diyos na Pinangas...
22/05/2016

Matagumpay pong nakipagkaisa ang mga Kapatid na mag akay ukol sa Dakilang Pamamahayag ng mga salita ng Diyos na Pinangasiwaan ng Kapatid na Eduardo V.Manalo ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo sa Philippine Arena,na kung saan nasaksihan via videolink sa aming Lokal.Napuno ng mga Kapatid at ng kanilang mga Panauhin ang loob at labas ng compound ng aming Lokal.Sa AMA ang Lahat ng Kapurihan!

.
.

Paghahananda para sa Dakilang Pamamahayag ng mga salita ng Diyos sa araw ng bukas Mayo 22,2016 na pangangasiwaan ng Kapa...
21/05/2016

Paghahananda para sa Dakilang Pamamahayag ng mga salita ng Diyos sa araw ng bukas Mayo 22,2016 na pangangasiwaan ng Kapatid na Eduardo V.Manalo sa Philippine Arena, na masasaksihan na aming Lokal 8:00AM.

Maramihang Pamamahagi ng Polyeto Mayo 14,2016,Lokal ng Angono Distrito ng Rizal.Kaisa po kami ng Pamamahala sa lahat ng ...
15/05/2016

Maramihang Pamamahagi ng Polyeto Mayo 14,2016,Lokal ng Angono Distrito ng Rizal.Kaisa po kami ng Pamamahala sa lahat ng gawain sa loob ng Iglesia!

(C) KA Reynar Sugui


.

Kaming mga taga lokal ng Angono ay kaisa ng Pamamahala na ipalaganap ang mga salita ng ating PANGINOONG DIYOS.Magbunga a...
15/02/2016

Kaming mga taga lokal ng Angono ay kaisa ng Pamamahala na ipalaganap ang mga salita ng ating PANGINOONG DIYOS.
Magbunga ang bawat isa -
Juan 15:16,2



30/01/2016

Sa araw po ng bukas Linggo 5:45 AM,January 31,2016 .

Magkakaroon po ng PAGSAMBANG PAMAMAHAYAG na Pangangasiwaan ng Kapatid na Arnel Tumanan!.

Dito po sa Lokal ng Angono Distrito ng Rizal.

Ang mga Maliligtas sa PaghuhukomPaano nga ba makaliligtas ang tao pagdating ng nakakatakot na araw na ito ng kapootan ng...
19/12/2014

Ang mga Maliligtas sa Paghuhukom

Paano nga ba makaliligtas ang tao pagdating ng nakakatakot na araw na ito ng kapootan ng Panginoon. Meron bang ipinakikilala ang Biblia na mga makaliligtas sa kapahamakang ito na napakalapit nang dumating? Ating basahin ang sagot:

1 Tessalonica 4:16-17 “Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay KAY CRISTO ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man.”

Ang makaliligtas sabi ng Biblia ay yung mga taong “kay Cristo” o pag-aari ni Cristo. Sila ang mapalad na makaliligtas sa Paghuhukom, ang mga namatay na kay Cristo ay mga unang bubuhayin, at ang mga daratnang buhay ay hindi na makakaranas pa ng kamatayan kundi sila’y aagawin at isasama doon sa mga muling binuhay at iaakyat kapuwa sa alapaap kasama ng Panginoon at sila’y makakasama niya magpakailan kailanman.

Ang mga kay Cristo ay ang mga hindi madadamay o mamamatay sa pagpuksa ng apoy bunga ng Paghuhukom, dahil bago ito mangyari ay darating si Cristo upang kunin sila. Kaya napakahalaga na ating matiyak na tayo ay tunay na kay Cristo. Lahat ba ng tao ay kinikilala ni Cristong kaniya? Eh paano iyong mga nagsasabi na kumikilala at tumatawag naman daw sila kay Cristo kaya kay Cristo din sila? Lahat ba ng tumatawag at kumikilala kay Cristo ay kaniya?

Mateo 7:21-23 “Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.”

Kitang-kita ang ebidensiya na hindi ang bawa’t tao na kumikilala o tumatawag kay Cristo na Panginoon ang makapapasok sa langit. Sa madaling salita hindi lahat ng tao na kumikilala at sumasampalataya sa kaniya ay maliligtas. Sinabi niya na iyon lamang gumaganap ng kalooban ng kaniyang Ama na nasa langit. At ipinakita din sa talata ang kasawiang sasapitin ng mga taong hindi kay Cristo, na kahit gumawa pa ng kung anu-anong mga dakila at makapangyarihang mga gawa ay balewala kay Cristo sapagkat hindi sila kinikilala ni Cristong kaniya. Kaya napakahalaga na ating matiyak na tayo ay tunay na kay Cristo sapagkat ang mga kay Cristo lamang ang ililigtas niya pagdating ng araw ng Paghuhukom.

Ang mga Kay Cristo na ililigtas niya

Sino ba ang kinikilala ni Cristo na kaniya? Ating tunghayan ang malinaw na sagot ng Tagapagligtas:

Mateo 16:18 “At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.”

Ang kinikilala ni Cristong kaniya ay ang kaniyang Iglesia. Samakatuwid ang dapat gawin ng tao ay ang sikapin na mapabilang sa Iglesiang kinikilala ni Cristong kaniya na ito nga ay ang Iglesia ni Cristo.

Roma 16:16 “Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO.”

Kaya nga hindi naman nagkulang ang Biblia ng pagtuturo kung papaano ang kaparaanan sa kaligtasan at ito’y nilinaw sa atin ng Panginoong Jesus mismo, narito ang dapat nating gawin para mapabilang sa mga taong kinikilala ni Cristo na kaniya:

Marcos 16:15 “At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.

Napakaliwanag ng sagot ng Panginoong Jesus, kinakailangan na tayo ay mapangaralan ng evangelio o Biblia, kailangan nating sumampalataya sa mga aral nito, at mabautismuhan, at tayo ay maliligtas.

Maaaring sabihin ng iba: “Kaibigan ako ay inaralan na at nabautismuhan sa relihiyon kong kinabibilangan”

Bakit? Ang bautismo bang tinutukoy ay ang bautismo ng kahit na sinong relihiyon o Iglesia? Ang sagot: Hindi, dahil nilinaw din kung saan tayo dapat mabautismuhan? Ating tunghayan ang sagot:

1 Corinto 12:12-13 “Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo. Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.”

Ang taong nagnanais na maligtas sa Araw ng Paghuhukom ay kinakailangang mabautismuhan sa isang katawan, na ang katawang tinutukoy ay ang katawan ni Cristo kung saan kinakailangan na tayo ay maging sangkap o maging miembro nito. Alin ba iyong katawan ni Cristo na kung saan dito tayo dapat mabautismuhan? Basahin natin:

Colosas 1:18 “At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.”

Ang katawan ni Cristo na tinutukoy ay ang Iglesia. Ang kaniyang katawan na siya rin ang ulo nito – ang Iglesia ni Cristo. Dito sa Iglesiang ito na pinangunguluhan ni Cristo dapat mapabilang o maging kaanib ang tao upang siya’y magtamo ng kaligtasan. Ito ang itinuturo na paraan ng Tagapagligtas upang tayo ay makaligtas sa nakatakdang kapahamakan na napakalapit nang dumating.

Dahil ang Iglesia ni Cristo ang ililigtas ni Cristo:

Efeso 5:23 “Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito.” [Magandang Balita, Biblia]

At ito ang pinaghandugan niya ng kaniyang buhay:

Efeso 5:25 “Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para rito,” [MB]

Ang sinomang nagnanais na makaligtas ay hindi niya kailanman maiiwasan ang pag-anib sa tunay na Iglesia sapagkat ito ang tanging kaparaanang itinuturo ni Cristo na ating Tagapagligtas. Ang mapapabilang dito ay ang magtatamo ng kaligtasan pagdating ng Araw ng Paghuhukom…

Lahat nga ba ng Tao ay Natubos ng Dugo ni Cristo?Tanong sa atin ng isang Anonymous:Ako po'y dating sakristan, at kasaluk...
29/11/2014

Lahat nga ba ng Tao ay Natubos ng Dugo ni Cristo?

Tanong sa atin ng isang Anonymous:

Ako po'y dating sakristan, at kasalukuyang Catholic. Tama po ba ang pagkakaalam ko na LAHAT ng TAO ay maliligtas sa judgment day?

Laganap po kasi yung phrase na "Jesus died for the sins of the world", puede niyo bang liwanagin ito?

ISANG malaganap na paniniwala ng di mabilang na mga tao sa daigdig na ang kamatayan ni Cristo raw ay para sa lahat ng tao at hindi maaaring angkinin ng sinomang grupo o pangkatin ng pananampalataya lamang. Madalas na madinig natin sa kanila ang mga salitang ito:

“JESUS DIED FOR THE SINS OF THE WORLD"

Kaya nga kapag daw may isang pangkatin ng relihiyon na magtuturo na sila lang ang maliligtas o sila lang ang tinubos ni Cristo ito raw ay bulaang mangangaral. Dahil sa katotohanan nga raw ay namatay si Cristo sa Krus upang tubusin ang lahat ng kasalanan ng tao sa daigdig.

At may ginagamit pa silang talata:

1 Timoteo 2:6 “NA IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan;”

Ginagamit nila ang verse na ito bilang kanilang batayan na ang lahat ng tao sa daigdig ay nasasakop ng ginawang pagtubos at ng pagkamatay ni Cristo. Tama kaya ang pagkaunawa nila sa talatang ito? Ang salita kayang LAHAT na binabanggit diyan ay kumakatawan sa LAHAT NG TAO sa mundo?

Hindi ba lalabas niyan na kung lahat ng tao sa mundo ay NATUBOS ng dugo ni Cristo, samakatuwid ay wala nang mapapahamak, wala nang mapaparusahan pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM, kasi nga maliligtas na ang lahat eh, hindi po ba? Ganun ba sabi ng Biblia?

Juan 5:28-29 “Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ANG MGA NAGSIGAWA NG MASAMA, AY SA PAGKABUHAY NA MAGULI SA PAGHATOL.”

Dito pa lamang sa sinabing ito ng TAGAPAGLIGTAS ay napakaliwanag na HINDI LAHAT ng TAO ay MALILIGTAS, kasi nga sa Araw ng Paghuhukom ay may mga tao na bubuhaying maguli para sa PAGHATOL.

Eh gaano ba kadaming tao ang mapaparusahan sa Araw ng Paghuhukom?

Apocalypsis 20:7-10 “At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan, At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ANG BILANG NILA AY GAYA NG BUHANGIN SA DAGAT. At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila'y nasupok. At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at SILA'Y PAHIHIRAPAN ARAW AT GABI MAGPAKAILAN KAILAN MAN.”

Maliwanag ang pahayag ng Biblia, kung gaano kadaming tao ang mapaparusahan sa Araw ng Pahuhukom, sabi ng talata, singdami ng Buhangin sa Dagat. Kaya maliwanag na maliwanag na ang HINDI TOTOO NA LAHAT NG TAO AY MALILIGTAS at LAHAT NG TAO AY NATUBOS NG DUGO NI CRISTO.

Gaano ba kahalaga ang matubos tayo ng Dugo ni Cristo:

Efeso 1:7 “Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating KATUBUSAN SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG DUGO, na KAPATAWARAN NG ATING MGA KASALANAN, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,”

Kapag tayo ay natubos ng dugo ni Jesus, maliwanag na tayo ay mapapatawad na sa ating mga kasalanan, dahil kung hindi tayo mapapatawad sa ating mga pagkakasala, maliwanag ang pahayag ng Biblia na tayo ay mamamatay o mapaparusahan sa ikawalang kamatayan sa dagat-dagatang apoy.

Roma 6:23 “Sapagka't ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”

Apoc 20:14 “At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. ITO ANG IKALAWANG KAMATAYAN, SA MAKATUWID AY ANG DAGATDAGATANG APOY.”

Kaya dito pa lamang ay atin nang natitiyak na hindi totoo ang paniniwala ng maraming tao sa daigdig na ang LAHAT NG TAO AY NATUBOS NG DUGO o NASASAKOP ng KAMATAYAN ni Cristo. Dahil sinasabi ng Biblia na napakaraming tao – sindami ng buhangin sa dagat ang mapaparusahan pagdating ng Araw ng Paghuhukom.

Eh bakit sabi doon sa talatang binasa natin kanina eh lahat ay natubos ng dugo ni Cristo, hindi ba lalabas niyan na sa Biblia ay may KONTRADIKSIYON?

Kaya balikan natin ang talata:

1 Timoteo 2:6 “NA IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan;”

Nais kong ipapansin sa iyo Mr. Anonymous na ang mga gumagamit ng talatang ito ay mayroong iniiwasang basahin at partikular na binabasa lamang ang VERSE na ito. Kaya ating ipakita ang mga VERSE na hindi nila binabasa na sinusundan ng talatang iyan, upang ating mapatunayan na nagkakamali lamang sila ng pagkaunawa na ang tinutukoy diyan na natubos ay ang lahat ng tao sa mundo:

1 Timoteo 2:3 “Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas;”

1 Timoteo 2:4 “NA SIYANG MAY IBIG NA ANG LAHAT NG MGA TAO'Y MANGALIGTAS, AT MANGAKAALAM NG KATOTOHANAN.”

1 Timoteo 2:5 “Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,”

1 Timoteo 2:6 “NA IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan;”

Kapag binasa ng kumpleto ang nasabing talata mula versikulo 3 hanggang 6, ay mayroon kang mapapansin. Maliwanag na pinatutunayan ng Biblia na ang salitang LAHAT ay hindi tumutukoy sa LAHAT NG TAO SA MUNDO, kundo doon lamang sa MGA TAO NA MAKAKAALAM NG KATOTOHANAN.

Samakatuwid may REQUIREMENT para ang tao ay MALIGTAS, kailangang malaman niya ang KATOTOHANAN, dahil kung nasa KASINUNGALINGAN siya , eh papaano siya maliligtas.

Kasi nga kung hindi tatanggapin ng tao KATOTOHANAN ay hindi siya maliligtas, ganito sinasabi pa ng Biblia:

2 Tesalonica 2:9-12 “Lilitaw ang Suwail na taglay ang kapangyarihan ni Satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng himala at nakalilinlang na tanda at kababalaghan. At gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak – MGA TAONG MALILIGTAS SANA KUNG KANILANG TINANGGAP AT INIBIG ANG KATOTOHANAN, SAPAGKAT HINDI NILA TINANGGAP ANG KATOTOHANAN, IPINAUBAYA NG DIYOS NA SILA’Y MALINLANG NG ESPIRITU NG KAMALIAN AT PAPANIWALAIN SA KASINUNGALINGAN, UPANG MAPARUSAHAN ANG LAHAT NG PIMILI SA KASAMAAN SA HALIP NA TUMANGGAP SA KATOTOHANAN.” [Magandang Balita, Biblia]

Maliwanag na ang mga hindi umibig sa katotohanan ay parurusahan sa dagat-dagatang apoy, samakatuwid ay hindi sila maliligtas sa Araw ng Paghuhukom.

Kaya isa sa napakahalagang gampanin ng sinoman na nais maligtas ang pagtiyak kung talaga bang nalalaman niya ang KATOTOHANAN? Dahil kung hindi natin malalaman ang KATOTOHANAN ay mawawalan tayo ng napakahalagang pagkakataon sa kaligtasan.

Ano ba ang isa sa KATOTOHANANG dapat tanggapin ng tao?

Juan 10:7 “Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, KATOTOHANAN, KATOTOHANANG SINASABI KO SA INYO, AKO ANG PINTUAN NG MGA TUPA.”

Dapat tanggapin ng tao ang KATOTOHANANG ITO, na si Cristo ay PINTUAN NG MGA TUPA. Ang tinutukoy bang TUPA rito ay literal na hayop? Lilinawagin sa atin iyang muli ng Biblia:

Ezekiel 34:31 “At KAYONG MGA TUPA KO, NA MGA TUPA SA AKING PASTULAN AY MGA TAO, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.”

Samakatuwid ang TUPA na tinutukoy ay MGA TAO, samakatuwid si Cristo ay PINTUAN NG MGA TAO. Ano gagawin nung mga TUPA o mga TAO sa PINTUANG si Cristo?

Juan 10:7,9 “Kaya’t muling sinabi ni Jesus, ‘Tandaan ninyo: AKO ANG PINTUANG DINARAANAN NG MGA TUPA. … Ako ang pintuan. ANG SINUMANG PUMAPASOK SA PAMAMAGITAN KO’Y MALILIGTAS’.” [MB]

Maliwanag ang sagot ng Biblia, kinakailangan na ang mga TUPA o mga TAO ay DUMAAN at PUMASOK sa PINTUANG si Cristo, at hindi sasampalataya lang, kundi kailangan siyang may gawin. At ito ay ang GAWANG PAGDAAN at PAGPASOK kay Cristo.

Ano ba katumbas nung pagpasok kay Cristo? Paano ba natin magagawa ito sa kabila ng katotohanana na si Cristo ay nasa langit na?

John 10:9 “I am the door; ANYONE WHO COMES INTO THE ‘FOLD’ THROUGH ME SHALL BE SAFE.” [ New English Bible]

Sa Filipino:

Juan 10:9 “Ako ang pintuan; ang SINUMANG PUMASOK SA KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.”

Ang dadaan at papasok kay Cristong pintuan ay mapapaloob sa KAWAN, samakatuwid ang papasukan ng tao ay ang KAWAN NI CRISTO, at kapag nakapasok na tayo sa KAWANG ito, katumbas noon nakapasok na tayo kay Criston bilang PINTUAN.

Alin iyong KAWAN na tinutukoy na kailangan nating PASUKAN?

Acts 20:28 “Take heed therefore to yourselves and to ALL THE FLOCK over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed THE CHURCH OF CHRIST WHICH HE HAS PURCHASED WITH HIS BLOOD.” [Lamsa Translation]

Sa Filipino:

Gawa 20:28 “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong sarili at ang BUONG KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ANG IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”

Ang KAWAN ay ang IGLESIA NI CRISTO na BINILI o TINUBOS niya ng kaniyang dugo, HINDI LAHAT NG TAO SA MUNDO…kaya nga ang banggit sa 1 Timoteo 3:6 na: “NA IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT”…ang LAHAT na tinutukoy ay ang LAHAT NG MGA KAANIB NG KANIYANG IGLESIA.

1 Corinto 12:13 “Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan TAYONG LAHAT sa isang KATAWAN, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at TAYONG LAHAT ay pinainom sa isang Espiritu.”

LAHAT ng BINAUTISMUHAN sa ISANG KATAWAN, na ang KATAWAN ay ang IGLESIA:

Colosas 1:18 “AT SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA'Y NG IGLESIA; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.”

Kaya nga para ang tao ay mapabilang sa mga natubos ng dugo ni Cristo para siya ay maligtas hindi niya maiiwasan na dumaan at pumasok kay Cristo, na ito nga ay ang pagpasok sa kaniyang IGLESIA – ANG IGLESIA NI CRISTO.

Sabi nga ng PASYION ng mga KATOLIKO:

“Sapagkat Pastor kang tunay nitong mundong kabilugan, ANG OBEHANG SINO PA MAN, KUNDI MASOK SA BAKURAN HINDI NGA MASASAKUPAN.” [Kasaysayan ng Pasyong Mahal ni Hesukristong Panginoon Natin, Copyright 1949 by Ignacio Luna & Sons, page 69]

Maliwanag na maging ang Iglesia Katolika ay may paniniwala din na ang sinomang tao na hindi PAPASOK sa BAKURAN ni CRISTO ay hindi MASASAKUPAN ng KANIYANG PAGTUBOS at PAGLILIGTAS.

Ang BAKURAN ni Cristo ay walang iba kundi ang kaniyang IGLESIA kung saan dapat tayo pumasok, gaya nga ng napatunayan na sa atin ng Biblia.

Nawa ay makatulong sa iyo ang aking naging sagot kaibigan…

Source:

http://torch-of-salvation.blogspot.com/2011/08/nais-kong-i-share-sa-inyo-ang-aking.html?showComment=1317979652471 -c3198535589600224832

-Ka Lanz

19/10/2014

Sa October 31,2014 Magkakaroon po ng Malaking Pamamahayag sa Angono Gym..

06/04/2014

Malaking Pamamahayag po Bukas 8:00 pm po ng gabi.Inaanyanahan po namin kayong dumalo :)

Address

National Highway
Angono
1930

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Iglesia ni Cristo -Lokal ng Angono posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share